KABANATA VII

207K 4.6K 354
                                    

KABANATA VII

"Sigurado ka bang walang bayad 'to?" patukoy ko sa kaharap kong steak. Grabe, takam na takam na talaga ako!

"Ilang beses mo pa bang itatanong yan Eleanor?!" galit na sabi sa akin ni Kreed.

"Naninigurado lang naman! Baka naman kasi ipabayad mo pa sakin 'to eh alam mo namang wala akong ipapambayad sayo."

"Just eat the damn steak..." napangiti naman ako at nilawayan pa ang labi ko bago ko hinawakan ang tinidor at kutsilyo.

"Teka, kailangan ba talagang kinukutsilyo 'to? Hindi ba pwedeng kagatin nalang agad?" pabulong na tanong ko. Alam kong nakakahiya yung tinanong ko pero kasi, pampatagal lang yang kutsilyo na yan eh.

Ibinababa ni Kreed ang hawak nyang tinidor at kutsilyo at mariin akong tinignan. Napalunok nalang ako ng laway at iniwas ang tingin sa kanya. Nagalit ko ata. Ang kulit ko kasi.

"Eleanor..." may pagbabantang tawag nito sa akin.

"Ay oo, sige na. Gagamit na nito!" biglang sabi ko at hindi na sya pinansin. Baka palabasin na nya ako rito eh.

Lumabas kami sa restaurant na 'yon ng hindi nagpapansinan. Ewan ko ba sa lalaking ito at napaka-seryoso lagi. Natatakot din naman akong kausapin sya dahil mukha nang bad mood.

"San na tayo pupunta?" sumusunod lang ako ng lakad sa kanya.

"Bibili pa tayo ng mga kailangan mo."

Hindi nalang ako umimik at sumunod nalang sa kanya. Una naming pinuntahan ay yung mga damitan.

"Teka, diba meron na tayo nabiling damit? Ang dami na nun. Ibalik mo na nga yan!" pilit kong inaagaw yung mga pinagkukuha nyang damit pero inilalayo nya lang sa akin yon.

Uso po magtipid. Bat kaya hindi nya gawin hindi yung magtatapat lang sya ng damit sa akin tapos ibibigay na agad dun sa saleslady. Aba, nagsasayang ng pera! Hindi man lang binigyang pansin yung presyo.

"I'm buying this not only because we're travelling. Magagamit mo rin 'to kapag may gusto kang puntahan hindi yung mga pinagdadala mong damit."

Napasimangot nalang ako sa sinabi nya at hindi na kumibo. Sarap sabunutan nito!

Binilhan nya ako ng lagpas sampong damit. May mga binili pa nga syang dress na hindi ko naman alam kung para saan at kung kelan ko dapat na gamitin.

Sunod kaming pumunta sa mga bilihan ng sapatos. Lulang lula ako sa mga nagtataasang takong. Mapa-pumps, wedge o stiletto, lahat sobrang gaganda. Hindi ako magde-deny na gusto ko talagang magkaroon ng ganyang klase ng mga sapatos pero asan ang pera? Pambili nga ng ulam, nangangapa pa kami eh, pambili pa kaya ng luho?

"Anong size ng paa mo?" tanong sakin ni Kreed.

"Uhmm, 7 sa heels, 8 sa flats, 9 sa rubber shoes." nararamdam kong bibilhan nya ako ng heels kaya parang nae-excite ako na ewan.

Nag-ikot ikot na si Kreed sa buong store at pumili na nga ng heels para sakin. Naku, thank you Lord, pakiramdam ko Christmas ngayon dahil napaka-swerte ko. Ngayon lang po talaga ako natuwa sa ginagawa ni Kreed kaya bilang kabayaran. Magiging mabait po talaga ako ngayon at hindi ko sya kukulitin.

"Let's try this one." pinaupo nya ako at lumuhod sya na parang prinsipe sa harap ko. Hawak hawak nya ang isang white 4-inches heels at naramdaman kong inangat nya ang kanang paa ko.

"Ako na." nahihiya kong sabi sa kanya. Secret lang natin 'to ah, pero pakiramdam ko talaga ngayon, para akong si Cinderella at si Kreed naman ang Prince Charming ko. Nahihiya ako sa paghawak nya sa paa ko pero sa loob loob ko, para akong bumalik sa college na kinikilig pa rin.

Deal with the Billionaire [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu