28

314 26 8
                                    


Nakatitig parin siya sa'kin, parang ewan. Balaha ka d'yan. Naglakad na 'ko patalikod, hinatak ko na si Trevor papunta sa'kin.

"Thank you ah." he said, sarcastically. Sa tono ng boses niya parang pinapahiwatig pa niya na may utang na loob ako sakaniya.

ANG KAPAL TALAGA!

"Welcome." sabat ko, hindi na 'ko nag-abalang lumingon. Hindi ko naman hiningi 'yung tulong niya.

Six thirty nang makarating ako sa ospital. May paguusapan daw na mahalaga kaya nandito kaming tatlo sa office ni Gray.

"Alyson? Nakikinig ka ba?" Lumingon sa'kin si Gray. Nakaupo siya sa swivel chair niya, habang kaming tatlo magkakatabing nakaupo sa couch.

"Malamang." inis 'kong saad. Akala ko tungkol sa trabaho kaya pumunta ako. Wala namang kwenta 'yung pinagsasabi niya.

"Sige nga, ano 'yung sinabi ko?" Tanong niya pa.

"Sabi mo parang gusto mong mag Japan, bakit brokenhearted ka din? Tumigil ka, 'di bagay sa'yo." diretso kong sabi.

"Kausapin n'yo 'yan, wala ngang girlfriend broken pa." sabat ni Jameson.

"Patawa." dagdag ko pa. Gusto ko ng umalis pero 'di ko magawa, kinuha ni Gray 'yung mga ID namin. Ibabalik niya lang daw kapag natapos na siya.

"Parang timang." ani Andrei sa tabi ko.

"Ako parang, ikaw timang na talaga. Kapag broken, girlfriend na agad? Di ba pwedeng gusto ko lang mag travel." pagtanggol ni Gray sa sarili niya.

Ewan ko ba sakaniya, kung gusto niyang umalis edi umalis siya hindi 'yung magtatawag pa ng meeting na akala niya entire life na siyang 'di babalik.

"Style mo, tanga. Travel daw, kelan ka pa nahilig sa travel? Wala kang maloloko dito." napasandal si Jameson sa couch. "Kasing arte pa ng mga babae kung kumilos, kaya paano ka makakahanap ng girlfriend kung ganiyan ka."

"Bakit hindi nalang sa Cebu?" dagdag pa niya.

"Cebu?" sabay-sabay kaming lumingon kay Jameson.

"Cebuhay ko." aniya sabay tawa ng malakas.

"Kadiri ka, oh. Umuwi ka na nga." hinagis ni Gray 'yung ID ni Andrei sakaniya.

"Di naman mabiro. Gagawin ko dito? Kay Andrei 'to eh." Ihahagis na sana ni Jameson pabalik nang hawakan ni Andrei 'yung braso niya.

"Akin na nga." bawi ni Andrei sa ID niya. Humarap na ulit siya kay Gray at nagsalita. "Gray, di mo nga naging jowa yung crush mo."

"Naging kami kaya ni crush." pagmamalaki niya pa. Proud pa siya ah, wala nga siyang pinapakilala sa amin.

"Saan? Sa panaginip?" Pagsingit ko. Sinamaan ako ng tingin ni Gray. Baka kasi totoo 'yung sinabi ko kaya natahimik nalang siya.

"HAHAHAHAHA!" humalakhak si Andrei sabay hampas sa tiyan niya. Ayoko talaga ng tawa niya, nakakairita.

"Ang saya mo naman." singhal ko. Pwede ba maging seryoso naman siya kahit minasan?

"Syempre, ayokong mahawa sa energy n'yo. Para kayong tamad na tamad." tumitig pa siya sa'kin nung sabuhin niya 'yung word na 'tamad na tamad', siya nga makita ko palang, sinong hindi mawawalan ng gana?

"Try mo, masaya." I crossed my arms. Binigyan ko pa siya ng tinatamad na tingin.

"Masaya ka na niyan ah? Pass ako." asar niya sa'kin sabay lingon kay- "Jameson, hanap ka nga pala ni Jax kanina. Nakausap mo na ba?"

"Hindi pa pero nabasa ko 'yung message niya." tinignan niya 'yung phone niya sabay tayo. "Akin na 'yung ID ko, Gray. Puntahan ko na 'yon, baka magalit nanaman."

Some Tears Must Fall (Rain On Me Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora