WAKAS

306K 6.4K 489
                                    

YUNNIE'S NOTE:

THANK YOU FOR SUPPORTING THIS STORY. NO BOOK 2. THIS IS THE END. NO EXTRA CHAPTERS. JUST READ MY OTHER STORIES FOR THE CAMEO APPERANCES OF ELEANOR AND KREED. THANK YOU SO MUCH! <3


WAKAS

"Master Kreed. May dumating pong bisita para kausapin kayo." ibinaba ko ang papel na hawak at tumingin kay John.

"Sino raw ang naghahanap sa akin?" inis na tanong ko.

Marami pa akong kailangang tapusin na trabaho. Kakauwi ko lang at nakatambak na agad sa akin ang meetings na kailangan kong puntahan at investors na kailangan kong kausapin.

This should be Klaude's work! Pero ang isang 'yon ay mapili sa mga kakausaping investors kaya ang mga tinatanggihan nya ay sa akin napupunta.

"Anak po ng janitor sa kompanya." napa-igting ang bagang ko sa narinig. Ang alam ko ay nakausap ko na ang matandang iyon tungkol sa problemang ito. Hanggang dito ba naman sa mansyon ay hahabulin ako ng taong iyon?

"Susunod ako." wika ko kay John at ibinutones ang suot kong coat habang naglalakad papuntang living room.

Pagkabukas ko ng pinto ay natanaw ko ang isang babaeng naka-puting gown. May pagka-matangkad ito at morena ang kulay ng balat.

Napako sa akin ang bilog nitong mata dahil sa pagpasok ko. Matangos ang kanyang ilong at balot ng pulang lipstick ang kanyang labi. Dumiretso ako ng upo sa couch at saktong dumating si John para dalhan kami ng makakain.

"Help yourself." saad ko ng maupo ito sa harap ko. Nakatitig sya sa inihandang pagkain at mabilis na kinagat ang ibabang labi na waring takam na takam sa nakikita.

Shit! Why does she have to do that? Dahil pa sa pagiging mukha nitong inosente ay mas lalo akong napapamura sa aking isipan.

Pinanood ko lang ang pagkain nya. I can watch her all day. Napangiti ako ng lihim at hinimas ang aking baba.

Tanging sa pagkain lang nakatuon ang atensyon nito kaya hindi nya nakikitang onti nalang ay tatambad na sa akin ang dibdib nya.

This woman is really innocent. I can definitely tell just by looking at her. Napailing ako ng ilang beses.

"Kreed, may tumatawag sa phone mo. Importante ata." bumungad sa harap ko si Eleanor na medyo magulo pa ang buhok. Kinusot ko ang aking mata at tinignan syang mabuti. Halata ring bagong gising pa ito.

Iniabot nya sa akin ang cellphone ko. Kinuha ko naman 'yon kaya naglakad na ito pabalik sa kama namin. Tinignan ko pa muna ang pangalan ng tumatawag bago ko sinundan si Eleanor at sinagot ang tawag.

"Babe..." wika ko habang diretsong nakatingin sa nakahigang si Eleanor. Nakahilig ito sa kaliwang parte ng kama. Hindi ko alam kung nakadilat pa ito o nakapikit na.

("Hi babe! Malapit na akong bumalik dyan sa Pilipinas! Just wait for me ha?") masayang saad ng kausap kong si Rachel.

"Yeah sure." bagot na sagot ko at mariing minasahe ang noo ko.

("Did I wake you up? Anong oras na ba dyan sa Pilipinas? Sorry for calling at this hour. I just really missed you.") lumambing ang boses nito.

You did actually wake Eleanor up at hindi ako. 'Yon ang gusto kong isagot. My feelings for Rachel was already gone long time ago. I just can't leave her behind dahil ayaw nyang makipag-break sa akin.

"No it's okay. I don't really mind." narinig ko ang mahina nitong paghagikhik sa likod ng telepono.

("So kamusta naman yung bago mong babae na ni-recruit? Siguraduhin mo lang na hindi 'yan magkakagusto sayo ha? I have no time to deal with those kinds of girls.")

Deal with the Billionaire [COMPLETED]Where stories live. Discover now