CHAPTER 30

4.6K 102 3
                                    

"Sino ako? ÀKO ANG AMA NIYA!" Pagalit na sabi niya sa akin at nakaturo pa ito sa natutulog na anak ko.

Napaupo ako sa tabi ng anak ko, dahil sa gulat at pagkabigla sa sinabi niya. Parang niyanig ang buo kong pagkatao. Pakiramdam ko tinakasan ako na lakas. At biglang umikot ang paligid ko. Naramdaman ko nalang ang unti unti kong pagka tumba sa inuupuan ko.

"Shakeera!" Narinig ko pa ang tumawag sa pangalan ko bago ako tuluyang nawalan ng Malay. At may mainit na mga brasong yumakap sa akin.

*****

JAMES POV

Agad kong binuhat si Shakeera at inihiga ko siya sa isa pang kama. Na nasa loob lang din kwarto ng anak namin. Shit! Fuck shit! Fuck you James, it's all your fault. Kung hindi ka sana naging magaspang sa kanya hindi mangyayari ito.

Natatarantang napasabunot pa ako sa buhok ko. Naihilamos ko rin ang kamay ko sa mukha ko. Hindi ko naiwasang mag-alala.
"Shakeera, please open your eyes." Sabi ko sa kanya kasabay ng mahinang tapik sa pisngi niya.

Bigla na naman uminit ang pakiramdam ko ng dumantay ang kamay ko sa balat niya. At Ng matitigan ko ang mukha niya, Biglang lumamlam ang mga mata ko.

Napakaganda nito, at talagang hindi nakakasawang tingnan. Ang sarap titigan, ang malalantik na mga pilik mata, pointed nose, makinis na mukha.

Na ang sarap haplusin, at ang mga mapupulang labi na kay sarap halikan. Hindi ko napigilan ang asarili ko na haplusin ito. Patungo sa mga labi nitong natural ang pagkapula, na walang bahid ng anumang lipstick.

Tuloy naramdaman ko na lang ang pag- init ng katawan ko. At pagsikip ng harapang pantalon ko. Shit! Mahinang mura ko sa sarili ko. Para akong hinihigop ng mga labi niya na halikan ito. I can't control my self anymore, at hinalikan ko na ito.

Ang lambot, ang init, at napakasarap sa pakiramdam. Dahan dahan kong naigalaw ang ang mga labi ko. Hindi ko na makontrol ang sarili kong palalimin pa ang halik ko sa kanya.

"Mmm" naramdaman kong unti unting gumalaw ang mga labi niya. Ginagaya ang mga galaw ng labi ko. And I heard her moan.
Napahigpit tuloy ang hawak ko mukha niya. At napadiin ang halik ko. Napapikit pa ako.

Napadilat ako sa biglang pagtulak niya sa akin. And I saw her eyes open wide, sa gulat at pagtataka. Napatitig naman ako sa mga mata niya.

She looks so cute, pag gulat. And her face become red. Hindi ko napigilang mapangiti sa nakita ko. Agad naman siyang nagbawi ng tingin sa akin.

*****

SAHAKEERA's POV

Naramdaman ko na lang na parang may mainit na bagay ang lumapat sa mga labi ko. Gumagalaw, dahan dahan hanggang sa unti unting lumalim ito. At naging mapaghanap pa, kaya ginagaya ko ang mga galaw nito.

Hindi ko napigilang mapaungol dahil sa sinsayong dulot nito sa akin. Hangang sa maramdaman ko ang humihigpit na hawak nito sa mukha ko. Ang mainit na palad nito. Parang totoo. Napamulat ako ng mga mata ko, and there totoo nga.

Isang nakapikit ang mapangahas na lumapastangan sa mga labi ko. Sa pagkabigla ko ay naitulak ko ito palayo sa akin. Kita ko rin sa mukha nito ang pagkagulat sa ginawa ko.

Nakakainis lang dahil nginisihan lang ako nito, na para bang natutuwa pa. Sa sobrang inis at pagkapahiya ko bigla ko itong nasampal.

"Bakit mo ako hinalikan huh?!" Galit ko pang sabi rito. Nabigla rin ito sa ginawa ko.

"I'm sorry hindi ko sinasadya, natukso akong halikan ka." Mahinang sabi nito.

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya, at napatayo ako ng mapadako ang tingin ko sa anak ko. Saka ko naalala ang mga narinig ko kanina bago ako nawalan ng malay.

The Man Behind The Mask( Completed)Where stories live. Discover now