KABANATA XXXVII

170K 3.5K 328
                                    



KABANATA XXXVII


Muli kong tinignan ang sarili sa salamin. Mahina akong bumuntong hininga bago lumabas ng pinto. Nakita kong nag-aantay doon si Kreed at ng magtama ang tingin namin ay agad itong ngumiti at lumapit sa akin. "Tara na?" aya ko sa kanya.


Sumakay kami sa sasakyan papunta sa bahay namin. Bibisitahin namin ang pamilya ko ng sabay dahil nabanggit ko rin na gusto syang makausap ng Tatay. Hindi naman sya nagdalawang isip na sumama sa akin.


"Should we bring presents to your family? Wine? Fruits? Anything in mind, Eleanor?" tanong nito na parang hindi mapakali. Nangasim ang mukha ko habang tinitignan sya. Para itong bulate na nabudburan ng asin. Kanina pa ang ikot nya paharap sa akin para magtanong ng kung anu-ano.


"Wag na. Hindi na naman kailangan non. Tama na 'yung pagsu-supply mo ng grocery sa magulang ko kada linggo." kulang na nga lang ay bigyan nito ang pamilya ko ng grocery store dahil talaga namang hindi nauubusan ng laman ang kusina namin.


"Are you sure?" nine-nerbyos nitong tanong. Kalmado lang ang postura nya ngunit ang mukha nya ay parang natatae na.


"Oo nga. Sigurado ako. Wag ka ngang masyadong kabahan. Hindi naman nangangagat ang pamilya ko no." pwera nalang siguro kay Ate Ellyah. Hindi ko alam kung magtatanong iyon sa amin mamayang pagkarating namin pero ang sigurado ay ang masinsinan nilang pag-uusap ng magulang ko.


Kinuha ni Kreed and kamay ko at nilaro ang mga daliri ko. Ramdam ko ang kalamigan ng kamay nya. Napapangiti nalang ng lihim tsaka ibinaling ang tingin sa bintana.


Nang makarating kami sa condominium na pagmamay-ari ng Hendricks ay walang sabi sabi na nagdiretso na kami ng pasok sa loob. Pinagtitinginan pa si Kreed doon ng ibang tao. Iba naman kasi talaga ang dating nya. Sya yung tipong mapapahinto ka sa ginagawa mo masulyapan lang sya saglit.


Pinauna na kami sa elevator kahit na medyo may karamihan ang nakapila. Hindi muna sila nagpapasok ng tao sa loob bukod sa amin ni Kreed at ang dalawa nyang body guards. Sina Fred at Larry.


Pagbukas ng elevator ay tahimik naming tinungo ang kwarto kung saan namamalagi ang pamilya ko. Ako na mismo ang kumatok doon. "Nay!"


Hindi naman tumagal ay pinagbuksan na rin kami ng pinto. Ang Nanay at Tatay ang sumalubong sa amin. "Good Evening, Mr. and Mrs. Salik." pormal na bati ni Kreed. Mukha tuloy nailang ang magulang ko sa ginawa nya ngunit agad din namang nakabawi at magalang ding bumati bago kami inanyayahang pumasok sa loob.


Naghihintay na ang Ate Ellyah sa salla ng dumako ang paningin ko roon. Umupo kami sa malaking couch ni Kreed. Dumekwatro pa ito ng upo kaya hinampas ko ang hita nya para paayusin sya ng upo. Akala mo talaga ay hari ang lalakeng ito eh.


"Gusto nyo ba ng makakain?" tanong ng Nanay at tatayo na sana ng pigilan ko.


"Hindi na Nay. Kumain kami ni Kreed kaninang hapon kaya medyo busog pa kami." nilingon ko si Kreed at ngumiti naman ito sa akin.


Deal with the Billionaire [COMPLETED]Where stories live. Discover now