KABANATA XX

186K 3.8K 218
                                    

KABANATA XX

"My Lady, pumasok na po kayo sa sasakyan. Kami na po ang bahala sa bagahe nyo." tumango ako kay Fred habang pinagbubuksan ako ng pinto ng sasakyan.

"Paki-diretso ako sa bahay namin. Gusto ko munang bisitahin ang pamilya ko bago ako umuwi ng mansyon." sabi ko kay Larry at tumango naman ito.

Sa wakas, nakauwi na rin ako sa Pilipinas. Isang malaking bangungot sa akin ang mga naging karanasan ko sa ibang bansa. Hindi ko alam kung isusumpa ko na ba ang Spain at Las Vegas dahil sa nangyari o dapat ko bang sisihin ang lalakeng patuloy na nagpaparanas sa akin ng matinding sakit?

Matapos maiayos ang mga bagahe ko ay umandar na ang itim na sasakyang sumundo sa akin. Bawat segundong lumilipas ay parang isang malaking sampal sa akin dahil simula ng iwan ako ni Kreed sa Prime Casino noong gabing iyon ay hindi ko na sya nakita pang muli.

Kinaumagahan non ay pinagpasyahan ng Mama ni Kreed na pauwiin agad ako sa Pilipinas nang hindi kasama ang kanyang anak. Ang pangyayaring iyon ang nagsilbing hudyat para matauhan ako.

Bakit ba lubos kong isinisiksik ang sarili ko sa lalakeng may iba nang mahal? Bakit ba ako nagpapaka-tanga para sa isang tulad nyang manhid sa pagmamahal ko? Bakit ba lubos ko pa rin syang minamahal sa kabila ng sakit na idinulot nya sa akin? At bakit kahit alam kong mali, hindi ko maiwasang umasa pa rin na sana dumating yung araw na ako naman ang pipiliin nya?

Namulat ako sa katotohanan dahil nasaksihan ko mismo kung paano nya alisin ang kamay kong nakahawak sa kanya. Ganon pa man, wala na akong ibang magagawa. Hindi ko na kasi nakayang maisalba yung puso ko na 'wag mahulog sa kanya.

"My Lady, may problema po ba kayo?" tanong sa akin ng driver. Nakadungaw ito sa akin gamit ang rear mirror sa harap ng sasakyan.

Sinulyapan ko naman ito para sumagot. "Ayos lang ako." agad naman itong tumango. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at tumingin na sa labas ng bintana.

Ilang oras ang binyahe namin ng tumigil ang sasakyan sa labas ng isang mataas na building. Hindi na ako nagtanong pa at lumabas na agad ng sasakyan. "My Lady, dito po pansamantalang nakatira ang pamilya nyo." sagot ng driver pagbukas sa akin ng pinto.

Agad namang lumapit sina Larry at Fred lulan ng ibang sasakyan. "My Lady, sasamahan na po namin kayo papasok sa loob." tumango naman ako at sumunod na sa kanila. "Pag-aari ng Hendricks ang buiding na ito kaya dito muna pinatira ang pamilya ninyo para makaiwas sa media at para na rin mabantayan ang seguridad nila." paliwanag sa akin ni Fred habang nasa loob kami ng elevator.

"Walang nabanggit si Kreed sa akin tungkol rito." komento ko. Bumukas ang elevator sa ika-labing anim na palapag. Ilang hakbang lang ay huminto na kami sa isang pinto.

Tatlong beses na kumatok si Fred at wala pang ilang minuto ay bumukas na ito. "Eleanor anak?" gulat na wika ng Nanay. Mainit na yakap ang sinalubong ko rito. Hindi nila alam kung gaano ako nangulila sa kanila. Ilang linggo akong nalayo sa kanila kaya hindi ko mapigilang mapaluha ng yakapin ako ng mahigpit ng Nanay.

"Nay, miss na miss ko po kayo. Sobra." inilayo nya ako ng kaunti sa kanya at hinawi ang buhok na tumatabing sa aking noo para halikan ako rito.

"Nako kang bata ka! Wag kang umiyak dyan dahil masisira ang make-up mo. Tignan mo nga ang sarili mo, Eleanor. Napaka-ganda mo." malumanay na saad ng Nanay.

"Nanay naman eh, bolera." natawa ito sa aking sinabi. Nagmano muna ako rito at hinawakan ang kanyang kamay. Magaspang ang kamay ng Nanay ko. Panay kasi ang trabaho ng kung anu-ano pero gayunpaman, ito ang pinaka-magandang kamay na nahawakan ko sa tanang buhay ko.

Deal with the Billionaire [COMPLETED]Where stories live. Discover now