16

359 35 79
                                    


"Our midterm is finally over! Let's go to Coron, yes we're coming!"

The second and last day of our midterm is finally over. Sabay-sabay na kaming lumabas nang classroom para puntahan sina Margot. Hindi muna kami magkasama ngayon ni Marcus since magkasama naman kami kahapon. Si Marcus naman kasama yung dalawang friends niya. Isa pa, pinipigilan talaga ako nila Gray na sumama muna kay Marcus. Wala na daw akong time sakanila, ang oa naman. Kakasabi nga lang ni Andrei nung nakaraan na para lang akong hangin na dumadaan.

"Bunganga mo Lexi, baka sumunod sila kapag narinig pa nila na pupunta tayo sa Coron, bukas. Gusto ko pa naman tayo-tayo lang ang naroon." Saway ni Andrei.

Ang feeling naman niya, kala mo famous.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?"Lexi rolled her eyes. "Sa mukha mong 'yan may magbabalak pang sumunod? Saka kahit ilakas ko pa, wala namang maghahabol sa'yo. Baka sa'kin meron." she laughedz

"Tama na nga 'yan." Saway ni Gwen. Kung hindi niya pa sasawayin 'yan, hindi sila titigil. Huminto na kami sa tapat nang building nang ABM nang makita na namin yung dalawa kasama si Athena.

"Sumakit 'yung ulo ko, lalo na dun sa gen math natin." Napakamot sa ulo Jameson at tumingala sa kalangitan. Marahil ay iniisip niya kung tama ba ang mga sagot niya kanina.

"Ayos ka na ba ngayon?" Lumapit si Margot sakaniya at hinawakan ang braso niya.

"Of course, baka Marquez 'to." Kinuha niya ang eye glasses na nakasabit sa bulsa nang blazer jacket ni Gray at sinuot ito.

"Yabang, parang kanina tinanong mo pa kung ano ang sagot ko sa three." Kinuha ni Gray ang salamin niya at sinabit niya ulit sa bulsa nang blazer jacket niya. Hindi siya nagsuot nang contact lenses sa mata, kaya nag dala siya ng salamin.

"Guys! Ano mall tayo? Gusto kong bumili nang bagong swim suit para bukas!" Athena exclaimed on excitement. Mukhang pinaghandaan niya 'tong araw na 'to ah. Sumang-ayon ang lahat kaya sumama narin ako.

"'Yan ka nanaman Athena. Bukas dapat four ng magaling araw nasa bahay ka na namin ah, hindi ten." Gray laughed. Well he has a point. Lagi namang late si Athena kahit saan.

"Kaya nga, lagi ka nalang-late." Dagdag ni Andrei. "Artista ka girl? Filipino time talaga siya eh. Dapat sakaniya n'yo sabihin na 1:00 AM dapat naroon na para maaga siyang dumating."

"Sorry okay? Promise maaga na talaga ako. Nga pala sinama ko si Enzo, if that's okay?" Paalam niya saamin na may kasamang matamis na ngiti.

Napagpasyahan na kasi na van nalang namin ang gagamitin then 'yung driver nalang namin 'yung magmamaneho.

"Sure," Tumango ako, para may ka-close si Marcus. Nagsimula na kaming maglakad pupunta sa parking lot.

"Edi dapat sinama niyo narin si Ethan." Akala ko ba ayaw na ni Lexi don sa volleyball player na 'yon? O baka biro lang.

"Dapat nga sana isasama namin 'yung volleyball player na 'yon eh. Kaya lang inisip ka namin."

"Totoo ba 'yan Jameson?" Nanlaki ang mga mata ni Lexi. "Nakaka-touch ka naman." pabiro niyang hinahampas ang balikat niya.

"Ang ibig niyang sabihin, hindi na namin siya inimbita para may taga picture kami. Pansin mo ba? Ikaw lang ang walang kapartner kawawa ka naman." Natawa kaming lahat sa sinabi ni Andrei.

"Ano ka ba? Joke lang 'yon." Hinampas siya ni Lexi sa braso. "Sinong nagsabi na may ka-partner ka? Bakit pumayag ba si Gwen? Wala ka rin, tanga ka." Akala ko tapos na si Lexi sa pang-aasar kay Andrei.

"Natanga pa ko ah, pasalamat ka babae ka hampasin kita d'yan eh."

"Gwen oh." Lumingon si Lexi sa likod at nagsumbong kay Gwen. Actually, silang dalawa ni Andrei ang nagaasaran sa harap habang kami ay nasa likuran nila na nanonood lang sa kanila. Kaya hindi malayong napagkakamalan silang mag jowa eh.

Some Tears Must Fall (Rain On Me Series #1)Where stories live. Discover now