KABANATA IX

197K 4.3K 135
                                    

KABANATA IX

"Kreed, baka pwedeng... Ano... Dumaan muna ako sa bahay namin." nakasakay na kami sa sasakyan pauwi sa mansyon. Natapos na ang interview sa kanya at wala naman akong masyadong ginawa roon at panay lang ang ngiti at tango ko.

"Magtatagal ka ba ron?" hindi nakatingin saking tanong nya.

"Hindi naman. May sasabihin lang ako sa Nanay at Tatay."

Ang totoo nyan ay nag-aalala kasi talaga ako. Kanina ko lang naisip sa interview na baka mapanood ako ng magulang ko at si Ate sa tv. Ang malala pa ron, malaman nilang girlfriend ako ng isang Hendricks. Hindi talaga ako mapakali dahil iba yung kwentong sinabi ko sa kanila.

Baka magalit ang Ate sa akin nito dahil hindi ko sinabi ang totoo sa kanya. Ano nalang ang sasabihin ng mga nakakakilala sakin? Baka pag-isipan nila ako ng masama. Kung bakit naman kasi hindi ako nag-iisip ng mabuti eh. Sana talaga ay hindi nalang ako tumuloy don sa opisina ni Kreed.

"Hintayin nyo ako rito ha."

"Take Fred and Larry with you." utos ni Kreed pero pinigilan ko sya.

"Hindi na tsaka para san pa?" bumaba na ako ng sasakyan at nagtungo sa bahay namin. Nakasarado ang pinto non at parang walang tao. Kumatok pa ako ng ilang beses pero wala talagang sumasagot ni isa.

Napansin kong pinagtitinginan na ako ng bata at matatanda sa paligid namin kaya tinakpan ko ng kamay ko ang mukha ko. Siguro kasi ay sobrang kakaiba ng ayos ko ngayon. Kita mo nga naman, pag nasa teritoryo ka ng mga mahihirap, kapag nagsuot ka ng gantong kagarbong damit ay pagtitinginan ka na.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at bumalik nalang sa sasakyan. Nasaan kaya ang Nanay at Tatay?

"Tara na." sabi ko pagkasakay ko.

Umandar na rin naman agad ang sasakyan at nauwi na kami sa mansyon. Pagod na naupo ako sa living room at ganon din naman si Kreed. Pinaghandaan kami ni Sir John ng miryenda habang nakatingin ako sa kawalan at patuloy paring iniisip ang problema ko.

"Summer sausage rolls and lemon bars." inilapag na nya sa harapan namin ang pagkain. "Blueberry juice." agad na inimon ko agad ang juice at tumingin kay Kreed na nakapikit lang at nakasandal ang magkabilang braso sa uluhan ng sofa.

"We're going to have an engagement party." sabi nito habang nakapikit pa rin.

Muntikan ko nang mabuga ang juice na iniinom ko sa sinabi nya. "ANO?! Akala ko ba joke lang 'to? Diba dalawang buwan lang tayo? Bakit kailangan pa non?"

"That was Dad's idea again, not mine. And besides, engagement party lang yon Eleanor, hindi magkakaroon ng wedding kung iyon ang iniisip mo." tinagpo na nito ang tingin ko kaya inirapan ko nalang ito.

"Ok fine. Eh kelan naman 'to?"

"After we came back from Spain. That would be less than two weeks from now."

"Eh teka, pano ang pamilya ko? Pano pag hinanap ng magulang mo ang pamilya ko?" natatarantang tanong ko sa kanya.

"Edi papuntahin mo sila rito!" pabalang na sagot nya. Talaga naman Kreed, nilalabas mo nanaman yang kasamaan ng ugali mo.

"Hindi pwede!" pagtatanggi ko. Ni hindi nga alam ng magulang at Ate ko na may nangyayaring ganto sa akin ngayon. Ang tanging alam lang nila ay nagkakatulong ako rito para mabayaran ang utang namin.

"And why?" nakakunot ang noong tanong nya.

"Eh kasi..." sasabihin ko ba yung pinproblema ko kanina pa? "Basta! Hindi pwede!" nakanguso ko pang sabi. "Tsaka may babae ka naman, bat di nalang iyon ang ipakilala mo?" bulong ko.

Deal with the Billionaire [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora