KABANATA XVII

176K 3.9K 73
                                    




KABANATA XVII

"We're here." sabi ni Slade at nauna nang lumabas ng sasakyan. Sumunod naman ako sa kanya at saglit na nilingon sya. Nasilayan ko ang ngiti sa kanyang labi. Saglit lang iyon pero nararamdaman kong totoo.

Kung aalalahanin ay kanina lang nasa hotel pa kami pero ngayon ay nasama na nila ako rito sa isang ospital. Kung paano nila ako nagawang mapapayag ay dinaan nila ako sa pagmamakaawa.

Tinulak ko ng malakas si Slade sabay sampal ng malakas sa kanyang kaliwang pisngi. Anong karapatan nyang halikan ako?! Nanggagalaiti ako sa galit at pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko sa sobrang pagpipigil ng emosyon ko.

"I-I'm sorry." parang gulat din na wika nito. Puno ng galit ang mga tingin ko sa kanya samantalang sya ay parang nagpapaawa ang itsurang nakatingin sa akin.

"My Lady, papasok na po ako!" sigaw ni Fred.

"Please, I'm sorry. We need you." mahinang pakiusap sa akin ni Slade habang palinga-linga sa pinto at walang pagdadalawang isip na lumuhod ito sa harap ko.

Nagulat naman ako sa ginawa nyang iyon kaya parang bula na nawala ang kaninang matinding galit ko sa kanya. "Saglit lang Fred. Lalabas na rin ako!" sigaw ko kay Fred sa labas. Tiningala ako ni Slade at pagkatapos non ay mahinang nagpasalamat sa akin.

"The time's running, Slade. We need to bring her to the hospital." napalingon ako kay Cliffe. Ano bang pinagsasabi ng mga ito? Hindi ko sila maintindihan. "Please come with us. We promise to bring you back here." pakiusap sa akin ni Cliffe.

Wala akong panahon para sa mga ganitong pangyayari. Baka kung saan nila ako dalhin. Natatakot ako dahil hindi ko alam kung anong totoong motibo nila at idagdag pa roon na wala akong alam sa mga pasikot sikot dito sa lugar na 'to.

"I'll explain everything to you, just come with us. Please wear this." ibinigay sa akin ni Slade ang damit na kanina'y suot ni Cliffe.

Nababagabag ako sa tingin na ipinupukol nya sa akin. Natatakot ako pero may kirot dito sa aking dibdib. Ano'ng ibig sabihin nito? May parte sa akin na pinaniniwalaan sila. Naniniwalang hindi sila masasamang tao pero kaligtasan ko ang kailangan kong unahin sa ganitong sitwasyon.

"I'm sorry. I won't come with you." sabi ko sa mga ito. Humakbang ako paatras at bago pa ulit sila makapag-salita ay mabilis na akong tumakbo palabas ng lugar na iyon. Bago tuluyang sumara ang pintuan ay nakita ko ang lungkot sa mata ng dalawa. Hindi ko nalang iyon pinansin at hinigit na agad ang kamay ni Fred pagkakita ko sa kanya sa labas.

"My Lady, bakit po tayo tumatakbo?" tanong sa akin ni Fred at nang makalayo na kami ay tumigil na ako sa kakatakbo at hinarap sya.

"Baka kasi dumating na si Kreed." palusot ko rito at tahimik na bumalik na sa sasakyan.

Pagkarating namin ay wala akong Kreed na nakita sa loob ng sasakyan. Ang tagal nila mag-usap ng kanyang ina. Kung anu-ano pa siguro ang pinag-usapan ng mga iyon. Matagal siguro silang hindi nagka-kwentuhan kaya ganon nalang sila kasabik kausap ang isa't-isa.

Naka-palumbabang tumangin na naman ako sa kawalan. Binabagabag ako ng dalawang lalakeng iyon! Hindi sila maalis sa isip ko at bigla nalang sila sumusulpot sa konsensya ko. Paano nga kaya kung totoong kailangan nila ng tulong ko? Paano nga kaya kung nagsasabi sila ng totoo? Ang sama ko para takbuhan sila ng ganoon pero paano naman kung masama nga silang tao at saktan nila ako?

Deal with the Billionaire [COMPLETED]Where stories live. Discover now