KABANATA XXXIX

156K 3.2K 64
                                    


KABANATA XXXIX


Nagmadaling lumabas si Kreed sa sariling opisina habang ako ay tila na-estatwa pa rin dito sa gulat. Tinitigan ko ang pintong pinaglabasan ni Kreed. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para tahakin ang daan na 'yon.


Bawat hakbang na ginagawa ko ay pabigat ng pabigat. Wala naman akong dapat na ikabahala ngunit bakit ganto kabilis ang pintig ng puso ko? Oo, natatakot ako kay Rachel hanggang ngayon. Natatakot akong sa isang iglap ay mapasakanya na naman si Kreed.


Hindi ko ata kakayanin kapag nangyari iyon. Dahan dahan akong pumasok sa elevator. Nangangatog ang daliri ko habang pinipindot ang pinaka-ibaba. Bumabagal at bumibigat ang bawat paghinga ko.


Napa-hawak ako sa tyan ko habang pinipigilan ang pag-iyak. Bakit napaka-emosyonal ko ngayon? Bakit ba ako masyadong natatakot sa pwedeng mangyari? Ang kailangan ko lang ay magtiwala kay Kreed. Magtiwalang hindi nya sisirain muli ang pangalawang pagkakataon na binigay ko sa kanya.


Tumunog ang elevator, hudyat na naabot ko na ang baba. Pagbukas palang non ay naririnig ko na ang sigaw nya. Ang sigaw nyang bumabalot sa buong palapag ng building na ito.


"Hindi ako aalis, Kreed! I won't! I can't! Hinding hindi hangga't hindi ka sumasama sa akin!" galit na pahayag nito. Lumabas ako ng elevator at tahimik kong sinilip ang mga pangyayari.


Napatakip nalang ako sa aking labi ng makita ko ang mukha nya na puno ng luha. Nagmamaka-awa ito sa harap ni Kreed habang may pumipigil sa kanyang ibang body guards. Maraming nanonood. Maraming matang naka-matyag sa kanya ngunit hindi nya iyon binigyan ng pansin. Wala syang pakealam kahit na pagtinginan sya ng maraming tao dahil sa ginagawa nya.


"We're already over, Rachel. Tumigil ka na." mahinang wika ni Kreed habang hirap na tinitignan si Rachel. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Kitang kita ko kung paano sya nahihirapan sa sitwasyon nya ngayon.


"No, Kreed! Sinasabi mo lang 'yan kasi matagal akong nalayo sayo." pinunasan ni Rachel ang luha sa kanyang mata at muling hinawakan sa braso si Kreed. "Nandito na ako. We can be together again! Hindi na ako aalis kung gusto mo. Just be with me please. Be with me again, Kreed!"


Nanginig ang buong katawan ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Gusto kong lumapit at pagsasampal sampalin si Rachel pero hindi ko magawa. Alam kong magagalit si Kreed kung manghihimasok ako sa kanila pero mas masakit para sa akin ang panoorin nalang ang lahat ng nangyayari ngayon.


"Rachel please. I love Eleanor. I can't be with you. Bubuo na kami ng pamilya." nakita ko ang saglit na pagkabigla sa mukha ni Rachel. Napababitaw ito kay Kreed at umiling ng umiling.


Humagulgol na naman ito ng iyak. "Bakit, Kreed? Sabihin mo sa akin kung bakit?! Dahil ba sya ang gusto ng pamilya mo't hindi ako?! Dahil ba lagi akong wala sa tabi mo?!" galit na hinampas nito ang dibdib ni Kreed. "Nasaan na 'yung pangako mong ako ang papakasalan mo? Nasaan na 'yung pangako mong ako lang ang babaeng mamahalin mo? Nasaan na yung lalakeng hinding hindi sumusuko kahit na magkalayo kami? Kreed! Pakinggan mo ako! Bumalik ka na sa akin please." nakapikit lang si Kreed habang patuloy sa pagsasalita si Rachel.

Deal with the Billionaire [COMPLETED]Where stories live. Discover now