KABANATA XXXII

167K 3.2K 70
                                    




KABANATA XXXII (UNEDITED)



Nagising ako sa sinag na tumatama sa mukha ko. Ang sakit sa mata!  Tinakpan ko ng kamay ang mga mata ko bago ko dahan dahang iminulat ito. "Anong oras na ba?" mahinang tanong ko sa katabi ko pero wala akong sagot na naririnig kaya sumilip ako rito.


Nasaan si Kreed? "Good Morning, My Lady." may biglang humalik sa noo ko at umupo sa tabi ko. "Let's have a breakfast." kinusot ko muna ang mata ko tsaka tinignang mabuti ang lalakeng tumabi sa akin. Ang pogi naman.


"Toothbrush muna ako." tumayo na ako at pumunta sa bathroom  para maghilamos at mag-toothbrush. Kamusta naman kasi yung halos ala-una  na ata natapos yung party. Antok na antok na ko non at kulang nalang eh  matulog ako ron sa kinauupuan ko kagabi.


Pagkatapos kong maghilamos at mag-toothbrush ay tinignan kong mabuti  ang ilalim ng mata ko sa salamin. Hindi pa naman ganon kahalata yung  eyebags ko pero antok pa rin talaga ako hanggang ngayon.


Pagkalabas ko sa bathroom ay nakita ko na si Kreed na nakaupo sa  harap ng maliit na bilog na table. Dalawa lang ang upuan nito kaya doon  ako naupo sa bakante. Puno ng pagkain ang maliit na lamesa. Iba't ibang  handa at karamihan ay gulay at prutas.


"Kagabi, hindi ko nakita yung dagat. Pwede ko na bang puntahan 'yon ngayon?" tanong ko kay Kreed habang namimili ako ng kakainin ko.


"After this, sasamahan kita sa dulo ng barko." kinilig ako sa  narinig ko at mabilis na kinain ang sandwich na hawak ko. Kahapon ko pa  gustong pumunta roon na pati ang kalamnan ko ay nangangatog na sa  sobrang pagkakasabik kong makalabas ng kwartong ito.


"Tapos na ko! Pwede na ba tayong pumunta?" nagulat pa ng  bahagya si Kreed at matamang tinignan ako. Natawa ito at ibinaba ang  tasa ng kape'ng hawak nya. Nilinis nya ang gilid ng kanyang labi gamit  ang puting table napkin na nakapatong sa gilid ng lamesa.


"You really are excited huh?" nangigising saad nito. Hindi ko  kinaya ang kagwapuhan taglay nya habang ngumiti sya kaya nagmadali na  akong tumakbo palabas. Ayokong makita nya kung paano mamula ng husto ang  mukha ko dahil lang sa simpleng ngiti nya.


Agad ko namang nahanap ang dulo ng barko dahil sa bilis ng takbo ko.  Ang lakas ng hagupit ng hangin mula rito. Nilingon ko ang likuran ko  para tignan ang ikalawang palapag ng barko kung saan mas makikita mong  mabuti ang dagat.


Sapat na para sa akin ang pwesto ko. Hinanap ng mata ko si Kreed pero  wala pa sya. Muli akong tumingin ng diretso sa dagat at itinaas ang  dalawa kong kamay ka-lebel ng balikat ko. Ipinikit ko ang mata ko at  tumingala sa langit. "Neaaar~ Faaar~ Whereeever you are~ I belieeeve that the heart does go ooon~"


Napatigil ang pagkanta ko ng makarinig ako ng mahinang hagikgik na nanggagaling sa aking likuran. "Kreed?! Ano yang ginagawa mo?!" lumapit ako sa kanya para hablutin ang camera'ng hawak nya na naka-tutok sa akin. "Kanina ka pa ba rito?!" nahihiyang tanong ko.


Wala man lang pasabi ang isang 'to na nandito na pala sya malapit sa akin. "Continue singing, Eleanor." parang nangungutyang sabi nito habang halatang pinipigilan ang pagtawa.


"Kreed naman! Vinideo'han mo ba ako?" sabog pa naman lagi ang boses ko at wala talaga akong katale-talento sa pagkanta.


"Yes, and you sounded like an angel." tinalon talon ko na ang  camera para maabot ko. Kung hindi ako nagkakamali ay ito rin ang  parehong camera na ginamit namin nang nagpasyal kami sa Spain dati at  hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita ang litratong laman nito.


Deal with the Billionaire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon