KABANATA XXXV

152K 3.1K 150
                                    




KABANATA XXXV


Napa-awang ang bibig ko sa sinabi ni John. Para akong binuhusan sa malamig na realidad. Nandito si Slade sa mansyon?! "N-nasan sya?" nauutal kong wika.


Mahigpit ang kapit ko sa hawakan ng hagdan dahil parang nanlalambot ang tuhod ko sa narinig. "Nasa living room, My Lady." dahan dahan akong sumunod sa lakad ni John. Tulala pa rin ako at hindi ko lubusang maipasok sa utak ko na talagang nandito si Slade at hindi ito isang panaginip lamang.


Napahinga ako ng malalim ng buksan ni John ang pinto. "S-salamat." nangangatog ang labing saad ko. Ni hindi ko maiayos ng matino ang pagsasalita ko lalo na't bumungad sa akin ang pigura ni Slade na naka-upo sa couch ng living room.


Daig ko pa ang nabuhusan ng malamig na tubig sa ulo ng makita sya. Bakit sya pumunta rito? "Eleanor..." masaya nitong bati sa akin at tumayo habang lumalapit ako sa kinaroroonan nya. "...I'm back." dugtong nito.


Napatigil ako ng dahil doon at napapikit ng mariin. Tsaka ko lang ipinagpatuloy ang paglalakad ko ng makakuha ako ng sapat na lakas para muling ihakbang ang paa ko papunta sa kanya.


"Slade..." banggit ko sa pangala nya. "Anong ginagawa mo rito?" mahinang tanong ko at pagkalapit ay mabilis ako nitong niyakap. Isang mainit at mahigpit na yakap. Tila ba ninanamnam nya ang bawat segundo na kayakap ako.


Nawalan ako ng lakas para itulak sya. Hindi. Naiiyak ako. Itinuturing kong kaibigan si Slade ngunit ayokong makita syang nandito sa loob ng mansyon. "I missed you so much." hinigpitan pa nya lalo ang yakap sa akin at ibinaon ang mukha sa aking leeg. Nanlalabo ang mata ko dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo. Napaka-sama ko dahil pakiramdam ko ay pinaasa ko si Slade sa wala. Naramdaman ata nito ang pagtulo ng luha ko sa kanyang balikat kaya marahan nya akong inilayo para tignan ang mukha ko. "Eleanor, why are you crying?"


Umiling ako at pinunasan ng sarili kong kamay ang luha sa aking mukha. "Wala. Hindi ko lang inaasahan na pupunta ka rito." paliwanag ko sa kanya habang inuupo nya ako sa silya.


"I just came back yesterday morning at dumiretso agad ako sa bahay nyo kaso wala ka. Sabi ng Ate mo ay nandito ka raw sa mansyon. Then I decided na ipagpabukas nalang ang pagpunta rito." napabuntong hininga ito at muli akong tinignan. "Why did you came back here, Eleanor? I thought... you want to move on? What happened?" nanlulumong tanong nito.


Bakas sa mukha nya ang lungkot at pagkakadismaya sa akin. "Nagka-ayos na kami ni Kreed noong pag-alis mo. Slade, hindi ko kaya ng wala si Kreed sa tabi ko. Sana maintindihan mo. Mahal ko sya at oo, tanga ako para pagbigyan sya ng isa pang pagkakataon kung 'yan ang iniisip mo." iniwas nito ang tingin sa akin na para bang nasasaktan sa bawat salitang binibitawan ko sa kanya.


"I like you, Eleanor. And I'm here because of you." napatango ako sa kanya. Alam ko. Ramdam ko naman sa mga galaw palang nya. "I came back because I was hoping for a chance. Hindi kita sasaktan, Eleanor. Please, just please give me a chance?" hinawakan nya ang kamay ko pero marahan ko 'yong pinalis. Ayokong paasahin ka, Slade dahil buo na ang desisyon ko at hindi na ito magbabago pa.


"Si Kreed lang ang kaligayahan ko. Ayokong bigyan ka ng isa pang chance dahil para na rin kitang pinapaasang pwede tayo." nakita ko ang nangingilid nyang luha. Ang sama sama kong tao. Hindi ko alam na darating ang araw kung saan kailangan kong mamili sa dalawang lalake. Ang saktan ang isa para lang maging malaya ako sa totoong mahal ko. "Gusto rin kita pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo." pagtatapat ko.



Deal with the Billionaire [COMPLETED]Where stories live. Discover now