05

533 51 47
                                    


Days had passed.

Nakaupo ako sa table, naka-focus ang mata ko sa paper na hawak ko habang paulit-ulit na nire-review ang sagot ko kanina.

May mali akong dalawa sa exam and I don't get it. It's just true or false nagkamali pa 'ko.

"Tama na 'yan, dalawa lang naman mali mo." Sinulyapan din ni Andrei ang papel na hawak ko. "Si Jameson nga naka twenty lang e, masaya pa siya niyan." turo niya sa pinsan ko na nakikipag batuhan ng plastic bottle kay Gray.

"you can say that, you got the perfect score," inis akong tumayo. Nilukot ko ang papel na hawak ko saka itinapon sa trash can. He scored higher than me on exam I work hard on.

"Chamba lang?" Nakasunod siya sa'kin. Lumingon ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. "Re-take ka nalang bukas, sabihin mo hindi mo natanggap ang paper mo."

"I don't like cheating," Bumalik ako sa table ko, kumunot ang noo ko ng makita siyang pinulot ang papel na tinapon ko.

Umupo siya sa tabi ko. "Oh, ico-compile 'yan sa portfolio." binuklat niya ang papel, nilagay sa desk a harap ko, ibinalik sa'kin.

"Madumi na 'yan," hindi ko kinuha ang papel ko. Nagpanggap akong hindi siya nakikita para tigilan niya 'ko.

"Arte, 'wag kang magagalit-galit dyan pag hindi ka nakakuha ng special award sa gen math." Pananakot niya kaya kahit ayokong hawakan ang papel na 'yon, kinuha ko ito at agad na nilagay sa bag ko.

Kumuha narin ako ng alcohol para mag sanitize, nilagyan ko rin si Andrei sa kamay.

"Si Marcus 'yon 'di ba?"

Napalingon kaming tatlo kung saan nakatingin si Gray. Kanina pa ang uwian namin, gabi na but we're here, staying at the classroom.

"Ah siya pala 'yon," Andrei went straight in the window, sumisilip silip siya. Tsismoso talaga.

"Aly, come here," sabi ng pinsan namin na hindi ko matandaan ang pangalan, hinatak n'ya 'ko papalapit sa kaniya.

"Problema mo?" I said in a tone of irritation in my voice. I turned my gaze again outside, nakatitig sa'kin si Marcus pati sa pinsan ko.

Jameson put his arm to my shoulders. "Is that your friend, Aly? He's looking at you."

"That's ridiculous, Aly doesn't want a friend." Andrei commented, kinuha niya ang plastic bottle sa kamay ni Gray at nagtungo sa desk niya, now he's playing a bottle flip on his table.

"Your suitor?" My cousin asked me again.

"Nope," I said.

"Not yet." it's Gray.

"Not yet?!" Andrei and my cousin looked shocked. Sabay pa silang lumingon kay Gray, parang mga ewan.

"Bugbugin ba natin?" nag-uunat unat na si Andrei, buti kaming apat nalang ang natira sa classroom, ako na ang nahihiya para sa kanila. "Pumapalag ba ng 3v1 'yan?"

"Shut up, Andrei." I rolled my eyes and I removed my cousin's arm to my shoulder. I went back to my table to get all of my things.

"Kunyari boyfriend mo 'ko." My cousin suggested, he approached me again.

Puta naman.

Napasabunot ako sa sarili 'kong buhok. Kaya ayokong dumidikit sa kanila e, nakakabaliw.

"Tanga lang, Jameson. Alam ng lahat na magpinsan kayo," Singhal ni Andrei, habang si Gray ay tumatawa sa gilid.

"Oh, right! Ikaw nalang dito, titignan lang natin 'yung reaction n'ya." He went beside Andrei and pushed him towards to me.

Some Tears Must Fall (Rain On Me Series #1)Where stories live. Discover now