15

369 34 47
                                    


When I went inside in our house, my friends are no longer in our living area. I went straight to my room then I found them in my room again, except for the three boys. I'm sure nasa kwarto ni Gray 'yung dalawa.

"Ano Alyson? Nag kiss kayo dito?"

"Pinagsasabi mo Lexi? Of course not. Pinakita ko lang sakanya 'yung view sa veranda ko. May masama ba 'don?" Sinara ko na ang pintuan ko. Tinignan ko silang lahat, guguluhin ba nila ulit 'yung kwarto ko?

"Haba nang paliwanag mo ngayon ah. Osige sabi mo eh." Parang hindi pa siya satisfied sa sagot ko. Lumundag na ulit siya sa kama ko.

"Ano ka ba teh? Kailan ba nag sinungaling sa'tin si Aly?" Pagsabat ni Kylie. Nakaupo siya ngayon sa vanity table ko habang pinapakelaman ang mga make-up ko. "Kung ikaw 'yung paguusapan siguro, hindi ko na mabilang kung ilang beses ka nang nag-sinungaling sa'min."

"Ang sakit naman no'n. Siyempre gano'n talaga, 'yun ang tinatawag na wise lies." Lexi tucked her self in my white blanket, it's getting cold because of my aircon.

"Para ba talaga sa nakaka-buti kaya ka nag si-sinungaling?" Binato siya ni Athena nang unan.

"Of course, baka Lexi 'to."

"Bakit kayo nasa kwarto ko? Hindi pa ba kayo uuwi?" Takang tanong ko. Ni wala pa nga 'yung mga driver nila sa labas eh. Anong oras ba magsisi datingan 'yon?

"No, dito kami matutulog." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Gwen.

"What?" Naguguluhan silang tumingin sa'kin. "I...mean may guest room naman ah." Marami namang guest room kung gusto nila tag-iisa pa sila. Bakit kailangan pa kaming mag-siksikan sa isang bed?

"Gusto namin dito since, hindi ka naman sumasama sa'min kapag nag si-sleep over kami." Tumabi si Gwen kay Lexi.

"Oo nga ikaw lagi 'yung kulang." Pagsali ni Margot sa usapan. "Isa pa malaki 'tong kama mo, kasya tayong anim." Tumayo siya at binuksan ang flatscreen TV ko.

"Skin care routine muna tayo! Saan nakalagay 'yung mga facial mask mo Aly?" Sabay-sabay pa nilang saad.

I just sat on my couch and scratched my head. Mukhang mahihirapan akong makatulog ngayon ah.

"Argh!"

I opened my eyes when I felt something on my leg. It's Lexi, nakapatong ang binti niya sa hita ko. Ang likot niyang matulog. Kala mo nakasakay sa Ferris wheel, eh pagulong-gulong.

I glanced at my phone, thirty minutes before it's getting two o'clock in the morning. Ibig sabihin one hour palang ang tulog ko since, twelve thirty na nang madaling araw kami nakatulog.

Tumayo ako at naglakad patungo sa couch ko. Nilapag ko ang phone ko sa lamesa at humiga ako na 'ko sa couch ko. Pinikit ko na ulit ang mga mata ko. Pagpapatuloy ko na sana ang pag-tulog ko nang makaramdam ako nang lamig. Tumayo ako para kumuha nang extra blanket sa closet ko. Hininaan ko na 'rin ang aircon, bago ko pinagpatuloy ang pag tulog ko.

Eight thirty in the morning when I woke up. I looked at my bed, my friends are still sleeping. I texted Marcus first before I take a shower. After that I went to my closet to choose an outfit that I'll gonna wear today. I wore a white collared top tucked in a high waisted denim jeans. I also wear a beige sweater vest.

Ni-ready ko na ang lahat nang books na dadalhin ko mamaya. I took my canvas bag then I put it all the things that I need on that bag. I also put my laptop and my inside. May internet naman sa coffee shop so no need to bring my wi-fi.

I sat down to my vanity table to apply a light make-up. Hindi na 'ko naglalagay nang blush on, I have a natural rosy cheek so I don't have to use that. After that I sprayed a perfume then I went to my walk-in-closet to took my white sneakers.

Some Tears Must Fall (Rain On Me Series #1)Where stories live. Discover now