KABANATA III

233K 4.9K 91
                                    

KABANATA III

"Ayy! Teka ho! Ano'ng ginagawa nyo sakin?" itinakip ko ng maigi sa sarili ang dalawang kamay ko at matalas na tinignan ang tatlong babaeng nakapaligid sa akin.

Kaninang pag-alis ng damuhong lalake'ng yon ay may humila sa aking tatlong kasam-bahay at dinala ako sa isang kwarto na puno ng mga damit, alahas, bag at hindi mabilang na sapatos. Inaamin ko namang ngayon pa lang ako nakakita ng ganto'ng kalaking damitan. Eto siguro yung tinatawag ng mga mayayaman na walk-in closet.

"Ma'am kailangan ka na po naming bihisan kaagad kundi magagalit sa amin ang Master." naku, yan na naman sila sa master master nila. Hindi naman ako pumunta rito para bihisan nila tsaka kasalanan talaga ng lalake'ng yon kung bakit nawala sa isip ko yung dahilan ng pagpunta ko rito!

Yung gwapong masarap humalik na mabango at sobrang yummy'ng halimaw na yon. Oo, sya nga! At naiinis ako kasi pinupuri ko sya pero kasi--- Arrgghhh, gusto ko nang maiyak! Ano ba tong ginagawa nya sa akin at hindi maalis sa isipan ko yung ginawa nya?!

"Hindi pwede! Aalis na ko rito! Baka kung saan nyo pa ako dalhin!" akmang aalis na ako ng harangan nila ako at pilit na hinihila yung suot ko. "Ahhh! Ano ba?!"

"Ma'am, kami po ang mapapagalitan 'pag hindi ka namin nabihisan agad kaya kung hindi ka namin madadaan sa matinong pakiusap, dadaanin ka namin sa santong paspasan!" agad naman akong natakot sa sinabi nila at medyo napa-urong ng bahagya.

"A-ah oo na. Magbibihis na! Asan ba yang leche'ng damit na 'yan at ng maisuot na?!" naiinis na sabi ko. Ano pa bang magagawa ko? Ayoko namang halayin ako ng mga ito. Mas mabuti na sigurong ako nalang yung magpalit sa sarili ko ng kusa. Mukhang hindi ako makakalabas sa mansyong ito ng buhay ah!

"Eto ho." nakangiti pa ang mga ito ng wagas habang ipinapakita yung isang puti'ng dress, white killer heels na sa tansya ko ay nasa 6 inches at isang makalaglag panga'ng alahas.

"Sigurado ba kayong ako yung magsusuot nyan?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila habang tinuturo pa ang sarili. Mukhang mas mahal pa yan sa bahay at lupa namin ah! Lalo na yung alahas. Sobrang laki ng mga dyamante na nakalagay at mas makinang pa ata sa mga bituin sa langit yung kislap.

"Opo Ma'am kaya magpalit na ho kayo." tumango nalang ako sa kanila at kinuha na isa-isa yung mga hawak nila. Humilera na sila sa gilid at nginitian ako.

"E-hh, hindi ba kayo aalis?" gusto ba nila akong panooring magbihis sa harap nila at talagang titig na titig sila sa akin ng nakangiti?

"Sige ho, sa labas nalang po kami. Sabihin nyo nalang po pag tapos na kayo." nakangiting lumabas na sila at mahinang napabuntong-hininga nalang ako. Bakit parang kung anu-ano nang nangyayari sakin ngayong gabi?

Kanina lang ay nasa beauty pageant pa ako tapos pag-uwi ko naman ay may mga lalake nang nanggugulo sa bahay. At sa isang iglap ay napunta na ako rito sa mansyo'ng 'to.

Iwinaksi ko nalang ang iniisip ko at sinuot na ang dress. Pagkatapos non ay tumingin ako sa napakalaking salamin at napangiti nalang dahil sa ganda ng damit na suot ko ngayon. Lumabas na ako sa kwartong 'yon at parang nailang ako ng isa-isa silang tumingin sa akin at ngumiti ng malawak.

"Ang ganda ganda nyo talaga Ma'am. Naku, kayo na po ba yung papakasalan ni Master?" kinikilig na tanong sa akin ng isa sa mga babaeng kaharap ko. Napailing nalang ako ng ilang beses sa kanya tsaka tipid na ngumiti.

"Ngayon ko nga lang nakilala ang Master nyo eh." paliwanag ko rito.

"Ganun ho ba?" malungkot na sabi nito at yumuko.

Deal with the Billionaire [COMPLETED]Where stories live. Discover now