04

586 71 24
                                    


"Class dismiss."

Nagsi-tayuan na kaming lumabas ng classroom matapos magturo ang subject teacher namin. Ayaw makasabay ni Gwen si Andrei kaya nauna na kaming tatlo sa cafateria para maglunch.

"Hindi ko parin gets 'yung tinuro ni ma'am, kayo ba?" Lexi comb her hair using her fingers.

"Ayos lang, naintindihan ko naman." tango ni Gwen. Bumagal sa paglalakad si Lexi kaya hinatak ko pa siya. Matamlay talaga siya kapag gen math ang itinuturo

"Ikaw? Anong masasabi mo?" Lexi asked me. Magsasalita na sana ako pero agad din niyang binawi 'yung tanong niya. "H'wag mo na palang sagutin. Alam ko naman na 'yung sasabihin mo." she inhaled, deeply. "Ako lang talaga 'yung walang maintindihan."

"Dapat sinabi mo kanina." binitawan ko na siya, pinag-cross ko 'yung braso ko. "Tinanong naman ng teacher natin kanina kung nakakasunod ba tayo."

"sa bagay," sang-ayon ni Gwen sa sinabi ko.

"Turuan mo nalang ako mamaya, ha." paatras siyang naglalakad sa harap ko.

Wala naman akong choice. Napatango nalang ako, alam kong hindi niya ko titigilan kaya pumayag na 'ko agad.

"Really, thank you very much!" Sumigla na ulit siya. "I owe you!" Tumalon siya at naunang tumakbo papunta sa cafeteria.

"Need ko din ng ganiyang energy." Tawa ng katabi ko habang pinapanood si Lexi.

"Sabihan ko si Andrei na turuan ka?" Tumingin ako sa kaniya, nawala ang ngiti sa labi niya nung binanggit ko si Andrei.

"Nag-bago na pala 'yung isip ko." napasimangot bigla si Gwen.

Lumapit kami sa seats kung saan nakaupo sila Margot. Nahirapan pa kaming hanapin kung nasaan sila sa sobrang daming mga students, sabay kasi 'yung lunch break ng mga senior high students

"Bakit late na kayo?" Bungad sa'min ni Athena. Naupo na 'ko sa tabi ni Kylie, si Gwen naman sa tabi ni Lexi.

"Maraming pinagawa e," paliwanag ni Lexi. Tumango nalang si Athena at sabay-sabay na kaming nag-start kumain.

Kaniya-kaniya sila ng usap. Si Athena tawa ng tawa sa sinasbi ni Lexi, Margot and si Gwen nag-uusap naman about sa subject.

"Hey Aly, look. Nag tweet 'yung nagkakagusto kay Margot." tinapat ni Kylie 'yung phone niya sa mukha ko. Binitawan ko muna 'yung spoon na hawak ko at nakinig sa sinabi niya. "Guess what? Apo ng isang politician. Louis Sarmiento, first year college and political science ang course niya."

"Siya din 'yung nag-iwan ng chocolates sa locker ni Margot." she added. Kinikilig pa siya habang nag-sinasabi sa 'kin.

Napaiisip ako sa sinabi n'ya. Malayo 'yung building ng political science here in senior high building pero lagi niyang pinupuntahan dito si Margot. Good for him.

"Yeah." pinagpatuloy ko na 'yung pagkain ko.

Napangiwi si Kylie sa sinabi ko. Tinago narin niya 'yung phone niya at nagpatuloy sa pagkain ng salad.

Uminom na 'ko ng tubig then umayos ako ng upo. One slice of cake lang 'yung kinain ko, busog pa kasi ako eh. Napatingin ako kina Lexi, hindi pa sila tapos kumain.

Nilibot ko nalang 'yung paningin ko sa loob ng cafeteria. Nakita ko si Gray kasama 'yung pinsan namin saka si Andrei, malapit lang 'yung pwesto nila sa table namin.

Nahagip ng mata ko si Marcus, kadarating lang niya sa cafeteria kasama ang dalawa niyang kaibigan. Hindi ko inalis 'yung paningin ko sa kaniya hanggang sa lumingon siya sa gawi namin.

Some Tears Must Fall (Rain On Me Series #1)Where stories live. Discover now