20

360 29 66
                                    


"Have a safe trip, Granpops and Mamita."

Kinaway pa ni Gray yung kamay niya habang pinapanood sila Mamita na naglalakad papalayo. I looked at my wrist watch, twenty minutes before eleven in the morning. Kanina pa nagsimula yung graduation nila Marcus.

Pumasok na ako at kinalabit yung driver namin ni Gray. "St. Bernards po paki bilisan."

Tumakbo na 'ko papunta diretso sa gymnasium nang huminto na ang sasakyan sa parking lot. Shit. Nahuli na nga ako, nagkukuhanan na sila ng litrato. Agad na nahagilap ng mata ko si Marcus, kasama niya si tita, kumukuha rin sila ng litrato. Agad akong lumapit sa kanila.

"Congrats." Bati ko kay Marcus. Gulat siyang lumingon sa akin bago ako niyakap.

shoot. I forgot to buy a bouquet.

"You came," Masaya niyang sabi bago ako hinalikan sa noo. "Wait. Did you run? Your heart beat was so fast or maybe because I'm here?"

"Yung una," tawa ko. Nabaling yung tingin ko sa medal na nakasabit sa leeg niya. Lalo pa akong napangiti ng makita ko 'yon.

"I'm proud of you." I pinched his right cheek.

"Really? Sige nga, kiss mo nga 'ko." Biro niya.

"How cute!" Kinikilig na sabi ni tita kaya napabitaw kami ni Marcus sa pagkakayakap. Muntikan na naming makalimutan na nandito pala siya. "Let me take you a picture." Nilabas niya yung camera niya at tinapat saamin.

Inakbayan ako ni Marcus nang sinimulan na ni tita na kuhanan kami ng litrato. After that, binalik na niya muli ang camera sa bag niya at humarap sa'kin. "Aly, we're having a small graduation party in our house. Would you like to come?"

"Sure." It's been a while since I went in their home. Isa pa miss ko narin yung aso ni Marcus.

"Great." Tita clapped her hands because of excitement. Lalo pang ngumiti si tita ng makita niya na papalapit sa amin yung mga kabigan ni Marcus kasama narin si Athena nala mo pupunta ng kasal sa sobrang effort ng suot. May pa glitters effect pa. Hindi niya pa ako napapansin dahil busy pa siya kakatype sa cellphone niy.

"Nicus! Congrats." Sabi nung Erwin, I forgot his name. Nothing new.

"Thanks, congrats din!" Tango ni Marcus na hanggang ngayon hawak parin 'yung kamay ko.

"Hi tita." Bati naman nung volleyball player. Marami rin siyang nakuhang medal tulad ng kay Marcus. "Congrats sa'tin mga lods."

"Hi Aly." Bati niya sa'kin. Tinapat niya yung kamay niya sa akin, balak pang makipag-apir. Tinitigan ko 'yon saglit bago ako nakipag apir.

I heard him laugh. "Muntikan na 'yon ah, kala ko mapapahiya ako eh.Biro niya pa.

"Alyson?!" Biglang lumingon si Athena sa amin. Tinago niya yung cellphone niya at tumakbo sa akin sabay yakap. "I miss you so much!"

"Magkasama lang tayo kahapon sa recognition." I rolled my eyes.

Binigyan niya ako ng nang aasar na tingin bago binati si Marcus. "Hi Nicus, congrats." she patted his shoulder.

"Thank you, Athena." Marcus smiled back.

"Great! Let's take a picture again Marcus, with your friends." Matapos kaming kuhanan ng picture ni tita, nagpaalam na sila.

"Bye, babatiin muna namin 'yung iba." Nagpaalam na 'yung volleyball player.

"See you later in our house." Kaway ni tita kila Athena.

"Bye Alyson." May halo parin na pang aasar na sabi ni Athena, pinaikutan ko lang siya ng mata.

"Mauuna na 'ko sa bahay, Nicus, Aly. Marami pa 'kong aasikasuhin." Paalam saamin ni tita tapos tinignan niya ng masinsinan si Marcus. "Nicus, ihatid mo ng maayos si Alyson, okay?"

Some Tears Must Fall (Rain On Me Series #1)Where stories live. Discover now