KABANATA XIII

203K 4.2K 112
                                    



KABANATA XIII (UNEDITED)

"Eleanor, are you okay?" paulit-ulit na tanong sa akin ni Kreed pagkatapos naming mag-dinner kasama ang Mama nya.

Ang dinner ata na iyon ang pinaka-boring na dinner na napuntahan ko sa tanang buhay ko. Hindi nga talaga ako pwedeng makisalamuha sa mayayaman dahil kung wala kang alam sa business field ay siguradong mapapanisan ka lang ng laway sa usapan nila.

Nagkita na naman kami ng Mama ni Kreed at nandon pa rin yung pakiramdam ko na parang hindi pa ako welcome sa pamilya nila. Eh ano pa bang aasahan ko? Hindi naman talaga ako magiging parte ng pamilya nila diba? At lalong lalo nang hindi ako nababagay sa mundong ginagalawan nila.

"Okay lang ako Kreed. Medyo pagod lang ako kaya pwede bang magpahinga na tayo?" mahinang sabi ko rito.

Paano ba naman ay tsaka nya lang napansin na kasama pala nya ako pagkatapos na naming kumain. Ni walang kumausap sa akin miski isa.

"Do you want to rest? Gusto mo bang magpa-schedule ako ng body spa para sayo?"

Bumuntong-hininga muna ako ng malalim bago umiling iling sa kanya. Sakto namang bumukas na yung elevator kaya naglakad na agad ako papunta sa tinutuluyan namin. "May pupuntahan ka ba bukas?" tanong ko kay Kreed pagkapasok namin.

"Wala naman. Gusto mong maggala bukas?" napalingon agad ako sa kanya.Parang biglang nanumbalik lahat ng lakas ko dahil sa narinig kong yon.

Makakapaggala ako sa Spain? At libre pa? Isa lang naman akong hamak na ignoranteng first time lang makapunta ng ibang bansa kaya mag-iinarte pa ba ako?

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" napapangiting tanong ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Gumagalante na talaga ngayon si Kreed ah! Improving!

"Yes, kaya magpahinga ka na. I'll just finish my work." nagulat nalang ako ng lumapit sya sakin at hinalikan ang noo ko. Pagkatapos non ay tumalikod na sya at lumabas na ulit sa tinutuluyan namin kasama ang dalawa nyang body guards.

Napahawak nalang ako sa noo ko na para bang nilalagnat ako habang papasok ako sa kwarto namin. Ibinagsak ko ang katawan ko sa malaking kama habang hawak pa rin ang parteng hinalikan nya sa akin.

First time nya akong hinalikan sa noo. Ano kayang nahithit ni Kreed at parang bumabait ata ngayon? Tinignan ko ang malaking orasan sa gilid. Pasado alas dyis na pala ng gabi. Dapat nga ay nakapagpahinga ako kanina pagkarating namin dito sa Spain pero hindi ko naman nagawa dahil nangulit itong si Kreed na sinundan pa ng biglaang pagbisita ng Mama nya.

Nakakatuwang isipin na ang normal na buhay ko lang dati ay mamasukan sa kung saan saang lugar. Mapa-waitress, janitress o katulong ay pinapatos ko na makakita lang ng pera para sa pamilya ko. Kung minsan ay sinasali rin ako ng Ate sa mga beauty pageant sa iba't-ibang lugar.

Ganon lang kasimple ang buhay ko dati. Simple na may pagka-mahirap pero kinakaya. Di tulad ngayon. Para akong nakabingwit ng foreigner na asawa. Hindi lang pala ganon, dahil isang bilyonaryo pa ang kasama ko. Balang araw kaya ay yayaman din ako katulad ni Kreed?

Ipinikit ko ang mata ko at kumuha ng unan sa uluhan ko upang yakapin ito. Sana sa panahong yumaman na ako ay magkita pa rin kami ni Kreed. Sa panahong may maipagmamalaki na rin ako at sa panahong masaya na kami sa pare-pareho naming pamilya.


"My Lady..." iminulat ko ang mata ko hindi dahil sa gumigising sa akin ngayon kundi dahil sa bangong nalalanghap ng ilong ko. Napaka-masculine ng amoy na ito. Ang amoy na araw araw kong nalalanghap simula ng tumira ako sa mansyon ng Hendricks. "Take a bath and we'll have a breakfast."

Deal with the Billionaire [COMPLETED]Where stories live. Discover now