KABANATA XXVIII

180K 3.9K 350
                                    




KABANATA XXVIII (UNEDITED)


Matiim lang ako na nakatingin sa mga mata ni Kreed. Totoo ba ang sinasabi mo o pinapahulog mo na naman ako sayo at bibitawan nalang bigla? "Ayoko nang masaktan Kreed. Hindi ko alam. Sa lahat ng nangyari, hindi ko alam kung tama pa bang sumugal sa sinasabi mo." malungkot na sabi ko rito.


"I know, Eleanor. I know." hinaplos nya ng marahan ang kamay ko at hinalikan ito. "I may not know how and where to start but I won't be tired to remind you everyday that I love you. Akala ko mababaliw na ko nang mawala ka. I'm so stupid to do that to you. I've been so in denial with my feelings. Nakulong ako sa pag-aakalang si Rachel lang ang babaeng mamahalin ko pero nagkamali ako. Day by day, I developed feelings for you without me knowing. I cared so much to the point that I get jealous over a guy you met in Spain."


"Si Slade ba ang tinutukoy mo?" kung hindi ako nagkakamali ay sya lang naman ang nakilala ko sa Spain kasama si Cliffe.


"Yes, My Lady." hinilang bigla ni Kreed ang kamay ko at mabilis na ipinulupot ang kabilang bisig sa beywang ko ng mapaupo ako sa hita nya. "You don't have any idea on how jealous I' am that time."



Wala nga siguro akong idea pero randam ko kung pano biglang nag-iba ang ugali mo ng mga panahong iyon. Ayoko lang talagang bigyan ng kahulugan ang ibang ikinikilos mo dahil ayokong paasahin ang sarili ko sa mga bagay na walang kasiguraduhan.


"Ibig bang sabihin non ay doon na nagsimula ang pagkaka-gusto mo sakin?" tanong ko na puno ng kuryosidad.


"No. I guess longer than that. I'm not really sure myself. Pero ngayon, alam na alam ko na. Malinaw na sakin na hindi ko kayang mawala ka. I can't let you go ever again." alam kong tunay ang sinasabi nya. Hindi ako makakita ng bahid ng kasinungalingan sa mga mata nya pero maraming katanungan ang kailangan nyang bigyan ng sagot.


"Bakit... bakit kailangan mo pang paabutin sa ganto? Bakit kailangan mo pa ko pahirapan ng ganto kung matagal mo na pala akong mahal? Siguro ay nag-aalangan ka sa una kung ano bang nararamdaman mo para sakin pero hindi ko lubos maisip kung bakit kailangan mo syang piliin ng paulit ulit at ipa-mukha sa akin na hindi ako ang mahal mo. Simula sa Vegas hanggang umabot sa Engagement Party natin, hindi ba't sya ang pinili mo't hindi ako. Kaya bakit, Kreed?"


Gusto kong maliwanagan para alam ko kung anong gagawin kong hakbang. Kung bibigyan ko pa ba sya ng isa pang tyansa o hindi na.


"Nung sumama ako sa kanya sa Vegas, hindi yon dahil sa sya ang pinili ko. I followed her to apologize. You know why, My Lady? Because I couldn't keep my promise with her anymore. And Eleanor, it is a promise of marriage. Masakit para sakin ang baliin ang pangakong binitawan ko pero para sayo ginawa ko. I'd been breaking two hearts since that time to the point of thinking of letting you both go. No one deserves me. I'm bad person, Eleanor. Hindi ko na alam kung pano pa itatama ang pagkakamali ko ng walang nasasaktang tao."


Ramdam ko ang kirot sa mga sinasabi ni Kreed. Hindi tumitigil ang luha nya sa pagpatak at kitang kita ko kung paano sya nahihirapan ngayon. "Hindi ko alam na ginawa mo 'yon. Kung sana ay nalaman ko lang ng maaga." nagsisising wika ko. Sumasakit ang dibdib ko ngayong unti unti ko nang nalalaman ang katotohanan.


"It's okay. It's not your fault that I don't open things like that with you. Ayoko lang pag-alalahanin ka sa mga bagay na ako ang dapat na tumatapos." pinunasan nya ang luha sa pisngi ko. Ang init ng kamay nya. "Simula ngayon, kailangan ko nang sabihin ang lahat ng nangyayari sakin para hindi gumugulo ang isip mo." tumango lang ako habang tahimik na umiiyak.


Deal with the Billionaire [COMPLETED]Where stories live. Discover now