18

355 31 5
                                    


"Alyson! Gray! Happy Birthday!"

It's been two days since we left at Coron. Nandito kami sa mall para i-celebrate 'yung birthday namin ni Gray. Kakatapos lang ng klase namin kaya ditoI heard, sagot na daw ni Marcus ang lahat. ana lahat maraming pera.

"Aly, Gray, let's take a picture." Tumayo si Athena at gumitna saamin ni Gray. "Enzo, kunan mo kami ng picture." Binigay ni Athena 'yung phone niya sakaniya.

"May favoritism, saakin hindi manlang nagpapicture." Bulong ni Andrei sa gilid na ikinatawa lang nila.

"Gaya nga ng lagi mong sinasabi, Artista ka ba? Hindi ka naman ka-picture picture. Tumigil ka nga." Saway ni Lexi sakaniya. Nagsimula na silang dalawa ni Andrei kumain kahit hindi pa namin nabo-blow ni Gray 'yung cake.

"By the way, ang sarap ng shanghai nila dito. Makauwi nga." Biro pa ni Andrei, halata naman sa mukha niya na sarap na sarap siya sa shanghai. Halos kunin niya na nga pati 'yung kay Jameson eh.

"Mahiya ka nga." Tumikim rin si Lexi ng shanghai. "You know? Your right. May plastic bag ba kayong dala? O kahit tupperware?"

"Sa bulsa mo nalang, kaya naman ata eh." Pagbibiro pa ni Andrei sakaniya. Actually, hindi ko alam kung biro ba 'yon o gagawin talaga nilang dalawa.

"Hoy! Mahiya nga kayo." Saway ni Kylie. Kahit siya nakukulitan na sa dalawa eh.

"Okay na thank you Enzo," mabuti naman at tapos ng nagpapicture si Athena, sakit na ng mukha ko kakangiti. Matapos naming i-blow ni Gray yung candles nagsimula na kaming kumain.

"Yes! Kainan na." Nagsimula na ulit kumain si Andrei. Takaw, walang kabusugan.

"Kaina ka pa kaya kumakain." Naiinis na bulong ni Gwen. "Buti sana kung ikaw 'yung magbabayad eh. Kuripot talaga." Bulong pa nito.

Tumingin ako sa kanan ko kung saan nakaupo si Marcus, hindi niya pa 'ko binabati simula kanina. Akala ko nga siya 'yung mauunang bumati saakin eh. Mali pala ako.

"Hey Aly, kain na." Nilagyan ako ni Gray ng iced tea sa baso ko.

"Right." I nodded.

"Ayaw mo ba? Saakin nalang." Kukunin sana ni Jameson 'yung plato ko nang hampasin ni Margot ang kaliwang kamay niya.

"Tumigil ka nga, isa ka pa eh." Singhal sakaniya ni Margot. Kumuha siya ng cake at tinikman ito. "Ang sarap naman nitong ice cream cake. Paano kaya 'to ginagawa?"

"Punta ka sa settings." Napatingin silang lahat saakin nang magsalita ako. Si Gray, palihim na tumatawa sa gilid. Malamang alam niya na binibiro ko lang si Margot.

"Then?" Tutok na tutok na tanong ni Margot. Akala ko gets na niya 'yung biro ko.

"Tapos hanapin mo 'yung halaga niya." Hindi na nakayanan ni Gray 'yung sinabi ko kaya tumawa na siya ng malakas. Hinahampas niya pa ako sa balikat sa sobrang tuwa. Wala namang nakakatawa do'n ah. Parang tanga. Hindi naman biro 'yun eh, ano nga ba ang tawag doon? Sabi ni Andrei hugot daw 'yon.

"Nice! Ginawa mo talaga 'yung sinabi ko ah." Nakikipag-apir si Andrei sa'kin pero 'di ko tinanggap.

"Walang kwenta." Sabi ko nalang. Tapos na akong kumain kaya kinuha ko ang cellphone ko para i-check kung bakit kanina pa nagvi-vibrate 'yung phone ko. Puro greetings lang sa social media. Hindi ko na binasa, hindi ko naman sila kilala pero ang haba ng mga message. Halos sumabog na ang notification ko sa sobrang dami. Binalik ko na ulit yung phone ko after kong i-check.

"It's nice by the way." Edwin commented. I don't know if that's his name. Basta kaibigan ni Marcus. "Try mong madalas mag-salita. Malay mo lalo pang ma-turn on si Nicus sa'yo."

Some Tears Must Fall (Rain On Me Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon