31

340 24 0
                                    


"Aly, ikaw mag assist sa next surgery ko." Kalabit sa'kin ni Andrei.

Napaangat na ako ng tingin sa kaniya. Three thirthy palang ng madaling araw, pumunta na siya dito sa office ko para palalahanan ako. Hindi naman ako makakalimutin, pero panay 'yung pangungulit niya sa'kin.

"Ano ba, ha? Mamaya pa naman 'yon. Napaka excited talaga." Ayaw magpatulog amputek. Umayos ako ng pagkakaupo sa swivel chair ko. Naka lock na 'yung pinto ng office ko pero nakapasok parin siya. Bagay talaga siyang maging magnanakaw. Kulang nalang sumali siya sa akyat bahay gang, nakakailang palit na 'ko nahuhulaan parin. Joke.

"Hindi na 'ko makatulog." umalis na siya sa tabi ko sabay talon papunta sa couch ko. Humiga pa siya sa couch ko.

"Ako naman, makakatulog na." binato ko siya ng unan. "Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka naman. Napakalakas talaga ng bunganga."

"Mahal 'yung couch na 'yan tapos papatungan mo lang ng sapatos mo." dagdag ko pa. Nakikihiga nalang, hindi pa hubarin 'yung sapatos.

"Bakit ba? Ang lambot kaya ng couch mo." Hindi ko siya pinansin. Bumalik na ulit ako sa pagkakayuko.
Pasalamat talaga siya kasi kaibigan ko siya, kung siya si Gray baka itulak ko na talaga siya papalabas.
"Uy, nag message na si Gray."

Kapipikit palang ng mata ko, nagsalita nanaman siya.

"Paki ko?" Napaangat nanaman ako sakaniya.

"Nakaready na yung gamit ni Margot, discharge na daw siya." lumapit siya papunta sa'kin sabay tapat ng phone niya sa mukha ko.

"Good to hear." dahan-dahan kong inalis sa tapat ng mukha ko 'yung phone niya. Baka kasi mabagsak nanaman.

"Anong good to hear ka d'yan? Tara na." hinatak niya ako papatayo. Kabanas naman s'ya, 'di ko nga siya pinaalis, alam ko naman na hindi talaga siya aalis kahit paalisin ko pa siya.

"Pwede naman i-video call nalang." hinatak ko pabalik 'yung braso ko pero ayaw niyang bitawan.

"Tara na," sabay hatak niya sa'kin papalabas ng office ko. Siya na 'yung nag sara ng pintuan, baka daw kasi pumasok ako sa loob.

"Immortal ka ba ha? Bakit hindi ka dinadalaw ng antok." nakayuko lang ako. Hinayaan ko na siyang hatakin ako.

"Secret, lodi mo nanaman ako." yabang nanaman niya. Dapat pala hindi ko nalang sinabi.

"Asa ka."

Pumunta na kami sa tapat ng room ni Margot. Sakto kasi nasalabas na ng pinto lahat ng mga gamit niya. Kasama niya narin si Kylie at si Gray.

"Yieee. Bakit nalang kasi hindi naging kayo." bungad ni Kylie. Bumitaw na si Andrei sa pagkakahawak sa braso ko. Si Gray naman, salitan yung pagtingin sa amin ni Andrei. Habang si Margot, mukhang may hinahap simula nung dumating kami.

"Kung magiging kami, makikipag break din ako agad." paliwanag ko.

"Bakit?" Lingon ni Gray sa'kin. Nakangiti naman sa'kin si Andrei habang hinihintay 'yung sagot ko.

"Gusto niyan palitan ng mga social media accounts." pinag cross ko 'yung braso ko sabay sandal sa nakasarang pintuan

"Uy, 'di naman." tanggi agad ni Andrei, kala mo talaga. Gano'n kaya s'ya. Itatanggi pa, bahala siya d'yan.

"Ay oo, kilala kita. Gano'n ka kaya." umakbay si Gray sakaniya.

"Minsan lang naman ako gano'n nung college days natin." tawa ni Andrei sabay kamot ng batok.

"Kailan naging madalas ang minsan?" Napataas ng kilay si Kylie. Napatango naman kami ni Gray sa sinabi niya.

"Si boy baston talaga eh." tawag ni Gray sakaniya.

Some Tears Must Fall (Rain On Me Series #1)Where stories live. Discover now