KABANATA XXXVI

156K 3.3K 181
                                    


KABANATA XXXVI (UNEDITED)


"Bakit hindi ka pumasok sa opisina ngayon?" tanong ko kay Kreed habang pinapanood syang magbihis. Lumalabas ang hubog ng kanyang katawan sa tuwing gumalaw ang kanyang braso. Ang matigas nyang dibdib ay talaga namang nakakabighani sa ganda. Para itong hinulma ng mga anghel sa langit.


"Klaude can do the work for today." sagot nito habang sinasarado ang zipper ng kanyang pambaba. Nanuyo ang lalamunan ko habang nakatingin doon.


"Excuse me, My Lady." katok ni John sa likod ng pinto. Hindi nito tuluyang binuksan ang pintuan dahil naka-sara ito kaya tumayo ako para pagbuksan sya. Mabuti nalang at nalihis ang isipan ko sa iba.


"Saglit, John." bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang iharang ni Kreed ng kanyang braso rito. Napalingon ako sa kanya. Hindi pa rin pala sya naglalagay ng pantaas. "Bakit?" mahina kong tanong at walang sabing binuhat ako nito at marahas na sinandal sa pinto.


"My Lady?" nag-aalalang tanong ni John mula sa kabila ng marinig ang malakas na pagtama ng likod ko sa pinto.


"Kree---" hindi ko na nabanggit ng buo ang pangalan nya ng salubungin ni Kreed ang labi ko ng halik. Masyadong mapusok iyon na parang gusto nitong durugin ang maninipis kong labi. Napapikit ako sa mainit na sensasyong iyon at napahawak sa kanyang buhok.


Pinisil nya ang pang-upo ko kaya napasinghap ako at doon sya nagkaroon ng pagkakataon para ipasok ang dila nya sa akin. Halos malunod lunod na ako sa halik nya ng muling nagsalita si John sa kabilang parte ng pinto. "My Lady, ayos lang po ba kayo?!" agresibo na ang boses nito kaya humugot ako ng lakas para mailayo sa akin si Kreed ngunit bumaba lang ang halik nito patungo sa leeg ko at doon nagpagala gala ang kanyang labi.


"O-oo..." napakagat ako sa aking labi at napakapit ng mahigpit sa leeg ni Kreed para kumuha ng suporta.


"May bisita po kayo sa ibaba." napadilat ako sa narinig. Patuloy pa rin si Kreed sa kanyang ginawa at parang walang pakealam sa mga nangyayari.


"Kreed... t-tama na." mahinang daing ko rito. Tumingin muna ito sa akin bago ito nagpakawala ng mapilyong ngiti.


"We'll continue later." namula ako sa narinig. Maingat nya akong ibinaba at naglakad palayo sa akin. Kinuha na nya ang polo na nakapatong sa kama namin at sinuot ito. Humugot ako ng malalim na hininga bago binuksan ang pintuan para harapin si John.


"Sino na namang bumisita sa akin?" nagtatakang tanong ko rito bago sinundan ang lakad nya palayo sa kwarto namin ni Kreed.


"My Lady, si Slade na naman po." napalaki ang mata ko at saglit na napatigil. Hindi ba ako nagkakamali ng rinig na bumalik na naman si Slade dito sa mansyon?!


"B-bakit daw? Anong ipinunta nya?"nilingon ko ang kwarto namin ni Kreed para tignan kung sumunod ba sya sa akin o hindi. Ano na naman bang ligaw na hangin ang pumasok sa isip ni Slade para pumunta pang muli rito?

Deal with the Billionaire [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora