30

355 26 0
                                    


"Hello po, kumain na kayo?"

Maaga akong umalis ng condo kanina para hindi kami magkita ni Marcus. Nagdala ulit ako ng prutas then bunisita ako kay lola. Visiting hour na n'ya kaya dumitetso agad ako sa room niya.

"Hindi ko pa naririg na tinawag mo 'ko sa pangalan ko." agad siyang bumangon at umupo sa kama niya.

Ngumiti lang ako sakaniya. Umupo ako sa upuan malapit sa kama niya. Kinuha ko 'yung kamay niya then inabot ko 'yung mga apple na dala ko. "Nag dala ulit ako ng apple."

"Salamat." Tinanggap niya ito at nilagay sa table sa left side malapit sa kama niya. Dinalaw siya ng apo niya kahapon kaya hindi ko na siya nabisita.

"Two weeks nalang, pwede na po kayang ma-discharge." hinawakan kong muli 'yung palad. May swero parin na na nakatusok sa ugat ng kanang kamay niya. "Ayoko po muna kayong makitang bumalik dito okay?"

"Hindi natin masasabi 'yan." napahawak siya sa batok sabay tawa ng mahina.

"Magaling 'yung doctor niyo, kaya matatagalan pa bago kayo bumalik." tawa ko din. Hindi ako sanay na ipagmalaki 'yung sarili ko, pero totoo naman talaga 'yung sinabi ko.

"May punto ka do'n, di lang magaling maganda pa." tango niya sabay gulo sa buhok ko.

Hinihintay kong sabihin niya na mabait din ako kaso hindi ko narinig, kaya ako na 'yung nagsabi.

"saka mabait." dagdag ko. Nakita ko pang nagtaka siya saglit bago tumawa ng malakas. Bakit? Mabait naman talaga 'ko ah.

Magsasalita na sana siya kaya lang biglang bumukas 'yung pinto.

"There you are." Hinihingal na sabi ni Gray. "Another patient, Alyson."

"Wala naman bago do'n." agad akong napatayo at sumunod sakaniya. Lumingon pa ako kay lola bago lumabas ng room niya.

"We need to go there, asap." napabuntong hininga si Gray. Nakita ko 'yung mukha niya, bakas 'yung pagaalala do'n. Nagmamadali din siyang maglakad, mas mabilis pa kayasa sa natural niyang paglakad.

"What happened? Sino ba 'yung pasyente?" I asked. Sumabay ako sa paglakad niya.

"It's Margot." Lumingon sa'king saglit si Gray. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Agad akong napatingin sa phone ko. Puro message mula kila Kylie. May mga missed call din. Kaasar! Naka silent yung phone ko kaya hindi ko kaagad nabasa.

"Where's Jameson?" Agad akong kinabahan. Jameson is a softhearted guy, pero pag nagalit na siya, iba na 'yon.

"You'll see, let's go." tumakbo na siya kaya tumakbo narin ako.

We saw our friends there, Athena crying at Andrei shoulder while Lexi trying to calm Kylie. They are all crying except from Jameson.

"Anong nangyari? Sorry ngayon ko lang nabasa 'yung text mo, Kylie." Pinunasan ni Gray 'yung noo niya na may pawis dahil sa pagtakbo.

"Hindi ko naman alam na nilalaklak niya pala 'yung isang garapon ng pampakalmang gamot eh." lumakas yung paghikbi ni Kylie habang nag sasalita. Sorry. Ngayon baka kung ano pa 'yung mangyari sakaniya dahil sa kapabayaan ko."

"Hey ano bang sinasabi mo? Naging busy ka rin di ba? Buti nga nakaya mong pagsabayin 'yon." pag aalo pa sakaniya ni Lexi. Nakakalat lahat ng paper bag niya sa sahig. Mukhang kakagaling niya, lang uli sa mall.

"What are you going to do, Jameson?" Lingon ni Athena sakaniya.

Napatingin kaming lahat sa direksyon ni Jameson na nakaupo sa floor. Naghintay kami kung may sasabihin ba s'ya pero walang lumabas na kahit ano sa bibig niya. Yung itsura niya parang walang nangyari, normal parin 'yon at walang bakas ng pag aalala. Usually kasi kapag may nangyayari kay Margot, nagagalit talaga siya. Pero ngayon, iba na talaga.

Some Tears Must Fall (Rain On Me Series #1)Where stories live. Discover now