38

321 12 14
                                    


"Doctor, how's my mom?"

Kalalabas ko lang ng operating room, sinalubong agad ako ng pamilya ng pasyente. Napapunas ako sa pawis sa noo ko na kanina pa tumatagaktak.

Three hours in operating room is not a joke.

"The surgery was successful. Magigising din siya in a few hours," paliwanag ko, nakahinga naman sila ng maluwag. "nalipat narin siya sa recovery room so no need to worry."

"Thank you, Doc." tinapat ng lalaki ang kamay niya sa'kin na parang nakikipag-alok ng shake hands, sa pagkakaalam ko anak din siya ng pasyente. Nagaalangan ako kung tatanggapin ko ba or hindi 'yung kamay niya, kanina niya pa kasi ako tinititigan simula nung dumating sila at hindi ko gusto 'yon.

"No need to thank me, I'm just doing my job." pilit lang akong ngumiti sakaniya, hindi pinansin 'yung kamay niya na nakatapat parin sa'kin. Pinasok ko ang magkabilang kamay ko sa bulsa ng white coat ko, tumango ako sakanila at naglakad patungo sa office ko.

Hinubad ko ang suot 'kong scrub suit at pinalitan 'yon ng light violet cardigan long sleeve, tucked in with white plain high waist jeans. Tinanggal ko 'yung eye glasses na suot ko at pinalitan 'yon ng contact lenses. Nilugay 'ko ang long brown hair ko bago kunin ang susi ng kotse ko pati narin ang bag 'ko.

Lunch time ko ngayon. Ito lang ang free time ko so balak 'kong puntahan si Marcus. Lumabas na 'ko ng ospital, naglakad papunta sa parking lot.

Napatakip ako sa mukha sa sikat ng araw. Nagmadali akong naglakad papunta sa sasakyan ko. Mabuti nalang walang traffic, kaya maaga akong nakadating.

Iniwan ko 'yung bag ko sa loob ng sasakyan, car key and 'yung phone ko lang 'yung dala ko. Matapos 'kong mag park, naglakad at pumasok na 'ko sa malaking building, pinagbuksan naman ako ng pinto ng dalawang guard na nagbabantay.

According to my source, dito 'yung law firm na pinagtatrabahuhan niya. About my source, it's my friend, google. Nag search ako about him, I didn't expect na maraming lumabas na article tungkol sakaniya.

"May I help you, ma'am?" Tanong ng babae na nasa harap ng lobby pagkapasok ko. Nginitian naman ako ng babaeng kasama niya.

I wanted to surprise him, so hindi ko siya pwedeng tanungin. "Where's Atty. Marcus Guillermo's office?" I tapped my fingers on their desk, waiting for her response.

"Kaano ano n'yo po si Atty. Marcus?"

Napatigil ako sa tanong niya. "I'm his uhm..... Uhm friend- no... He's girlfriend?" Patanong ko na sagot, not sure.

"Really?" tango niya na parang hindi siya naniniwala kaya sinamaan ko siya ng tingin, nawala narin 'yung fake na ngiti sa labi niya.

"Why are you looking at me like that?" Tinapunan ko siya nang naiiritang tingin.

"Hindi naman po, akala ko kasi single pa si Attorney." Bakas sa mukha niya 'yung pagkahinayang, mukhang tinamad na din siyang i-entertain ako matapos 'kong sabihin 'yon.

"Well, hindi na siya single." Inirapan ko siya, pinag-cross ko ang dalawang braso ko. "You know what? I don't need your help. I can find-"

"Alyson?" Familiar voice called my name, so I looked back. A tall man figure with a formal black suit was standing right in front of me. "Ikaw nga, It's been a while." he smiled.

I glared at him. "Excuse me?"

Nawala 'yung ngiti sa labi niya, bumagsak 'yung balikat niya na parang hindi niya inaasahan na 'yon ang sasabihin ko. "Uhm, it's me Enzo, don't remember?" Turo n'ya sa sarili niya.

Binigyan ko siya ng commonsense na tingin, tatanungin ko ba siya 'kung kilala ko siya? Titig na titig ako hanggang sa maalala ko siya. "Oh, hi." I smiled at him. He's Marcus friend, I remembered, but not his name.

Some Tears Must Fall (Rain On Me Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora