KABANATA XXI

207K 4.1K 430
                                    


KABANATA XXI


Agad kong itinulak ang lalakeng kaharap ko at napahawak agad sa aking tainga. Ano sa tingin nyang ginagawa nya? "Hindi mo dapat ginawa 'yon." mahinang sabi ko rito.


"MASTER KNIGHT!" lumapit sina Hannah sa kanya. Ngiting ngiti ang tatlong nakapalibot sa lalake. Kapatid sya ni Kreed? Nakakagulat lang dahil parang mas gwapo ata sya kay Kreed. Sobrang lakas ng sex appeal nya at mas mukha syang babaero.


"Babalik nalang ako sa veranda." sabi ko at tumalikod na para maglakad. Magpapalipas nalang ako ng oras doon.


"My Lady! Saglit lang po." humabol sa akin ang tatlo. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng maramdaman kong pati ang lalakeng 'yon ay nakasunod din sa akin. Paano ba naman ay naririnig ko pa rin ang daldalan nilang apat.


"Babalik din agad ako sa condo ko. Bumisita lang ako rito para makita kayong tatlo." malanding sabi ni Knight at narinig ko pa ang hagikhikan ng tatlong babae. Mukhang sanay ang isang 'to sa mabubulaklak na salita ah. "Paano ko ba matitiis ang kagandahan nyo?" parang gusto kong masuka sa mga naririnig ko. Mabuti nalang talaga at hindi ko sila nakikita dahil nauuna akong maglakad sa kanila.


"Master Knight naman ehhh~ Sino ba ang gusto nyo sa aming tatlo?" kinikilig na tanong ni Daniela. Gusto ko silang lingunin ngunit pinipigilan ko lang ang sarili kong gawin 'yon dahil baka sabihin nila na interesado rin ako kay Knight.


"Hmmm, sino nga ba?" nagkaroon ng saglit na katahimikan. Naramdaman ko ang pagtigil nila kaya nagtatakang nilingon ko ang apat. "It'll be unfair if I choose one. The other two would get hurt at ayokong nakakakita ng babaeng nasasaktan ng dahil sakin kaya, can I keep the three of you?" hinawakan ni Knight mukha ni Daniela.


Inilapit nito ang kanyang labi sa kaharap. Pulang pula na ang mukha ni Daniela at titig na titig naman sina Hannah at Jenie sa tabi nito. Mabigat ang bawat hininga ni Knight. Bumaba ang mukha nito sa leeg ni Daniela ay marahan nya itong dinilaan sa parteng iyon.


Napalaki ang mata ko sa ginawa niya. Tili naman ng tili sina Jenie at Hannah. Sa ganoong posisyon ay nakita ko ang nakakakilabot na pagtingin sa akin ni Knight. Napaiwas naman ako ng tingin dito.


"Kyaahh~ Master Knight! Akin ka nalang!" parang mahihimatay na sabi ni Jenie.


Binitawan naman ni Knight ang hindi makagalaw na si Daniela. Lumapit si Knight sa isang malaking puting vase na naka-display sa gilid at kumuha ng isang pulang rosas don. Matapos amuyin ay lumapit na ito sa akin. Ano bang pinaggagagawa ng taong ito?


Isinabit nya ang rosas sa aking tenga at hinaplos ang aking mukha. Naramdaman ko na namang nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. "But if Lady Eleanor is in choices, I would never think twice on choosing her. After all, I didn't mind women who are older than me cause that actually adds the excitement."


Agad akong tumalikod at mabilis na naglakad palayo sa lalakeng iyon. Parang isang beast si Knight. Hindi ko kakayaning makasama ang ganong klaseng lalake.

Deal with the Billionaire [COMPLETED]Where stories live. Discover now