22

347 29 0
                                    


"Nandito na po tayo, Ma'am."

Bumaba na 'ko ng sasakyan nang pagbuksan ako ng pinto ni Manong. Kinuha ko 'yung phone ko then tinigan ko kung nag message na sa akin si Marcus, hindi pa 'ko nakakapag message sakaniya simula kahapon.

Nakatulog kasi ako habang kasama ko siya, then pagkagising ko nasa kwarto na 'ko no'n.  Naging busy kasi ako sa pagbabasa kaya wala akong time. Maybe l'll call him later.

"Thank you, Mang Lyril," ngiti ko. Siya talaga 'yung driver namin ni Gray na pinakamabait. 'Yung unang driver kasi namin hindi nagsasalita kaya pinapalitan ni Gray.

"Larry po mam." Tawa niya. Inabot na niya yung violin ko at pumasok nang muli sa kotse. Pinanood ko pang umandar papalayo 'yung kotse. Five years nalang pala bago siya yung retirement niya sa amin. He's already an old man, siya na mismo yung may sabi. Kahit paano ma mimiss ko siya, lalo na si Gray. Mahilig pa naman mag prank si Gray sa kaniya dati.

"Alyson?" I heard a familiar voice so I turned around. What a coincidence,  he's Marcus friend but it seems like I forgot again his name. Who is this guy again?

"Hey, ahm Erwin?" Bati ko. Katulad ko may violin din s'yang hawak. Mukhang kadarating niya lang din, bago lang ba siya dito?

"Enzo," he corrected.

"Right."

"I thought hindi ka na mag-eenroll dito kasi magaling ka ng tumugtog, ang cool mo kaya. Violin lesson again?" Mala Athena din pala siya eh, parehas silang mahilig pumuri.

"And piano," dagdag ko sa sinabi niya.

"I see." He nodded.

"Are you with Athena?" 'Yun nalang yung tinanong ko, hindi kami masyadong close kaya di ko alam kung ano yung sasabihin ko sakaniya. Pero kaibigan siya ni Marcus kaya gusto ko din siyang makilala.

"No, she's with Tessa and Mariana, her classmates." He replied. Napansin kong nag-aalangan siyang magsalita, napakamot pa siya sa ulo bago magpatuloy "Shall we?"

Ngayon ko lang napansin ma kanina pa pala kami nakatayo habang nag uusap dito sa parking lot. Tumango ako sakaniya then nauna na 'kong naglakad, nakasunod naman siya sa akin. Binibilisan ko ng kaunti yung lakad ko baka kung ano pa yung akalain ng mga nakakakita sa amin. Ayoko pa anaman na pinag uusapan ako.

"Is this your first time here? Ngayon lang kita nakita." I started the conversation. Baka sabihin niya boring akong kausap, pero sa totoo lang tinatamad talaga akong mag salita.

"No, matagal na 'ko dito. Actually, lagi din kitang nakikita dito t'wing vacation." Nauna siyang maglakad para pagbuksan ako ng pinto.

Hindi ko alam kung ano 'yung ire-react ko. Ngayon ko lang siya nakita dito. Every vacation talaga nandito na 'ko, ngayon ko lang talaga siya nakita. Wala ron akong kilala sa mga kasama ko dito. Ngumiti nalang ako, wala akong ma reply sa sinabi niya.

Nagsimula na yung nagtuturo sa amin kaya hindi na kami nagusap. Then after an hour, pinaupo na kami sa mga chair. Mag pe-perform daw kasi bawat isa para malaman kung may natutunan kami.

May bakante sa tabi nung kaibigan ni Marcus kaya doon na ako umupo. Siya lang naman yung kilala ko kaya sakaniya na 'ko tumabi.

"Goodluck." Nakangiti niyang sabi. Siya pala yung mauuna bago ako.

"Same to you." I said. Tinawag na 'yung pangalan niya kaya tumayo na siya at huminga ng malalim. Nakita ko pang nanginginig yung kaliwang kamay niya. Kinakabahan siya? Well it's normal.

Nagsimula na siyang tumogtog kaya tunuon ko yung pansin ko sa kamay niya. He's good. Although there are times na may naririnig akong sintonado na tono, ang cool niya paring tignan.

Some Tears Must Fall (Rain On Me Series #1)Where stories live. Discover now