KABANATA XXXVIII

157K 3.2K 131
                                    







KABANATA XXXVIII



"I'm going to be a Dad soon." hindi makapaniwalang sabi ni Kreed sa sarili bago ako tinignan sa mata.



May pumuntang doktor dito sa mansyon kanina. Dr. Ramirez ang pangalan nya at ang sabi nya ay mas maganda kung ipacheck up ako ni Kreed sa isang OB.



Pareho kaming nagulat sa sinabi ng doktor. Namawis ako ng husto non dahil parang natatakot ako sa isiping pumasok sa utak ko. Ayokong isipin na nagdadalang tao ako dahil hindi pa ako handa.



Hindi naman nagtagal ay mabilis din akong dinila ni Kreed sa kakilala nyang OB. Doon namin nalaman na tatlong linggo na pala akong buntis. Tahimik lang kami buong byahe at ng makauwi kami sa mansyon ay agad nya akong pinagpahinga sa kama.




"Ayaw mo ba?" natatakot na tanong ko. Natatakot ako dahil baka ayawan ni Kreed ang anak ko. Ang anak namin. Parehas pa kaming gulat sa balita at tanging kaming dalawa palang ang may alam nito.


"Of course not. You're carrying my baby, Eleanor." mahina nitong sabi at hinalikan ang kamay ko. "Hindi ko lang alam kung paano ko ito ipapaalam sa magulang mo. Fuck! I'm doomed!" isa rin iyon sa inaalala ko kanina pa. "But we need to celebrate this, Eleanor. I'll just call my family." tumango ako sa kanya kaya hinablot na nya ang phone sa bulsa ng pantalon nya.


"Paki-loudspeaker. Gusto kong marinig ang usapan nyo."


Hindi ko alam kung sino ang unang tinawagan ni Kreed. Ilang beses muna itong nag-ring bago nagsalita ang nasa kabilang linya.


("Why?") sagot nito. Medyo may kaliitan ang boses ngunit wala masyadong buhay.


"Kei, I need you to go home next week." yon lang ang sinabi ni Kreed bago nya ibinaba ang tawag. Narinig kong magsasalita pa sana si Kei sa kabilang linya pero pinutol na agad ni Kreed ang tawag na iyon.


"May sasabihin pa ata si Kei. Bakit naman binaba mo na agad yung tawag?" tanong ko at nag-dial lang uli ito sa cellphone nya bago ako sinagot.



"Aangal lang ang isang 'yon." maikli nitong tugon at nag-ring na naman ang sumunod nyang tinawagan.


Naka-tatlong tawag si Kreed bago ito tuluyang naubusan ng pasensya. "Baka naman busy si Knight kaya hindi sinasagot ang tawag. Hayaan mo muna sya." wala nang nagawa si Kreed kaya si Klaude na ang sumunod nitong kinontak.


Unang ring palang ay may sumagot na agad. ("I'm busy, what do you need?!") parang galit pa nitong sabi.


"Eleanor is pregnant, I need you to contact Dad and Mom para sana next week ay makabalik na sila dito sa Pilipinas." walang prenong wika ni Kreed sa kapatid.



Hindi agad nakapag-salita ang nasa kabilang linya. Napalunok tuloy ako ng laway habang hinihintay ang sasabihin nya. Masyado ata itong nagulat sa ibinalita ni Kreed sa kanya.


("I'm not in Manila Kreed, ipapautos ko nalang iyon sa mga tauhan ko.")


"Thank you. I need you all to be here by next week. Don't tell them about the news. Gusto kong kami na ni Eleanor ang magbabalita sa kanila tungkol dito."


("Get it. I'll hang up first. Anyway, congrats.")


Naputol na ang tawag kaya tinago na ni Kreed ang cellphone sa kanyang bulsa. Makikita ko na naman ang pamilya nya next week. Iniisip ko palang ang magiging reaksyon nila ay para na akong aatakihin sa puso sa kaba.


Deal with the Billionaire [COMPLETED]Where stories live. Discover now