KABANATA XL

190K 3.8K 80
                                    

Hi Readers! Thank you sa pagbabasa ng story'ng 'to. This will be the last chapter. Let's see each other next week and finally, sa WAKAS na!

KABANATA XL (UNEDITED)

"Patingin nga ng tama ng baril sa katawan mo." pakiusap ko kay Kreed. Itinaas nito ang suot na damit at pinakita sa akin ang naka-benda nyang katawan. Napa-igting ako ng makita iyon.

"Hindi naman masyadong malala ang tama sa akin." wika nito habang binababa ang damit na suot. Kasalukuyan nang nagpapagaling ngayon si Kreed at ako naman ay pinayagan na ring makalabas ng ospital. "Don't worry too much, Eleanor."

Pinisil ko ang kanyang kamay at tumango sa kanya. "Nagdala nga pala ako ng mga bulaklak para sayo. Ako pa mismo ang nagpitas nyan sa hardin ng mansyon." saad ko at ibinigay na sa kanya ang mga rosas na hawak ko. Ngumiti ito sa akin at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Mom and Dad will be coming home tomorrow morning. Sinabi rin ng doktor na pwede ka nang makalabas ng ospital bukas. Sa mansyon ka nalang magpahinga." napatingin ako kay Klaude na nakatayo sa gilid ng kama. 

Nakalagay ang dalawang kamay nito sa black pants na suot nito. Hindi sya pumasok sa trabaho para magbantay kay Kreed kahit ayaw ng kapatid na may magbantay sa kanya.

Kanina kasing umaga ay galing ako sa mansyon at doon nagpahinga saglit. Ayokong pwersahin ang sarili ko dahil sa batang dinadala ko. Pinipilit ko ang sarili kong hindi magpa-apekto sa mga nangyari dahil alam kong nakakasama iyon sa akin. Hindi ko lang talaga maiwasang hindi mag-alala para kay Kreed.

"Klaude..." tawag ko sa kanya at lumingon naman ito sa akin. Napalunok pa ako ng laway bago nagsalitang muli. "A-ano na nga palang nangyari kay Rachel?" nangangarag na tanong ko. Kahit ayokong pag-usapan sya ay hindi maalis sa dibdib ko ang matinding kaba.

Ang kabang kahit ano mang oras ay pwedeng mapunta sa kapahamakan ang sarili ko at ang mga taong malalapit sa buhay ko. Ayoko nang mangyari ulit ang ginawa nyang iyon.

"She's now in jail. Maraming testigo ang nakakita sa nangyari doon sa kompanya. Kahit pa gamitin nya ang lahat ng kayamanan nya ay hindi iyon sasapat para makaalis sya doon. I will make sure that she will rot in there." ma-awtoridad na wika nito. Saglit kong nilingon si Kreed at diretso lang ang mata nito habang tinitignan si Klaude.

Muli kong ibinalik ang tingin kay Klaude at marahang ngumiti. "Salamat. Natatakot lang kasi ako sa pwede nyang gawin sa amin."

Umalis si Klaude kinahapunan at si Knight naman ang pumalit sa kanya rito. Ayoko pa sanang umuwi sa mansyon pero pinagpapahinga na agad ako ni Kreed. Wala naman akong nagawa kundi ang sundin ang utos nya.

"My Lady, kamusta na po si Master Kreed? Ok na po ba sya?" tanong sa akin ni Hannah habang inaayos ang pampaligo ko. Nakatayo lang ako sa isang sulok habang nakasandal ang kanan kong braso sa pader.

"Maayos na sya. Ang sabi ni Klaude kanina ay pwede na raw syang makalabas ng ospital bukas." sagot ko at nang maayos ang bathtub na paliliguan ko ay agad ko nang hinubad ang puting bathrobe na suot ko at inilublob ang katawan sa maligamgam na tubig.

"Hindi talaga ako makapaniwala sa Rachel na 'yan! Ano ba ang pumasok sa kokote nya't pumunta punta pa sya roon sa kompanya para lang magmakaawa? Nasaan na ba ang dignidad nya? Kahit kailan talaga ay napaka-eskandalosa ng babaeng 'yon!" galit na saad ni Daniela at lumapit sa akin para lagyan ng sabon ang kamay ko.

"Nako, true! Kapag talaga sumusulpot iyon ay lagi nalang may gulo! Paano ba naman ay tatanga tanga! Nasa kanya na ay binalewala pa nya. Tignan mo tuloy ngayon. Sino ang umiyak iyak sa inyong dalawa?!" umirap pa si Jenie habang inaayos ang pagkakalagay ng bathrobe ko sa gilid.

Deal with the Billionaire [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora