19

337 33 6
                                    


Days had passed. It's been a one month since I told Marcus that I like him too, now he's teasing me. Lagi na niya akong inaasar kasi daw sinabihan ko siya ng 'I love you' in Coron. Tapos inaasar niya ako kasi ako na daw yung nag-fifirst move, Ang kapal talaga.

"Bakit pa kasi kailangan ko pang sumama sa inyo? I mean, ayoko ng mag-participate para sa special award. Ayos na 'ko sa isang medal, gold naman 'yon eh."

Nandito kaming tatlo nila Andrei at Gray sa library. Magkakagroup kami para sa final defense, gumagawa narin kami ng requirements para sa special award.

"Tumigil ka nga," batok ni Gray sa kaniya. "Malay mo ba kung highest honor ka ngayon."

"Wala namang masamang mangarap, libre na nga 'yon pagka-kait mo pa." Inis na sinara ni Andrei ang MacBook niya at yumuko. "Alam ko with highest honor ako, ay tiwala ako sa sarili ko siya lang naman 'yung walang tiwala kaya sumama sa iba." buntong hininga niya na kinakunot ng noo namin ni Gray. "Ayoko na talaga, andaming requirements na kailangang gawin."

"Ano ba? Marami ka namang makukuhang medals." Pangungumbinsi ni Gray, niyuyugyog niya 'yung balikat ng katabi ko. Dapat kasi hindi na niya pinilit si Andrei, 'di naman s'ya kawalan. Joke.

"Ano ba 'yan. Bakit ba ako nadadamay sa ganiyan? Kuntento na si tita sa isang medal, no- kahit nga wala eh, basta pasado." Tinignan niya kaming dalawa na parang gusto na niya kaming tirisin. "Marami na naman akong ipiprint."

"Arte, baka nga magpasalamat ka pa eh." Bulong 'ko, napailing nalang ako. Hindi niya siguro narinig 'yung binulong ko, 'di s'ya nag-react eh.

Kinuha ko ang phone ko at binasa ang chat ni Marcus. Tapos na siguro 'yung practice nila. In-inform ko lang siya na nasa library kami bago ko pinagpatuloy ang pagbasa ng research paper namin.

"Ba't ba ito 'yung inuuna natin? Dapat nagfo-focus tayo sa final defense? Akala ko pa naman swerte ako kasi kayong dalawa 'yung kagrupo ko." Reklamo na naman ni Andrei sabay tapon ng papel sa table.

Sinamaan ko siya ng tingin, kung tumulong kaya siya imbis na magreklamo, sigurado tapos na kami.

"Baka kami ang malas sa'yo." Biro ni Gray.

"Ang ingay n'yo," saway ko. "Kaya walang natatapos eh. Kapag kayo hindi nakasagot sa mga tanong ng mga panelist, humanda kayo sa'kin."

Pero ang totoo hanga ako sa kanilang dalawa, gaganiyan ganiyan lang pero magaling sila lalo na sa mga itinatanong, kahit ginigisa na kami sa bawat tanong chill lang silang dalawa.

"Sinasabi mo 'yan kasi patapos ka na." Sabat ni Gray, kapal nito. Ako na nga yung gumawa ng power point presentation eh.

"Papakainin ko pa si Trev, kung pwede paki bilisan." Nginangatngat panaman no'n 'yung couch ko kapag nagugutom. Buti nga hindi nagtataka si mommy kapag pinapapalitan ko 'yung couch ko sa room ko.

"Tulungan mo nalang kaya kami." Ngumiti si Andrei. Ganiyan 'yung mga ngitian n'ya kapag may kailangan eh.

"Kanina ko pa kayo tinutulungan ah, kaunti na nga lang 'yung gagawin n'yo." I rolled my eyes. Manigas sila, ang dami ko ng ambag.

"Katamad, ayoko na." Pagsuko ni Andrei. Bumalik siya sa pagkakayuko. Siguro iniisip niya si Gwen. Speaking of Gwen, kumusta na kaya sila nila Lexi and Jameson? Silang tatlo 'yung magkakasama sa research eh. Siguro, rinding-rindi na si Gwen doon sa dalawa.

"If I were you, gagalingan ko this last semester." Napukaw ang atensyon ni Andrei sa sinabi ni Gray kaya lumingon siya dito. "Kinukuha ang grade ng grade eleven sa college kung 'di mo alam."

"Paano mo naman nalaman?" Andrei curiously asked.

"Jax." Walang ganang ani Gray.

"Rivalry kayo 'di ba?" Tanong pa ni Andrei.

Some Tears Must Fall (Rain On Me Series #1)Where stories live. Discover now