7TH FABLE: TAGALOG

177 20 7
                                    

"Ang Kwento Tungkol sa mga Kuko ng Agila"

Noong unang panahon may isang agilang nagngangalang Scar.

Ang agilang ito ay napakaganid sapagkat siya ang tumutuka at sumisira ng pananim ng lahat ng kanyang lugar na madaanan.

Ang lahat ng kanyang madaanan ay nagsisilbing kanyang teritoryo o itinuturing na niyang teritoryo.

Kaya naman ang lahat ng hayop sa ibat-ibang lugar ay kinatatakutan ang nasabing agila dahil kumalat pa ang balita sa kanilang lugar na marami na itong naging biktima sa pamamagitan ng paghulog niya sa mga ito sa himpapawid.

Isang araw, habang naglilinis ang batang ardilya ay nakita nito ang agilang paikot-ikot na lumilipad sa kanilang lugar.

"Naku po! Nandiyan na ang agila!, magtatago na ako," nakakabahang sinabi ng batang ardilya.

Dahil sa takot rin ng mga lahay na naninirahan sa kanilang lugar ay nagtago silang lahat.

Hanggang makalipas ang mga ilang minuto ay lumipad ang agila papalayo sa lugar ng mga ardilya.

"Naku naman, wala naman pagkain dito," sabi ng gutom na agila.

Lumipat nanaman ang agila sa lugar ng mga daga.

Hanggang ito'y malapit nang maglibot sa lugar ng mga daga.

"Magtago na kayong lahat! Nandiyan na ang agila," mabilis na sinabi ng pinuno ng mga daga.

Mabilis na nagtago ang mga daga kaya naman naging tahimik sa kanilang lugar.

Naglibot nga ang agila ngunit wala siyang nakitang mga daga.

"Bakit wala ang mga daga? Nagbakasyon kaya sila?, Hay naku naman!," nadismayang sinabi ng agila wala itong mahanap na pagkain.

Lumipad nanaman siya at pumunta sa ibang lugar gaya sa lugar ng mga kuneho.

Ngunit ganon din. Dahil sa kanilang takot ay nagmistulang walang mga hayop na naninirahan sa kanilang mga bahay.

Pero ang totoo ay may lagusan sila sa ilalim ng kanilang bahay kaya naman parang walang hayop sa kanilang bahay.

Naghanap ng naghanap ang agila ng kanyang kakainin hayop sa tatlong magkakaibang lugar na iyon ngunit wala siyang nakita.

Kaya naman ang ginawa ng agila ay kinain nalang niya ang ilang pananim ng mga kawawang mga ardilya, daga at kuneho.

Dahil sa kanyang ginawa ay ang ilan sa kanilang pananim ay nasira.

Ang agila naman ay kinakain ang ibang mga tanim na hindi niya naman pinaghirapan.

Marami ang kinain ng agila kaya naman sobrang busog ito at pagkatapos unti-unti niyang ipinagaspas ang kanyang mga malalaking pak-pak papunta sa kanyang lungga.

Pagkatapos ang nangyaring iyon ay nakita nila ang mga sinirang pananim ng mapanirang agila.

Sa lugar ng mga Ardilya.

"Marami tayong ginastos para lamang mapalaki ang ating tanim na mani ngunit tinuka lamang ng malaking ibon na iyon," sabi ng babaeng ardilya.

"Oo, nga at saka saan tayo kukuha ng sapat na pagkain kung malapit ng inubos ng agila!," sabi rin ng babaeng ardilya.

"My Fables" (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora