39

374 15 11
                                    


Months had passed.

Napatitig ako sa white ceiling ng bedroom ko at nagpakawala ng malakas na buntong hininga. Argh! Bored na bored na 'ko, kanina pa 'ko nagpaparinig pero parang walang pakialam ang kasama ko.

Napalingon ako sa lalaking katabi ko, nakasandal siya sa headboard habang nagbabasa ng libro. "Marcus, let's date."

Sinara niya ang librong binabasa niya sabay titig sa'kin. "Ha? 'Di ba dapat ako ang nag-aaya niyan?"

Eh hindi ka nga nangaaya.

"Ah ayaw?" Naiirita ko siyang tinitigan. "It's just a yes or no question- no, I mean, yes or sure lang ang pwede mong sagutin." Inirapan ko siya.

"Seriously?" Humiga siya sa kama, tumagilid upang makatapat niya 'ko at napakunot ng noo. "Kaka-date lang natin yesterday 'di ba and the day before that. actually, once a day tayo kung mag-date. You promise me na pahinga tayo ngayon."

"Really? I forgot." Napakamot ako sa ulo, maang-maangan siyang tinitigan na kunwari ay hindi ko maalala ang sinabi niya. "Pero kahit na, let's hang out, right now." I cupped his face and lean a kiss on his lips.

"Fine, in one condition." He sighed and hugged me. I can smell his minty breath and his manly scent.

I put my arms on his waist and hugged him too. "Ano?" Tumingala ako sa kaniya, seryoso naman ang tingin niya sakin.

"Don't wear a skirt or shorts, wear a long sleeves and jeans instead." Hinagod niya ang likod ko. "I don't want to let other boys looking at you, especially in your legs." His jaw clenched, napairap siya na parang may naalala.

Mahina akong natawa, akala ko kung ano eh. "Yeah, sure, mag-reready na 'ko." kumawala ako sa pagkakayap niya, inalis ang comforter sa katawan ko at tumayo na. Akmang papasok na 'ko sa bathroom ng makita ko ang reflection niya sa mirror. "Dapat naka ayos ka na paglabas ko sa bathroom." pahabol ko nang makita siyang pinagpatuloy nanaman ang pagbabasa ng libro.

"Yeah. Yeah." inalis na niya 'yung reading glass na suot niya, nilapag ang book sa night stand at tumayo na. "See you," lumapit pa siya sa'kin upang halikan ako sa noo saka nagtungo pabalik sa condo niya.

13:32

"Let's get inside the nearest mall first."

Pasulyap sulyap ang tingin ko sa kaniya habang nagmamaneho siya. He doesn't like attention daw pero 'yung suot niya, argh! Kanina palang sa lobby ng condominuim building andaming mga babaeng tumitigin sakaniya paano pag sa mall na?

"Don't look at me like you're gonna murder me or something." lingon niya sa'kin saglit. Nakikita ko na 'yung mall sa mirror kaya malapit na kami.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Bakit 'yan ang suot mo?" Tanong ko, napataas ako ng kilay, hindi inaalis ang tingin sa kaniya. He worn a white round neck long sleeve, tucked in a beige trouser pants. He also wear a white plain sock and a pair of black sneakers then may dala pa siyang black canvas bag na nakasabit sa balikat niya.

"Huh? It's just a simple outfit," kumunot ang noo niya. Napasandal siya sa seat matapos i-park 'yung kotse.

Patawa. Simple outfit? Seryoso?! Matalim ko siyang tinignan. Simple outfit na ba para sakaniya 'yan? Eh halos bakat na nga 'yung muscles niya e, argh! Ayoko nalang mag-salita.

"Why, hindi ba bagay?" Inosente niyang tanong, napatingin din siya sa suot niya, "should I change? How do I look?"

Perfect. Napailing ako sa naiisip ko, pinasadahan ko siya ng tingin mula paa hanggang ulo. "Mukha kang tao," nagmamartsa akong lumabas sa kotse niya. Yun nga 'yung nakakainis eh, bagay sa kaniya.

Some Tears Must Fall (Rain On Me Series #1)Where stories live. Discover now