29

350 28 6
                                    


"Is that all, Jax?"

Days had passed. Wala rin akong balita about Margot. Naging busy narin ako kaya hindi ko natatanong si Kylie.

"No, we should—" napahinto siya at napalingon sa likuran ko. "You go first, Alexandra, I'll sk you some questions about my patient later."

Tumango nalang ako sa sinabi niya.

"Good morning!" Nakangiti niyang bati sa amin ni Jax. Napalingon pa 'ko salikuran ko kung saan nanggaling 'yung boses na 'yon.

"You're late." saad ni Jax. Tumingin pa siya sa wrist watch niya para i-check 'yung oras.

"So?" Nakataas na kilay na sabi ni.....Selven? Yun ba 'yung pangalan niya?

"Seven, could you please?" Pinipilit ni Jax na maging mahinahon. Maraming pasyente sa paligid kaya kailangan niyang huminahon. 

"Eleven nga, kulit." she rolled her eyes. Bigla naman siyang tumingin sa'kin. Mukhang hindi ko gusto 'yung susunod na mangyayari ah. "Hi Aly!"

"Hey." naglakad na 'ko papaatras. Mukhang kukulitin niya 'ko.

"What time is it? You're five minutes late." bakas ang inis sa tono ng pananalita ni Jax.

"Kumain ka na Alyson?" She ignored him. "Libre kita."

"No, I'm good." tanggi ko. Nakasama ko na siya kumain, grabe nagsisi ako nung sumama ako sakaniya.

"Seven, I'm asking you." Jax gave her a cold expression.

"Bahala ka nga d'yan. Pangalan ko na lang hindi pa matandaan." inis niyang sagot.

"Jax, una na 'ko." paalam ko. Tumango narin ako kay Sleven bago umalis. Ayos na kami ni Jax. Hindi na nga lang ako sanay na tawagin siya na 'kuya' kaya sa pangalan ko nalang siya ulit tinatawag.

Papunta na 'ko sa office ko pero nakita ko sila Gray na dadaan don. Li-liko na sana ako para 'di nila ako makita pero agad akong tinuro ni Andrei.

"Hoy! Saan ka pupunta?" Agad silang tumakbo papunta sa'kin. Ano ba 'yan, kala ko makakaligtas na 'ko.

"Tara, coffee." hinatak na 'ko papalabas nila Gray kaya sumama na 'ko.

"Himala, di na kailangan pilitin." tawa ni Jameson.

"Hinatak nyo na 'ko, ano pang magagawa 'ko?" I rolled my eyes. Naglakad na kami papunta sa coffee shop na malapit lang dito. Agad akong umupo at napasandal sa upuan.

"Iced coffee or black tea?" Tanong ni Jameson sa'kin. Gusto ko sila parehas pero mas gusto kon-

"Matulog." sagot ko.

"Okay, isang black tea." sabi niya sa waiter.

"Grabe, nakakapagod." nag-unat ng braso si Andrei.

"Ako naman, parang gusto 'kong magbakasyon. Mag leave kaya muna 'ko?" Ani Gray. Eto naman daming gustong puntahan.

"Sa Palawan tayo," umayos ng upo si Andrei at nakangiting humarap sa'min

"Kala mo talaga, baka drawing nanaman 'yan. Ganiyan naman kayo." umakto si Jameson na pakunwaring hahampasin ng menu 'yung dalawa.

"Basta si Andrei nag plano, asahan niyo di matutuloy 'yan." pagsangayon ko kay Jameson. Basta talaga si Andrei 'yung nakakaisip, hindi na matutuloy. Nag-aya siya dati na pumunta sa Bohol then kinabukasan no'n, nag cancel siya.  Nung sinabi niya 'yung dahilan, wala namang kwenta. Gano'n din 'yung nangyari sa mga sumunod na nag aya nanaman siya. Kaasar lang.

"Ang sama, sana pangit 'yung lasa ng tea kapag binigay na sa'yo." biro ni Andrei. minsan talaga mapapaisip ka nalang kung bakit kailangan niya pang magbiro, hindi naman na nakaktuwa, nakakaasar pa.

Some Tears Must Fall (Rain On Me Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon