CHAPTER 20

4.6K 69 0
                                    


I'm happy kasi kahit papaano ay napatawa ko siya. Kaya isang desisyon ang nabuo ko.
Ku-contact-kin ko ang numerong iyon. Agad ko namang ginawa, lumabas lang ako ng kwarto pagkatulog na ng kapatid ko.

Isang ring pa lang ay may sumagot na kaagad.

[ Hello ]

"Hi, good evening po." Kinakabahan kong sabi.

[ Yes sino po sila? ] Tanong pa niya sa akin.

"Ahm may nagbigay po kasi sa akin nitong number na ito  kanina sa hospital. Sabi po ka--" hindi ko natapos ang sasabihin ko.

[ Ahh ikaw yong binigyan ko kanina ] Biglang sumigla ang boses niya.

"Opo" sabi ko.

[ Ohhh I'm glad na tinawagan mo talaga ako, although alam kong tatawagan mo ako. Narinig ko kanina ang usapan ninyo ng doctor at nalulungkot ako para sayo. Pero I can help you to find way. May alam akong paraan kung papaano. ] Mahabang sabi niya pa.

[ If your interested, meet me up tomorrow para maipaliwanag ko sayo ng maayos. ] Dagdag pa niya.

"Sige po, makikipagkita po ako sa inyo bukas."  Kaya paumayag na akong makipagkita sa kanya bukas. At sinabi niya rin sa akin ang address kung saan kami magkita.

Kinabukasan dumaan muna ako sa pinapasukan ko upang magfile ng leave. Bago ako pumunta sa napag-usapang lugar. Pagkadating ko doon ay wala pa siya. Ngunit saglit lang akong naghintay.

Agad ko naman siyang namukhaan kaya itinaas ko ng bahagya ang kamay ko ng makita kong umikot ang paningin niya. Nakita naman niya ako agad na lumapit sa gawi ko habang nakangiti.

"Hi" Kiming bati ko sa kanya at tumayo, agad naman siyang nakipagbiso sa akin.

"I'm glad you came." Nakangiting nakatitig siya akin. Bigla tuloy akong nailang.

"I'm pretty much sure na pipilahan ka at pag-aagawan." Nakangiting sabi niya sa akin.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "You look so perfect darling. Hindi lang maganda and mukha mo kundi pati ang hubog ng katawan mo. Hay... Siguradong maraming maglalaway sayo girl. At Siguradong magakakagulo sa online world." Sabi pa niya.

"Online world? Ano po iyon?" Hindi ko napigilang magtanong.

"Online world, isang uri ng underground movement. Isang sekretong organisasyon, sekretong uri ng bintahan ng mga babae girl. Some kind of high class prostitution dear, pero ang kaibahan lang nito is iisa lang ang magiging costumer mo. At nasa sa iyo na lang kung uulit ka pa. Dito idadaan ka sa bidding through online. At kung sino iyong may pinakamataas na bid ay siya ang pagsisilbihan mo sa buong gabi mo. But don't worry, your identity will be safe. We will keep it private. At isa pa you'll be wearing a mask. Even your client too. So kahit na magkasalubong kayo sa labas after, Hindi pa rin ninyo makikilala ang isa't isa. And we will take photo of you wearing sexy dress with the mask. And that photo we're going to post on our website. And there, our client will select from there. And about the payment, the organization will take thirty five percent from your income. The client will pay us through there account, but we will give our girl a cash, the sixty five percent of your bid. Bidding will happened every other day. And you are lucky, cuz tonight you'll one of them." Mahabang paliwanag niya sa akin.

Laking gulat ko sa mga narinig ko sa kanya, at pag-aalinlangan pero ng masip ang dahilan ay tinanggap ko. Kahit na kinakabahan ay binaliwa ko. Ang tanging nasa isip ko na lang ay ang kapatid ko. Ang kaligtasan niya. Agad akong sumama sa kanya para sa pictorial na gagawin namin.

Agad nilang iniupload ang mga kuha nila sa akin. At soon nakita ko na Hindi lang ako nag-iisa. May siyam pang iba pang kababaihan. May mga bata pa at may mga kaidad ko lang din.

"Like you girl mahigpit din ang pangangailangan ng mga iyan. Puro mga gipit din sa buhay, alam muna." Narinig kong sabi ng baklita sa tabi ko.

"Mamayang gabi na magsisimula ang bidding at kailangang nandito ka para mai-deliver ka kaagad sa client mo. At ng makita mo na rin kung paano ka pag-aagawan mamaya." Dagdag pa niyang sabi sa akin. Na nakangiti at halatang excited. Tumango lang ako.

Umuwi muna ako sa bahay upang maligo bago bumalik sa hospital. Agad naman akong sinalubong ng mga kapitbahay ko at kinamusta.

"Hija, pagpasensiyahan mo na itong kakarampot na halagang naipon namin. Sana makatulong ito sa inyo kahit na paano." Sabi sa akin ni manang habang inaabot sa akin ang puting sobre.

"Manang, maraming maraming salamat po talaga sa tulong ninyo. Hinding hindi ko po ito makakalimutan." Pasasalamat ko sa kanya. Hindi ko naman napigilang maglandas ang mga luha ko.

"Walang anuman hija sige baka may gagawin ka pa." Sabi niya sa akin at tumalikod na. Pumasok na rin ako sa loob ng bahay at naghanda na.

Naabutan kong busy na nakipag kwentuhan ang kapatid ko sa ibang mga kasama niya sa kwarto pagpasok ko. At nagtatawanan pa ang mga ito. Nangingiti ako sa nakita ko sa kanya.

"Ate!" Tawag niya sa akin ng makita ang pagpasok ko. At kinawayan pa ako palapit.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo ah." Nakangiti kong sabi sa kanya. Hindi ko kayang mawala ang mga ngiting iyon sa mga labi niya. At ayaw kong mangyari iyon.

"Nagkwentuhan lang kami ate." Nakangiti pa ring sabi niya.
"Siya nga pala ate kamusta ang naging lakad mo?"

"Ok naman naayos ko na, saka iyong mga kapitbahay nag ambagan sila para sa iyo. Siya nga pala Ina mamaya aalis uli ako ha. Sasamahan ako ng kaibigan ko doon sa paglo-loan-an ko para sa operasyon mo. Kaya ikaw ang gagawin no lang eh magrelax ok? At huwag ka nang masiyadong mag isip. I'll handle everything you need, trust me." Hindi napigilang manubig ang mga mata ko.

"Ate salamat talaga sa lahat, ang swerte swerte ko kasi ikaw ang ate ko. Mahal na mahal kita, ate. Promise magpapagaling ako, kakausapin ko sila mama at papa na gabayan nila ako para sayo. Ayaw kitang iwan mag-isa kaya sisikapin ko. Kausapin ko rin SIYA na huwag muna akong kunin para may kasama ka pa. Habang wala ka pang asawa." Halos maiyak na  niyang sabi sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Mahal na mahal ka rin ni ate, tandaan mo yan."  Bulong ko sa kanya.

At sana maintindihan no itong gagawin ko, para ito sa iyo. Sabi ko sa sarili ko.

The Man Behind The Mask( Completed)Where stories live. Discover now