KABANATA XVIII

196K 4.2K 450
                                    




KABANATA XVIII

"It's time to go, My Lady."


Ibinuka ko ang bibig ko para makapag-salita pero agad ko rin naman itong isinara dahil walang boses na lumalabas sa aking bibig. Napupuno ng takot ang buo kong katawan. Hindi lang para sa sarili ko pero para na rin kay Slade.


Hindi ko alam kung anong pwede nilang gawin kay Slade. Bakit nangyayari 'to? Hindi ko nawari na kaya at pwede 'tong gawin ni Kreed. Natatakot ako sa mga baril na nakatutok kay Slade. Wala syang ginagawang masama.


Gusto ko syang ipagtanggol pero kahit sarili ko ay hindi ko rin kayang madepensahan. "A-ano 'to Kreed? Ano'ng mga 'to?" natatakot na tanong ko kay Kreed.


"What do you mean?" seryosong balik tanong nito sa akin. Muli kong tinignan ang nakapaligid sa amin at tsaka yumuko. Gusto kong maiyak. Nilingon ko si Slade at parang wala lang sa kanya ang mga nangyayari ngayon.


"Hindi mo kailangang gawin 'to!" pagalit na sigaw ko kasabay ng mga nangingilid na luha sa mga mata ko.


Ilang segundo ako tinitigan ni Kreed bago ito nagsalitang muli. "We'll deal with that later. We have flight to attend Eleanor." kinuha ni Kreed ang kamay ko at hinila na ako palapit sa kanya. Masakit, sobrang sakit ng pagkakahawak nya sa akin na parang gusto nyang durugin ang kamay ko. Nararamdaman ko ang galit sa kanya pero hindi ko 'to makita sa kanyang mukha.


Nagsimula na kaming maglakad, hila hila nya ang kamay ko. "Kreed, nasasaktan ako." mahinang sambit ko rito. "Bitawan mo nga ako!" napalakas ata ang pagkakasabi ko kaya biglang tumayo si Slade papunta sa akin at hinawakan ang kamay ko.


"Let go of her hand." matigas na sabi ni Slade kay Kreed. Nagsukatan ng tingin ang dalawa at wala ni isa sa kanila ang nagpapatalo.


"Hands up." narining kong sigaw ng isang police. Wala nang nagawa si Slade kaya binitawan nya ang kamay ko at itinaas ang dalawang kamay sa ere.


Binitawan na rin naman ni Kreed ang kamay ko. Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad pero bago pa man ito makalayo ay napahinto rin ito sa mga salitang binitawan ni Slade sa kanya.


"Eleanor is precious; treat her like a stone and I'll show you how to treat her like 'My Queen'." seryosong wika ni Slade.


Hinintay ko ang isasagot ni Kreed pero ipinagpatuloy lang ulit nito ang paglalakad nya. "My Lady, tara na po." ngumiti ako ng tipid kay Fred.


"Sorry." mahinang wika ko rito. Siguro ay pinagalitan na si Fred ng dahil sa akin. Dati ay si Larry ang napagalitan at ngayon naman, si Fred. Wala na ata talaga akong nagawang matino. Lagi ko nalang ba ipapahamak yung mga tao sa paligid ko. Tinignan ko ang maalam si Slade. Gusto kong humingi ng paumanhin sa kanya. Hindi ko sya kayang iligtas sa sitwasyong ito. "Slade, sorry. Hindi ko talaga inaasahang gagawin 'to ni---"

"No Eleanor, it's ok. I already expected this pero hindi ganto kalaki hahaha. Don't worry about me, worry about yourself." puno ng sinseridad na wika ni Slade. "Until we meet again." ngumiti ito ng tipid. Wala na akong nagawa kundi sumunod na kay Kreed. Sana naman ay maging ok na si Slade. Papakiusapan ko nalang si Kreed na 'wag saktan si Slade.


Tahimik na pumasok ako sa sasakyan. Nandon si Kreed na naghihintay. Nakatingin ito sa kabilang gawi at nakapalum-baba. Ano kayang iniisip nya? Kung kakausapin ko ba sya ngayon ay papagalitan ulit nya ako katulad ng dati?


Deal with the Billionaire [COMPLETED]Where stories live. Discover now