02

703 81 9
                                    


What's with that guy?

"Aly, buti nalang dumating ka na."

Nawala 'yung ngiti sa labi ni Kylie nang may mapansin siya sa 'kin. "Bakit para kang nakakita ng multo? What's Tita Marge said to you, lalo ka pang namumutla, are you okay?"

"Oo nga, mukha ka ng bond paper." Margot nodded. Hanggang ngayon hindi niya parin nauubos 'yung macaroni na kunakain niya. Siya talaga 'yung pinakamabagal kumain sa'min.

"Nothing, she just remind me about family dinner." I shrugged my shoulder and went back to my chair.

Tahimik lang ako habang tinutusok tusok ko 'yung beef steak sa plato ko. I remember about that guy named, Marcus. Inis kong binaba 'yung tinidor ko, what's that supposed to mean.

Nakuha ni Lexi 'yung attention ko, she's smiling a whole time, napayuko siya sa table at bumubulong.

"What's wrong with her face," My brows furrowed, she reminds me of my twin brother, Gray, habang tumatagal palala ng palala.

"I don't know, ganiyan na siya simula nang makabalik siya dito." Narinig pala ni Kylie 'yung sinabi ko.

"Ano nga palang club 'yung sasalihan n'yo this year?" Ani Gwen, nakasandal lang siya sa upuan at mukhang bored na.

"Ako, gano'n parin. Theater club." Athena clapped her hand in excitement. "May role play pala kami this coming friday, attend kayo ah." She invited us.

"Sure. Ako naman, this year I decided to join cheerleading squad." Lexi smiled like she was imagining something.

"Why are you smiling like that? You're freaking me out." bigla nalang natawa si Kylie sa reaction ni Lexi. "Speaking of, hindi ko pa alam kung anong club 'yung sasalihan ko."

"How about you Aly? Sa music club parin?" Napaayos ng upo si Athena sabay lingon sa 'kin.

"No, maybe in Science or STEM club." napahikab ako, bored na bored narin ako. "Pwede din siguro sa music club."

"Running as a officer?" Hindi niya inaalis 'yung tingin niya sa 'kin.

"No, as a member." I corrected her. Vice president student council ako this year, so bawal na 'kong maging officer sa isang club.

"How about you, Margot?" She faced Margot, waiting for her response.

"Swimming 'yung sports na sinalihan ko, so no time ako sa mga clubs." binaba na niya 'yung kutsara na hawak niya sabay kuha ng basong may laman na juice, agad niya 'yon ininom.

"Tara na, ma-late pa tayo." Gwen stood up and ready to go. Hinintay lang talaga namin si Margot na matapos kumain.

"Una na kayo, may pupuntahan pa pala 'ko." tumayo narin si Athena.

"Bye-bye." paalam ni Margot sa kaniya.

"Bye." nagmamadaling umalis si Athena papalabas ng cafeteria.

"Sabay-sabay na tayo mamayang uwian." wika ni Kylie. Naglakad na kaming lima punta sa mga classrooms namin.

"Wait n'yo kami sa building namin, baka ma-late kami ng uwi." paalala ni Margot sa 'min tatlo nila Gwen.

"I want to be alone-"

"Of course we will!" Sapaw ni Gwen para hindi nila marinig 'yung sinabi ko.

"I said-" hindi naman ako pinatapos ni Lexi.

"Oki!" Lexi exclaimed, tinawanan niya rin ako.

"Sigla mo ah." Puna ni Gwen.

"Yep, may nahanap na kasi ako." hinubad ni Lexi 'yung black blazer niya, pinatong iyon sa magkabilang balikat niya. Balak ko sana siyang sawayin about improper wearing of uniform kaya lang hindi parin naman siya susunod kaya 'wag nalang.

Some Tears Must Fall (Rain On Me Series #1)Where stories live. Discover now