CHAPTER 53

4K 83 12
                                    

SHAKEERA'S POV

"James." Mahinang tawag ko sa kanya, bigla akong nakaramdam ng panghihina. Unti unti na ring nagdilim ang paningin ko. Malakas na sigaw niya ang narinig ko bago ako nilamon ng dilim.

"SHAKEERAAAA NOOOO"

"Mmm" Pakiramdam ko ang bigat ng mga talukap ko. Hirap akong imulat ang mga ito. Pero unti unti ko naman itong naidilat. Sa una malabo, pero maya maya lang naging malinaw na ang paligid ko. Isang puting kisame at amoy ng hospital ang sumalubong sa akin.

"Mmm, James." Hindi ko na halos marinig ang sarili kong boses sa sobrang hina nito. Ang hina ng pakiramdam ko.

"Ate, thanks god gising ka na. Kamusta ng pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Ok ka lang ba hah? Nagugutom ka ba? May gusto ka bang kainin?" Sunod sunod na tanong ng kapatid ko ang narinig ko.

"Tubig, gusto ko ng tubig Ina nauuhaw ako." Mabilis naman itong tumayo upang kumuha ng tubig. Ang hina hina ng pakiramdam ko sa katawan ko. Parang naubusan ako ng lakas.

"Hito na ang tubig ate, saglit lang aayusin ko lang ang higa mo. Nang makainom ka ng maayos. Oh dahan dahan lang." Sabi ng kapatid ko akin saka ako pinainom ng tubig.

"Salamat Ina." Biglang gumaan ng bahagya ang pakiramdam ko ng makainom na ako ng tubig.

"Ok na ba ang pakiramdam mo ate?"  Nag-aalalang sabi ng kapatid ko sa akin. Tumago lang ako sa kanya. Saka ko naalala ang nangyari at si James?

"Ina ang kuya mo? Nasaan ang kuya mo? Anong nangyari sa kanya?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya. Bigla na lang akong kinabahan.

Diyos ko huwag niyo pong hayaang may mangyaring masawa ko. Dasal ko sa isip ko. Dahil hindi ko napigilan ang mag-alala para sa kanya.

"Ok lang si kuya ate, kakatapos lang ng operation niya. Medyo natagalan lang sa pagtangal ng bala pero awa ng Diyos naalis naman ng maayos. Nasa ICU pa siya ngayon pero ililipat din pag naging ok na at walang naging complication sa ginawang operation sa kanya. Kaya wala ka ng dapat pang ipag-alala ok? Magpalakas ka lang." Napapikit nalang ako sa sinabi niya. Medyo nakahinga na ako sa narinig ko.

"Siya nga pala ate, congrats." Nakangiting sabi pa niya sa akin. Napakunot noo naman akong napamulat ng mata saka ako napatingin dito.
"Your two weeks on the way na,  magkakaroon na  ng kapatid si Shawn." Saka ko lang naalala ang sinabi sa akin kanina ng doctor sa clinic.

"I'm pregnant?" Mahinang sabi ko, Hindi pa rin ito halos pumasok sa isip ko. Nakangiti naman itong tumango sa akin.

"Kaya kailangan mong maging malakas at malusog. Saka extra ingat din. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa baby pamangkin ko. Medyo dinugo ka kasi kanina, pero kunti lang naman spot lang. Ang Sabi nga ni Doc natural lang daw na mag spoting ka, kasi nasa first stage ka pa lang ng pagbubuntis mo. May mga inireseta na ring mga vitamins si Doc." Masayang sabi pa nito. 

Buntis ako, nagbunga ang isa na namang gabi namin ng asawa ko. Nakalimutan kong fertile ako ng time na iyon. Magkakaanak na naman kami for the second time.

Ano kayang mararamdaman ni James pag nalaman niyang buntis ako? Matutuwa kaya siya? Siguro naman ganon ang mararamdaman niya. Siguradong matutuwa rin ang anak kong si Shawn. Ang anak ko.
Nasabi ko sa isip ko.

"Ina ang anak ko? Sinong kasama ni Shawn? Alam ba niyang nangyari sa amin ng papa niya? Nasaan siya?" Sunud sunod kong tanong sa kanya, siguradong umiiyak na iyon ngayon. Agad namang lumungkot ang mukha nitong napatingin sa akin.

"Kanina pa iyak ng iyak. Hindi naman pinabayaan ng mga lola at lolo niya. Awang awa nga ako sa kanila ate eh. Si Jason hindi pa rin nagigising, ilang buwan na tapos ngayon si kuya naman ang nandito. Si Mommy halos wala na ring tigil sa pag-iyak, Mabuti na lang at laging nandiyan sa tabi niya si Daddy. Alalang alala rin sila sayo. Actually, kakalabas lang nila. Pupuntahan nila si kuya. Kasama ng anak mo, gusto rin niyang makita ang papa niya." Malungkot na sabi nito sa akin.

The Man Behind The Mask( Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum