KABANATA I

338K 5.3K 173
                                    

KABANATA I

"And the Ms. Baranggay Kalaklak 20** goes to..."

Drumrolls...

Kinakabahang nilingon ko ang Ate Ellyah na nakaupo sa pinakaunahan ng mga audience at seryosong nakatingin sa emcee. Nakahawak ang dalawa nitong kamay sa kaliwa niyang dibdib.

Lalo tuloy akong kinabahan at pilit nalang na ngumiti at tumingin sa mga judges na nasa harapan namin.

"...Eleanor Salik!" para akong nabingi sa sigawan ng mga audience at gulat pa rin sa aking narinig.

Nangangatog ang mga tuhod na naglakad ako para kunin ang premyo kong gintong baston at isinuot ang sash na may nakalagay na 'Ms. Kalaklak 20**'

Tinignan ko ang Ate'ng tuwang tuwa habang naluluha pang nakatingin sa akin. At ang pinaka-huli, ipinatong na nila sa ulo ko ang malaking korona na sumisimbolo na ako ang pinaka-magandang babae sa Baranggay namin.

Nagkaroon ng matagal na picture-an bago na nagsialisan ang mga taong nanonood.

"Sinabi naman sayo'ng ikaw ang mananalo eh. Kita mo na, wala talagang kupas ang ganda natin." bumubungisngis na sabi ni Ate bago pumunta sa bisikleta ng pedicab namin.

"Naku Ate, nagkataon lang na ako yung nanalo. Talagang sinuwerte lang ako ngayon." paliwanag ko naman dito bago pinagkasya ang sarili sa maliit na pedicab.

Napaka-laki naman kasi nitong gown ko at nandito pa nalagay yung mga damit na ginamit ko kanina sa pageant kaya halos maging sardinas na ako rito sa loob sa sobrang sikip.

"Aysus, pa-humble ka pa. Kinabog mo naman talaga yung mga kasali ron kanina eh." napa-iling nalang ako sa mga pinagsasabi ng Ate ko.

Narinig ko pang ipinagsisigawan ng Ate na ako ang nanalo sa mga nakakasalubong namin. Walang habas na kumakaway pa ito habang nagpapadyak sa pedicab namin na akala mo'y sya ang nanalo sa beauty pageant kanina.

"Ellyah! Ellyah!" tawag ni Aling Benang na nakatira sa kanto namin.

Napahinto naman ang Ate sa pagpapadyak kaya napalingon ako sa labas. Pinagpapawisan si Aling Benang habang papalapit sa amin at hinawakan agad ang kamay ng Ate pagkalapit.

"Ano ba yun Aling Benang? Bakit parang natataranta ka r'yan?" tanong ni Ate sa kanya. Nakasilip lang ako sa kanila habang nag-uusap sila.

"Naku Ellyah, pumunta na kayo agad sa bahay ninyo! May mga naka-itim na lalaking sumugod doon. Bilisan nyo na para maabutan nyo pa sila." nagulat naman ako sa sinabi ni Aling Benang kaya magtatanong sana ako sa kanya ng biglang paandarin ni Ate ang pedicab.

Kita ko ang takot sa mga mata nya at parang ninenerbyos ito sa kaba.

Nagmadali kaming makapunta sa bahay at pagkarating namin doon ay agad na tumakbo ang Ate papasok sa loob. Napatigil naman ako dahil sa tatlong itim na sasakyang nakaparada sa harap ng maliit naming bahay. Parang ito yung nakikita ko sa movie na sinasakyan ng mga mayayamang tao kasama ang mga body guards nila.

Binitbit ko ang napakabigat kong suot-suot na gown at sumunod ng pasok sa loob ng bahay. Ganoon nalang ang gulat ko ng makita ko kung gaano kagulo ang loob ng bahay namin na patuloy na ginugulo ng mga taong nakasuot ng itim.

Sa sobrang galit ko ay kinuha ko ang walis tambo sa likod ng pintuan at walang habas na pinagpapalo ang mga lalaking nakikita ko.

"Ano sa tingin nyong ginagawa nyo sa bahay namin?!" galit na tanong ko sa mga ito.

Halos manliit ako sa mga kaharap ko dahil hindi man lang umabot sa balikat ang tangkad ko sa kanila.

"Anak, tama na 'yan" napalingon ako sa humawak sa kamay ko at ganoon nalang ang kinakunot ng noo ko ng makita kong puno ng luha ang mukha ng Nanay.

Deal with the Billionaire [COMPLETED]Where stories live. Discover now