37

332 14 17
                                    


R- 18. Mature content. Don't read if you're uncomfortable.

"Aly?"

Nandito parin kami sa sasakyan niya. One hour na kaming stuck sa traffic, halos hindi na nga kami umuusad.

"Yes?" Inalis ko 'yung paningin ko sa phone na hawak ko at lumingon sakaniya.

Tinignan niya 'ko sa mata at huminga ng malalim.

"Ikagagalit ba ng kutchilyo kung saksakan ako nang gwapo?"

Napatulala ako sa sinabi niya. The heck?! Akala ko seryoso 'yung sasabihin niya. Saksakin mo nalang ako. Joke.

"Hindi, baka ako 'yung magalit sa'yo." kunyari akong nainis sa sinabi niya kahit sa totoo lang natatawa na 'ko sa isip ko. "Ang kapal mo, kanina ka pa." binalik ko na 'yung paningin ko sa bintana at pasimpleng natawa.

Nakatingin lang ako sa streetlights habang siya naman ay sinasabayan 'yung kanta na tumumutugtog.

"Aly," tawag niya muli sa pangalan ko.

"What?" Hindi ako lumingon sakaniya.

Akala ko mag-bibiro nanaman siya. "You really wanna go home?"

"Why?" Tumagilid ako papaharap sakaniya, pinag-cross ko rin ang mga braso ko.

"I'm planning to visit my parents nga pala. I want you to come with me," seryoso siya habang pinapaliwanag 'yon. "but if you really want to go home, it's fine. Ihahatid parin kita."

"U-Uhm...." Huminto ako sa pagsagot sakaniya. Ba't ako kinakabahan? Huminahon ako at ibinaba ang mga kamay ko sa hita ko. "Ye-Yeah. Maybe we can go there."

"Nice, I'm sure mom would be glad." aniya at itinuon na ang paningin sa harap.

I don't know. Baka nga galit sa'kin 'yon. Itinuon ko na ulit sa bintana ang tingin ko. Buti hindi niya napain na kinabahan ako.

Umandar na 'yung sasakyan kaya hindi na 'ko mapakali. Ano kayang sasabihin ng mom niya kapag nakita na niya ulit ako?

Half an hour bago kami nakapunta sa bahay nila. Same parin dito parin sa village kung saan kami nakatira dati.

Tinanggal ko na 'yung seatbelt at lumabas ng sasakyan. Marami ng pinagbago. Iba na 'yung kulay ng mansion nila, iba narin 'yung gate.

"Tara?" Tanong niya at tumango naman ako. Pinagbuksan niya 'ko ng gate at sabay kaming dalawang pumasok sa bahay nila.

Pagpasok agad namin sa loob nakita ko na agad 'yung mommy ni Marcus sa busy sa pag-aayos ng mga halaman.

Huminto kaming dalawa sa paglalakad at pinanood 'yung mom, niya.

"Mom?" tawag ni Marcus. Agad naman napalingon 'ying mom niya sa direction namin. Ako naman napatago bigla sa likod ni Marcus.

Kinakabahan nanaman ako.

"Nicus! Buti pumunta ka." nakita kong napangiti 'yung mom niya. "Sakto, pauwi na 'yung dad mo." napapalakpak siya. "Who's the girl at your back?" Napahawak ako sa damit ni Marcus ng sabihin 'yon ni tita.

Lumingon sa'kin si Marcus nang mapansin niyang nagtatago ako sa likuran niya, umalis siya sa harapan ko at tumabi sa gilid ko.

"Aly?" Hinubad ni tita 'yung gloves and 'yung apron na hawak niya.

"Uh-Uhm.. H-Hi po, tita." nahihiya kong sinabi. I bow my head, bit my lower lip, waiting for her to say something.

"Ikaw nga, Alyson!" Masaya niyang sambit kaya nagangat ako ng tingin. 'Di siya galit? Tumakbo si tita papalapit sa'kin at agad ang niyakap. "I miss you!"

Some Tears Must Fall (Rain On Me Series #1)Where stories live. Discover now