21

337 29 0
                                    


I woke up early, may usapan kami ni Marcus na magkikita kami ngayon.

After 'kong maligo at magpatuyo ng buhok, bumaba na 'ko para hintayin siya, Pagkabukas ng guard yung gate, nakita ko na kahihinto lang ng sasakyan ni Marcus.

"Hey." I waved my hand. Bumaba na siya ng sasakyan at lumapit sa akin.

"Good morning." Bati niya. Tinanggal niya yung suot niya na cap at hinalikan ako sa pisngi. Naramdaman kong nag-iinit 'yung pisngi ko kaya tumalikod na 'ko.

"Let's go inside." Hindi na 'ko lumingon at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Aasarin pa n'ya ko pag nakita n'ya 'yung mukha ko.

Umupo ako sa couch then tumabi s'ya sa akin. Naramdaman ko pa yung braso n'ya na nakaakbay sa akin. Kinuha ko 'yungremote at binuksan 'yung TV.

Sakto naman na basketball game 'yung palabas. Hindi ko alam kung ano yung gusto n'ya kaya 'di ko na nilipat. Inihilig n'ya yung ulo ko sa balikat niya kaya lalong namula 'yung mukha ko. Tahimik lang kami habang nanonood nang magsalita siya.

"Kinikilig ka?" Bigla n'yang tanong. Nakita nya pa 'yon? Tinanggal ko na yung ulo ko sa balikat niya at umayos ng upo.

"What? Anong klaseng tanong 'yan?" Maang maangan kong sabi. Pucha, nakakahiya.

"I don't know, maybe because your face turns red?" Nilapot n'ya pa yung mukha niya sa akin para makita pa ng malinaw yung mukha ko.

"No, malamig lang." Sabi ko sabay ubo. Sino ba naman 'yung 'di kikiligin sa mga moves na ginagawa n'ya.

"Ako naiirita." Biglang sulpot ni Gray sa harap namin. Umupo siya sa patitan namin ni Marcus at nagkunwari na walang tao sa magkabilang gilid niya.

"What the hell Gray? We're watching." Nakakaasar naman 'to. Nabitawan tuloy ako ni Marcus, papansin kasi eh. Gusto ko siyang itulak pero 'di ko magawa, baka kung ano pa 'yung sabihin ni Marcus kapag ginawa ko 'yon.

"Ano naman?" Walang lingon n'ya na saad. 'Di ko alam kung nagkukunwari lang 'to na ganiyan para mangulo eh. Kaiinis. Kaya ayokong maging mabait sakaniya, ito pa 'yung isusukli sa akin.

"Kaasar ka." Kinuha ko yung fries sa lamesa na dinala ni manang kanina. Kakain nalang ako para kahit papaano mabawasan 'yung inis ko.

"It's okay." Marcus commented. Kung sakaniya okay, sa akin hindi. Hindi ko pa anamn siya makaksama bukas ng magdamag kasi start na nung violin at piano lessons ko.

Hindi ko pinansin 'yung sinabi niya at patuloy ko parin pinapaalis si Gray. "Alis na."

''Okay nga lang daw oh." Lumingon na si Gray sa akin kaya binigyan ko na siya ng masamang tingin. Makuha ka sa tingin Gray at umalis ka na. Mukhnag nakuha niya naman at tumayo na siya. "Kakaupo ko lang eh, gusto mo lang maakbayan ni Marcus."

"Epal." May TV naman s'ya sa kwarto niya, ba't 'di nalang siya do'n manood. 'Di 'yung dito pa siya nanggugulo. Tinamad na tuloy ako, nawalan na ako ng gana dahil kay Gray. Nilapag ko na ulit sa table yung fries at nakatulalang binalik ang mata ko sa palabas.

"You don't like watching basketball? Parang hindi ka nag eenjoy." Napansin na ata ni Marcus na wala na 'kong gana manood. Kinuha niya yung remote sa tabi ko at pinatay ang TV.

"Hindi ako mahilig sa mga sports eh." Sabi ko. Totoo naman eh, 'di talaga ako mahilig. Kaya nga mababa 'yung score ko sa pe last sem volleyball pa naman 'yon, then nagkapasa pa 'yung dalawang magkabila kong braso dahil 'don.

"Painumin kita ng gatorade gusto mo?" Biro niya. Kahit oapaano natawa ako sa sinabi niya.

"Sira."

"Ako nalang panoorin mo, you want?" Tumagilid siya ng upo para makaharap sa akin.

Some Tears Must Fall (Rain On Me Series #1)Where stories live. Discover now