2ND FABLE: TAGALOG

536 35 4
                                    

"Si Prinsipe Adrian at ang mga Bibe"

Isang araw, si Prinsipe Adrian na anak nina King Aries at Queen Sandra ay naglalaro kasama ang kanyang mga kaibigan.

Si Adrian ay laging taya sa laro nilang tagu-taguan.

"Ano ba iyan? Ako nalang ang laging taya," sabi ni Adrian sa kanyang mga kaibigan.

"Galingan mo kasi Adrian ang paghahanap sa amin. Para hindi ka laging nandiyang taya." sabi ni Luis na kanyang kaibigan.

"Baka pinagtutulungan niyo ako, kaya lagi akong taya," nagdududang sinabi ni Adrian sa kanila.

"Hindi no, sadyang magaling lang kaming magtago at magsave sa iyong base," sabi ni Diego na kanyang kaibigan.

"Sige na nga magtago ulit kayo. Sisiguraduhing kong mahahanap ko kayo," seryosong sinabi ni Adrian sa kanila.

Naglaro sina Adrian at ang kanyang mga kaibigan ng tagu-taguan ng magdamag.

Ngunit si Adrian ay hindi nasubukang magtago sapagkat magdamag siyang laging taya.

"Ano ba iyan, ang hirap niyong mahanap at ang bilis niyong magsave sa aking base, pero nag-enjoy ako," sabi ni Adrian sa kanila.

"Adrian, dahil palagi ka nalang taya, ako rin ang susubok na maging taya," ngiting sinabi ni Luis kay Adrian.

"Talaga, Luis, salamat. Masusubukan ko na rin ang magtago," sabi ni Adrian.

Magtatago na sana si Adrian ngunit tinawagan na si Adrian ng kanyang nanay upang pumasok sa kanilang malaking bahay dahil mainit na sa labas. Kaya naman tumigil na sila sa paglalaro ng tagu-taguan.

"Anak, halika ka na sa bahay, itigil niyo na muna ang paglalaro ng tagu-taguan. Malapit ng tumanghali," sabi ng kanyang nanay na si Queen Sandra.

"Ahh? Di-na ako nakapagtago," malungkot na sinabi ni Adrian.

"Okey, lang iyan, Adrian, maglalaro ulit naman tayo bukas, at ako naman ang taya," sabi ni Diego.

"Sige, balik ulit kayo bukas ah?," masayang sinabi ni Adrian sa kanila.

"Oo, naman," sabi ng kanyang mga kaibigan sa kanya.

"Sige, mga bata bukas ulit kayo makipaglaro ng aking anak," sabi ng Reyna.

"Sige po uwi na po kami, mahal na Reyna, masaya po kaming nakalaro si Adrian," sabi ni Luis at Diego.

"Mag-iingat kayo mga bata sa pag-uwi," sabi ng Reyna sa kanila.

"Opo, salamat mahal na Reyna," sabi ng kaibigan ni Adrian.

"My Fables" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon