33

316 27 0
                                    


"Happy birthday, Lex."

Sagot ko sa kabilang linya. Natutulog ako nang bigla siyang tumawag, nagising tuloy ako. Tumayo na 'ko sa pagkakahiga sa couch ko at dumiretso papunta sa swivel chair ko. Tapos na 'yung shift ko pero hindi muna ako umuwi ng condo, ang hassle kasi eh, babalik nanaman ako dito mamaya.

"Pumunta ka na dito, 'wag na pa special mention."

"Ayoko, puno na 'yung schedule ko." napayuko ako sa table ko, antok parin ako. Inalis ko 'yung phone sa tainga ko then nilapag ko 'yon sa table habang nakikinig sa mga pinagsasabi niya.

"Anong puno 'yung schedule mo?" Sermon niya sa'kin. "Sabi ni Jameson, tapos na 'yung shift mo."

"Balak kong matulog ng buong araw." bakit si Jameson 'di niya kinulit?

"Wala sa vocabulary ko 'yung word na 'ayaw' and you know that." maarte niyang sabi. "Bilisan mo na, ikaw nalang 'yung hinihintay.

"Talaga lang ah, bakit nandito pa sila Gray." actually nakakapanibago kasi hindi sila pupunta ngayon, isa pa tahimik sila parehas simula pa kanina. Ano nanaman kayang mga trip no'n.

"Of course, pwera sakanila."

"Ayoko."

"Sige na..... Tatampo ako sa'yo." kung nakikita ko lang siya ngayon, humahaba nanaman siguro 'yung nguso niya. Mahilig talaga siyang mag-pout.

"Ayos lang." mag-recommend lang ako sakaniya ng doctor na lalaki, 'di na 'yan magtatampo.

"Sayang naman, hinintay ka panaman namin bago mag start."

"Edi mag start na kayo." I rolled my eyes.

"Naka loud speaker ako, rinig ka nila oh." saad niya pa.

"Gagawin ko?" Wala talaga ako sa mood para lumabas ngayon. Dito na nga lang ako sa office kumain kanina eh. Masakit pa 'yung katawan ko sa kakatakbo kanina.

"Aly, tara na." Is that Kylie? "Paiyak na 'yung birthday girl."

"Oh my! Lexi, are you crying?" nagpapanic na tanong ni Athena. Naghanap pa ng katulong ah. Best actress talaga siya.

"I'm fine." mahinang sabi ni Lexi.

Tch. Ang layo ng sagot niya sa tanong.

"Hindi na siya birthday girl. Sad gurl na siya." pambubudol pa sa'kin ni Kylie. Wait. Bakit parang kasalanan ko pa? "Punta ka na."

Natahimik ako saglit.

"Give me a thirty minutes." tumayo na 'ko sabay kuha sa phone ko. Nakakaasar, wala naman 'to sa schedule ko eh.

"Okay! Yung gift ko ah, baka kalimutan mo." masayang sambit ni Lexi, ngayon naman tumatawa na siya ng malakas. "Send ko sa'yo 'yung address, ingat. Bye-bye."

Napangiwi nalang ako. Naligo muna ako at nagayos bago umalis. Dumaan muna ako sa mall para bumili ng ireregalo kay Lexi, sumakay na ako sa kotse ko matapos kong bilhin 'yung ibibigay ko sakaniya.

Nag park na agad ako nang makadating na 'ko sa restaurant na nakalagay sa sinabing address ni Lexi. Nakakasar, sapilitan talaga sa t'wing mag bi-birthday siya. Kapag 'di ka sumipot pa ang ikaw pa 'yung masama.

"Here!" Pagkapasok ko sa loob agad kong narinig 'yung sigaw ni Lexi.

Nakita kong nagtaas si Lexi ng kamay kaya naglakad na 'ko papalapit sa table nila. Akala ko naman ang dami namin, lima nga lang silang nakaupo. Nakangiti sa'kin si Athena, bakit gano'n 'yung ngiti niya? Ang creepy. May dalawang lalaki silang kasama pero 'di ko makita 'yung mukha kasi nakatalikod sila. Bahala na, wala naman akong pakiala-

Some Tears Must Fall (Rain On Me Series #1)Where stories live. Discover now