34

343 26 1
                                    


Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Ang sakit ng mata ko. Bumangon ako sa pagkakahiga at kinusot ang mga mata ko. Nagunat ako ng braso sabay hikab.

"Good morning."

"Morning." Napayuko ako, inaantok parin ako. Paano nga ulit ako nakauwi sa condo ko? Nakalimutan ko na. Hindi ko din maaalala kung anong sumunod na nangyari kagabi. Basta ang natatandaan ko nalang is.... Sino nga ulit? Ano bang...... Huh? Napaangat ako bigla ng tingin ng may ma realize ako. Gulat akong lumingon sakaniya. "What are you doing here?"

"Hindi ba obvious? Binabantayan kita," sagot niya habang hindi inaangat ang tingin sa 'kin. Nakaupo siya sa couch malapit sa bed ko habang nagbabasa ng isa sa mga libro ko.

Hindi ko naman sinabing bantayan niya ko.

"Magdamag?" Tanong ko pa. Wala ba siyang trabaho ngayon?

"Yeah." tango niya sabay lipat ng pahina ng libro. "Let's eat. Hindi ka pa kumakain simula kagabi."

"Anong oras na?" Tanong ko ulit. Hinahanap ko 'yung phone ko sa ilalim ng unan pero wala akong makapa.

"Eleven thirty." tumingin siya sa wrist watch niya.

"What?!" Agad akong tumakbo papunta sa bathroom para mag shower. Ba't 'di niya 'ko ginising?! No. Ba't 'di ako nag alarm?!

"Hey!" Rinig ko pang tawag ako ni Marcus pero 'di ko siya pinansin.

Nagbihis na 'ko sabay kuha sa susi ng kotse ko. Five minutes nalang mala-late na 'ko. Hindi na 'ko nagabala oang maglagay ng light make-up. Sinuot ko na 'yung wrist watch ko then 'yung sneakers ko.

Naabutan ko naman si Marcus na nasa living room ko na habang naka cross 'yung arms niya. Nakaupo lang siya sa couch ko na parang may hinihintay.

Napalingon siya sa'kin nang marnig niya 'yung footsteps ko.

"Going back to your work?" Binaba niya 'yung tingin niya sa braso ko kung saan nakasabit 'yung white coat ko. "You sure? Are you okay now?"

"Yeah. Wala naman akong sakit." pagsusungit ko sa kaniya. Lumapit si Trevor sa'kin kaya lumuhod ako at hinalikan ko siya ulo.

"Kiss ko?" Pahabol na saad ni Marcus. Tumayo na siya sabay lapit sa'kin. Hinawakan niya 'yung braso ko at inalalayan akong tumayo. "Hatid na kita."

"No need, I know how to drive." binitawan ko 'yung braso ko at naunang lumabas sa pinto.

"Sungit." bulong niya. Sinara niya 'yung pinto ng condo ko bago sumunod sa'kin. Sabay na kaming pumasok sa elevator.

Nang bumukas na ang pinto sa elevator, hinatid niya nalang ako papunta sa parking lot.

"Bye." paalam ko sakaniya bago pumasok sa loob ng sasakyan ko. Buti nalang may duplicate key ako ng kotse ko, naiwan ko ata sa office ko 'yung susi ng sasakyan ko.

Pinaandar ko na 'yung engine ng sasakyan ko at handa ng umalis nang bigla siyang kumatok sa bintana. Nagtaka ako saglit bago buksan 'yon.

"Kumain ka ah, 'di ka pa kumakain kahit breakfast." paalala niya. Kanina niya pa 'yan sinasabi simula nung sumakay kami ng elevator hanggang sa pagdating dito sa parking lot.

"Yes, dad. Paulit ulit ka." silip ko sa bintana. Natawa naman siya sa sinabi ko, pinaikutan konnalang siya ng mata. Sinara ko na 'yung bintana ng kotse at pinaandar na ito papunta sa hospital.

Eleven fifthy eight na nang makadating ako. Mabuti nalang walang traffic. Sinuot ko na 'yung white coat ko at ID ko bago ako lumabas sa kotse.

Binati at pinagbuksan pa ako ng guard ng pinto papasok sa hospital. Saan naman kaya napunta 'yung phone ko? Kahit sa kotse wala eh.

Some Tears Must Fall (Rain On Me Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon