KABANATA VIII

212K 4.7K 128
                                    

KABANATA VIII

Ang unang araw, unang gabi at unang pagtatabi...

HINDI! Ayoko na! Hindi ko talaga kaya! "Kreed, maawa ka naman sakin. Sa ibang kwarto nalang ako. Ang sabi sakin ng isa sa mga tauhan mo rito sa bahay, may sampong kwarto rito sa mansyon mo. Baka pwedeng doon nalang ako o kaya naman kahit sa living room mo nalang." pagmamakaawa ko rito.

"My answer will be always 'NO'!" naglakad na ito sa loob ng bathroom at pinagsarhan na ako ng pinto. Padabog naman akong naupo sa kama at inis na ipinadyak ang paa ko sa hangin.

Nakakainis talaga ang Kreed na yan! Sabi na nga ba eh. Kaya tuwang tuwa sya kanina ron sa mall kasi magiging mabagsik na halimaw sya ngayon dito pag-uwi sa mansyon. Pagkatapos nyang bilhin yung isang set ng thongs kanina at bumili pa ng dalawang pares ng lingerie, sa tingin nya ba ay isusuot ko iyon para mapaligaya sya? Eh kung binabasag ko kaya yung pagmumukha nya!

Pagsasamantalahan ako ng manyakis na yon kaya ayaw nya akong patulugin sa ibang kwarto at ipipilit nyang ipasuot sakin yung binili nya! Hindi pwede!

Nagmadali akong lumabas ng kwarto at hinanap si Sir John. Asan na yun ng matanong kung may iba pang bakanteng pwedeng matulugan dito?

"Uhmm, excuse me po. Nakita nyo ho ba si Sir John?" tanong ko roon sa isang kasam-bahay na nakasalubong ko.

"My Lady, nasa kitchen po. Gusto nyo ho bang ipatawag ko?" magalang na sagot nya sa akin.

Siguro ay may ginagawang importante si Sir John doon. Nakakahiya namang istorbohin pa. "Ah, wag na pala. May alam ka bang kwarto rito na pwede kong matulugan?"

"My Lady, ang bilin po ni Master ay sa kwarto nya lang po kayo pwedeng matulog."

"Ganon ba?" mukhang wala talaga akong kawala ah. "Eh baka pwedeng makihiram nalang ng banig o sako. Kahit anong pwedeng mahigaan. Ok na sakin."

"Ayaw nyo ho bang katabi si Master?"

"Ay, hindi naman sa ganon." ang manyak kasi nyang Master nyo at wala akong tiwala sa kamay nya. Baka paggising ko ay nasa pribadong parte na iyon ng katawan ko.

"Eleanor!" narinig kong tawag sa likuran ko at kahit hindi ko lingunin iyon ay alam na alam ko kung sino ang may-ari ng boses na iyon.

"Master." magalang na yumuko ang babaeng kasam-bahay at nagpaalam na rin ito para umalis.

"What are you doing here? Kanina pa kita hinahanap. Let's go back to my room." hinila nya ang kamay ko paharap sa kanya at... Ulalalam~ Eleanor! Pigilan mo ang sarili mong magkasala sa mata ng Dyos. Hindi magandang pagnasaan ang lalakeng bagong ligo na inosenteng nagpupunas ng tuwalya sa basa nyang buhok!

"Uhhmm, Kreed... Tungkol don sa sinabi ko kanina. Doon nalang ako sa carpet mo matutulog." mahinang sambit ko.

Napakunot naman ang noo nito at matalas na tumingin sakin. "No one's sleeping on the carpet Eleanor!" matigas na sabi nya at sapilitan na akong sinama pabalik sa kwarto nya.

Naupo lang ako sa right side ng kama nya habang sya naman ay nakatayo sa di kalayuan at patuloy pa rin na ikinukuskos sa buhok ang hawak na towel.

"Baka rape'pin mo ako!" pag-aamin ko rito. Napahinto naman sya sa ginagawa nya at ibinato ang towel sa isang upuan. Lumapit ito sakin at naramdaman ko ang titig nito ng huminto ito sa tapat ko.

"Look at me!" ma-otoridad na utos nito pero imbis na sundin iyon ay pinako ko pa rin ang tingin ko sa iba. "Eleanor!" ayan na, tinawag na ang pangalan ko.

Deal with the Billionaire [COMPLETED]Where stories live. Discover now