KABANATA XI

187K 4K 284
                                    



KABANATA XI

"Parang awa mo na Kreed, tanggalin mo na yang ngisi sa labi mo. Para rin sa ikabubuti mo 'to dahil mapagkakamalan ka talagang rapist sa itsura mo ngayon. Maniwala ka sakin." naiinis na turan ko rito pero alam nyo ba kung anong ginawa?

Tinignan lang nya ako saglit at binalik na ulit sa bintana ang tingin habang humahagikgik pa. Simula nang makita nya ang laman ng bagahe ko ay hindi na naalis sa labi nya yang nakakairita nyang ngiti.

"You want a honeymoon?" bulong nito sakin. Nagtindigan naman ang lahat ng balahibo ko at tinignan sya ng masama. Ang lalakeng ito ang magiging dahilan ng pagtaas ng presyon ko. Ilayo nyo 'to sakin, parang awa nyo na. Baka hindi ako makapagpigil at maihulog ko 'to sa labas ng sasakyan.

"Manahimik ka! Hindi na ako natutuwa sa kalibugan mo." pagalit na sagot ko sa kanya. Tumigil na ang kotse'ng sinasakyan namin sa isang mataas na hotel. Mga siguro mabubulag ka muna bago mo mabilang ang palapag nito kung titingin ka sa labas ng building.

"Alright alright..." ayy purjos por santo~ Parang mas lalo pa syang natuwa. Patawarin ka sana dahil sa kahalayan ng ngiti mo. Parang kahit anong oras ay handa ka nang mang-rape ng tao Kreed.

Inirapan ko nalang sya at lumabas na agad ng sasakyan. Gabi na kami nakarating dito sa Spain. Nakakatuwa nga dahil ang gaganda ng mga nadaanan namin kanina habang papunta kami rito sa hotel pero hindi talaga mawala sa isip ko si Kreed. Pang-asar kasi talaga yung ngiti nya. Ang sarap lagasan ng ngipin ng hindi na makangiti!

May dalawang lalake ang nagbitbit ng bagahe namin papasok sa loob ng hotel. Nakasunod naman ako kay Kreed habang naglalakad kami papuntang elevator.

"Dito ba naka-stay ang Mommy mo?" tanong ko pagkapasok namin sa elevator na napapaligiran ng salamin.

"Yes, we'll meet her later but for now, wanna do something else?" napalingon ako rito ng bigla nyang hapitin ang beywang ko. Inis na kinurot ko naman ang kamay nito pero mas lalo lang nyang diniinan ang hawak kaya pinabayaan ko na.

"Something else? Kumain ganon?" painosenteng sabi ko pero ang totoo'y alam ko naman talaga ang ibig nyang ipahiwatig. Sa tono palang ng pananalita nya ay maiintindihan mo na na may halong ka-berdehan ang bawat sinasabi nya.

"Are you inviting me for a wild and wet dinner?"

Eleanor, mag-hunos dili ka! Wag mong patulan ang mga sinasabi ng manyak mong katabi. Magpaka-inosente ka. Linisin mo ang utak mo at wag mong hahayaan na ma-occupy yan ng virus na dala ni Kreed.

"A-ahahaha. Palabiro ka talaga!" sabay hampas sa kanya ng malakas. Nakita ko pang napahawak sya sa braso nya. Buti nga sayo! "Ano ba yang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan." yan, ganyan nga. Play innocent. Act like a Lady. And speak like a horse. Charing! Wala lang talaga akong maidugtong kaya ganyan. Masyado kasing ginugulo ni Kreed ang utak ko.

"My Lady, you're being wild already." wag Kreed. Maawa ka sakin. Bata pa ako! Onting push pa, bibigay na ko. Wag kang ganyan!

"Hindi ah! Oh ito na ata yung floor natin, tara na." malambing na sabi ko pero sa loob loob ko ay sampong beses ko na syang napatay sa loob ng isang minuto na iba-iba ang style.

"I see you're excited." bakit ba kakaiba ang utak ng lalakeng 'to? Simpleng salita lang ay binibigyan pa nya ng bastos na kahulugan. Pwede na syang gumawa ng sarili nyang libro ng kaberdehan. Bebenta yon lalo na sa mga kauri nya.

Hindi ko nalang sya pinansin hanggang sa maka-pasok kami sa loob ng suite. Maganda ang loob at sobrang naa-appreciate ko talaga ang kulay ng lugar at ang pagkakaayos nito pero may gusto akong gawin ngayon. Kailangan kong magpahinga!

Deal with the Billionaire [COMPLETED]Where stories live. Discover now