KABANATA XIV

208K 4.4K 211
                                    



KABANATA XIV

"San ba tayo pupunta?" nakailang tanong na ba ako ngayon kay Kreed pero miski isang tanong ay wala naman akong nakukuhang sagot mula sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito yung inaakto nya. "Wala ka ba talagang balak na kausapin ako?"

Sa pagbabasakali ko ay muling nabigo na naman ako. Nagpakawala nalang ako ng malalim na paghinga at sumandal na sa upuan ng sasakyan. Tinignan ko pa muna sya ng ilang segundo bago ko itinuon ang tingin ko sa labas ng bintana.

Sa kabilang side lang sya nakatingin. Wala namang nakapasak na headset sa tenga nya o kaya naman ay wala namang maingay dito sa loob ng sasakyan na pwedeng maging dahilan para hindi nya ako marinig. Ano kayang drama nitong si Kreed at hindi ako pinapansin?

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin ng magsimula syang magsalita. "Does it still hurt? Your foot." lumingon ako sa gawi nya upang harapin sya.

"Hindi na naman, onting hilot lang nito at gagaling din 'to." napakunot ang noo ko ng hindi pa rin nya ako binabalingan ng tingin. Kainis ng lalakeng 'to. Parang kaninang umaga lang ay ang bait bait tapos ngayon naman ay nakapaka-sungit.

"Ano bang ikinakagalit mo ha? Hoy, harapin mo nga ako. Kung yung nakita mo 'to kanina---" napatigil ako sa paglingon nya sakin at pagtingin ng tagos sa aking kaluluwa.

"Marami pa akong dapat na problemahin Eleanor. I don't care about your guy." nag-init na naman ang ulo ko sa narinig ko.

"Anong 'your guy' ang sinabi mo r'yan? Para namang inaakusahan mo ako na may iba akong lalake. Hindi ko naman kilala yun lalakeng 'yon at nagmagandang loob lang yung tao sa akin." pagpapaliwanag ko rito. Medyo tumataas na rin ang boses ko dahil sa galit. Madali kasi talaga akong magalit lalo na kung inaakusahan ako ng hindi naman totoo o kaya naman ay hindi pinapakinggan ang panig ko.

"You should have called Larry o di naman kaya ay ipinautos mo nalang sana yung gagawin mo. Kaya nga kita binigyan ng bodyguard, use your brain Eleanor!" napanganga ako sa sinabi nya. Gusto ko na talaga syang sampalin ngayon at bumababa na sa sasakyang 'to. Kung alam ko lang talaga ang daan pauwi ay ginawa ko na 'yon.

"Ikaw ang gumamit ng utak Kreed. Bakit ko ipapautos ang bagay na kaya ko namang gawin? At ang bodyguard ay para sa safety ko hindi para gawin kong alalay at utus-utusan ko. Hindi ko naman pinapa-sweldo si Larry kaya kung tutuusin ay wala akong karapatan sa kanya!"

"Why do you think I left Larry with you? Lahat ng ipapautos mo sa kanya ay gagawin nya. Yun ang sinabi ko sa kanyang trabaho nya. At sinabi ko sayong hintayin mo ako. Pero anong ginawa mo? You left. My Lady, you want me to tie your lovely neck to make you stay in that place? Mahirap bang sundin yung inuutos ko ha, Eleanor?!"

"Ang hirap sayo, lagi mo nalang akong kinukulong. Itatali mo ko ha?! Gagawin mo kong aso mo? Sunod sunuran sa lahat ng sasabihin mo? Sinabi mong saglit ka lang, ilang oras ba ang saglit sayo? Hindi na ba talaga ako pwedeng lumabas lang kahit saglit? Masyado mo kong sinasakal." naghuhurementadong sabi ko.

Napatiim ang bagang nya bago ulit nya ako sinagot. "I'm doing that for your own good, My Lady. Can you try to understand that? I'm worried when I saw you with another man. Ayokong may hahawak sayong iba lalo na't walang permiso ko. Can you just... just stay away from other guys? From that guy?" parang nagmamakaawang sabi nya.

"Ano namang problema mo sa mga lumalapit sa akin? Kung hindi dahil sa lalake kanina ay nandon pa rin ako sa hallway at nakalumpasay pa rin doon. Dapat nga ay nagpasalamat ka sa kanya dahil sa pagmamagandang loob nya." bigla ko na naman tuloy naalala ang nangyari kanina. Sira ulong Kreed kasi na 'to! Napaka-walang modo.

Deal with the Billionaire [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora