KABANATA II

248K 5.1K 272
                                    

KABANATA II

"Eleanor! Saglit nga!" hinawakan ng Ate ang balikat ko at pilit ako'ng iniharap sa kanya.

"Ate, sinabi naman sayo'ng ako nang bahala. Kaya ko 'to!" pangungumbinsi ko sa kanya.

"Sasama ako!" matigas na sabi nito. "Baka kung ano pa'ng gawin nila sa'yo!" hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko at hinila na ako palabas ng bahay.

"Maiwan ka na nga lang sabi rito eh! Ate naman, wala ka bang tiwala sa akin?" lumingon muna sya sa paligid at doon ko lang napagtanto'ng pinagtitinginan na pala kami ng mga kapit-bahay. Mga chismosa at usushero. "Babalik din ako agad." malumanay sa sabi ko rito. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito kaya hinila ko sya para bigyan ng mahigpit na yakap.

"Hindi pa ba tapos ang dramahan nyo'ng magkapatid dyan?!" galit na sabi ng isa sa mga lalake.

Bumitaw naman ako sa yakap namin at inis silang hinarap "Tara na!" sinulyapan ko sa huli'ng pagkakataon ang Ate ko.

"Magsilayas na kayo, mga chismosa! Tapos na ang palabas dito!" natawa nalang ako ng bahagya sa pagtaboy ng Ate sa mga kapit-bahay naming kanina pa'ng nanonood sa ka-dramahan namin.

Bumuntong-hininga muna ako bago pumasok sa magarang itim na sasakyan. May dalawa akong katabi na animo'y bouncer sa club sa sobrang laki ng pangangatawan.

Ilang oras pa ang lumipas ng huminto ang sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan.

Halos malaglag ang panga ko sa laki ng bahay na tumambad sa harapan ko. Parang bahay lang ni Dao Ming Zi ng Meteor Garden sa laki.

Bigla naman tuloy ako na-concious sa suot ko at halos tumalon sa kaba ang puso ko ng mapagtanto kong nakasuot pa pala ako ng gown na suot ko kanina sa beauty pageant.

"Pumasok na tayo sa loob. Sumunod ka nalang sa amin at wag kang hahawak ng kahit anong bagay sa loob." ma-awtoridad na utos nito sa akin.

Napa-irap nalang ako sa sobrang inis at hindi nalang ininda ang narinig ko. Ano bang akala nya sa akin? Ignorante na kung may makita man akong bago sa paningin ko ay agad ko itong lalapitan at hahawakan? Tsk.

"Saglit lang, baka pwedeng ayusin ko muna yung sarili ko." hawak hawak ko ang buhok ko habang patuloy ang pagsunod ko sa kanila.

"Kanina mo pa sana inisip yan! At tsaka kahit ano namang itsura mo, hindi na magbabago ang desisyon ng Master kaya wala ring silbi." napataas ang kilay ko sa sinabi nya at magpoprotesta sana ng bigla nyang buksan ang malaking pinto ng bahay--- err mansyon ng Master 'kuno' nya.

At sa pangalawang pagkakataon, nahulog na naman ang panga ko sa nakikita ng mata ko ngayon. May nag-eexist pala talaga na ganito'ng kalaking bahay ano?

May sumalubong sa aming isang matandang lalaki na naka-itim din na suit at may bilog na salaming nakalagay sa kanan lang nitong mata. Hangang hanga naman ako'ng nakatitig dito na hindi ko namalayang napabuka na pala ng malaki ang bigbig ko. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganong salamin eh.

"Ehem! Anong kailangan nyo rito at sino sya?" tinignan ako saglit ng matanda at itinuon na ang tingin sa mala-bouncer kong kasama.

"Anak ng nagnakaw sa kumpanya. Gusto raw makausap ang Master." nag-init ang dugo ko sa sinabi nya at galit na hinarap sya.

"Aba teka lang! Asan ang respeto mo't pinaglalandakan mong magnanakaw ang Tatay ko?!"

Magsasalita pa sana sya ng sumingit na ang matandang nasa harapan namin. "Sumunod ka sakin." lumingon ako rito at tumango.

Deal with the Billionaire [COMPLETED]Where stories live. Discover now