KABANATA XXII

211K 4.2K 382
                                    

KABANATA XXII (WARNING: SPG slight lang)

Nababalot ng katahimikan at matinding tensyon ang buong dining area. Sa kaliwang bahagi ng lamesa ay kaming dalawa ni Kreed ang nakaupo. Sa kanang bahagi naman ay sina Klaude, Knight at si Kei. Katapat ko si Knight. Naiilang naman ako dahil kanina pang nakatitig sa akin si Kei. Pasulyap-sulyap naman si Klaude sa akin at ngumingiti ng matamis.

"Dad is already late. I'm getting hungry." wika ni Klaude at niluwagan ang pagkakatali ng kanyang necktie.

"Naiwan sya kanina sa opisina para ayusin ang ibang papeles. Hindi ba kayo nagkita?" tanong ni Kreed kay Klaude.

"No. Akala ko sabay kayong umalis kanina. Anyway, I'll just call her secretary." kakakuha palang ni Klaude ng cellphone sa kanyang bulsa ay saktong dumating ang kanilang ama.

Napa-ngiti ito nang makita ang mga tao sa dining area. Binigay nya ang kanyang dalang bag sa body guard na nakasunod sa kanya bago pumunta sa kanyang upuan sa dulo ng table. "I'm glad everyone's here." ani ng matanda.

"Kanina pa namin kayo hinihintay, Dad." saad naman ni Kreed. Nagsimula nang kumilos ang mga katulong sa mansyon para ayusin ang ihahandang pagkain sa lamesa.

"I'm sorry. Sana hindi ko pinaghintay ng ganon katagal si Eleanor." napa-diretso naman ako ng upo sa gulat at napangiti sa kanya. Nakangiti rin itong nakatingin sa akin. Mababait talaga ang mga Hendricks.

"Hindi naman po gaano." nahihiyang sagot ko. Naramdaman kong hinawakan ni Kreed ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Lalong lumawak ang ngiti ng kanyang ama ng mapansin ito.

Tinignan ko naman si Kreed at nakita kong sa kaharap ko ito nakatingin ng masama. Nagsukatan ng tingin sina Kreed at Knight bago ito tuluyang naputol ng dahil kay Klaude. "It looks like Knight likes our Lady." mapanuksong saad nito kay Kreed habang nakangisi.

Biglang nagkaroon ng nakakabinging katahimikan. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at humigpit ang hawak ni Kreed sa aking kamay. Halatang pinipigilan nito ang kanyang inis.

"Are we not going to eat?" basag ni Kei sa katahimikan. Nakapalum-baba ito sa lamesa at bagot na nakatingin sa kanyang ama dahil pati ito ay napaseryoso na rin dahil sa narinig na winika ni Klaude.

"Don't say nonsense things, Klaude." pagkasabi ni Kreed non ay inayos nya ang table napkin ko at pinagkuha pa ako ng pagkain sa plato. Todo asikaso sya sa akin na sobra kong ikinakagulat. Naninibago ako sa kinikilos nya. Parang hindi sya ang Kreed na nakilala ko dahil para syang tense sa mga nangyayari.

"Okay ka lang ba?" pabulong na tanong ko sa kanya. Tumingin sya saglit sa akin at umupo ng diretso.

"Do I look like I'm okay?" mahina nitong sabi. Hindi ko nalang sya sinagot at nagsimula nang kumain. Alam ko namang hindi sya okay pero wala ako sa tamang wisyo ngayon para pagaanin ang loob nya dahil may ibang bagay na bumabagabag sa aking dibdib.

Si Knight na minsan ay nagbibigay ng panakaw na tingin sa akin, hindi iyon nakakalagpas sa mga mata ko. Wala naman sigurong masama kung susundin ko ang sinabi ni Knight diba? Makikipaglaro ako sa kanya at isa ako sa mga piyesa nya.

"Eleanor, nagpakilala na ba sayo ang mga anak ko?" bukod sa mga pangalan nila ay wala na akong ibang alam tungkol sa tatlong lalakeng kapatid ni Kreed.

"Si Knight at Kei pa lang po ang nakakausap ko pero hindi kami ganoong nakakapag-kwentuhan dahil kahapon ko palang nakilala si Knight at kanina naman si Kei sa garden."

Deal with the Billionaire [COMPLETED]Where stories live. Discover now