CHAPTER 42

3.9K 80 11
                                    

Maaga akong nagising dahil may pasok kami pareho ni Sir James sa opisina. Dahan dahan akong bumangon upang makapagluto na ng almusal.

Mahimbing pa ring natutulog ang anak ko. It's been two week since na dinala niya kami sa bahay nila. At may nangyari  sa amin ng araw na iyon.

But that was the first and the last. Hindi na nasundan pa iyon. Since that day ay sa kwarto na ni Shawn ako natutulog.

Halos kibuin hindi rin ako ni sir James. Parang umiiwas na ito.
Although na magkasabay kaming kumakain.

Kinakausap lang ako nito kapag kaharap ang anak namin. At pag may itatanong lang ito sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay nandidiri ito sa akin. Para bang may nakakahawa akong sakit ngayon.

Kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit. Simula kasi ng gabing may nangyari sa amin. Hindi na ako nito kinikibo. Kaya napag disisyonan ko na lang na sa tabi ng anak ko matutulog.

Pero ganon pa man, inaasikaso ko pa rin ang mga kailangan niya sa pagpasok sa opisina. I prepared his suits, shoes and foods para pagpasok namin. Inilalagay ko na lang sa labas ng cabinet ang mga susuutin niya.

Nagdadala rin ako ng pagkain namin for lunch. For breakfast and for our lunch lang namin ang niluluto ko.

Kunti lang ang pinapaluto sa akin ni manang Linda for lunch, para sa aming dalawa lang. Dahil siya na ang nagahahanda ng tanghalian at hapunan.

Minsan sabay kaming kumain at  pumasok sa opisina. Pero madalas ay hindi. Pinapahatid lang ako sa driver. Iniiwan ko na lang ang pagkain niya sa table niya.

Tulad ngayon, iniwan ko na lang sa loob ng opisina niya ang kanyang pagkain. Dahil wala ito at si Charry. Minsan sa secretary niya kay Charry.

Employee employer pa rin ang trato niya sa akin sa loob ng  kumpanya. Parang mas lalong naging stekto pa ito, lalo na sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan ang makaramdam ng lungkot.

Pababa na ako ng maramdaman kong may nakasunod sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bigla akong kinabahan.

Agad agad akong pumasok sa loob ng main elevator ng bumukas ito. Hindi ko ginamit ang private elevator, dahil ayaw kong may masabi ang ibang empleyado.

Wala kasing nakakaalam na mag-asawa na kami ng boss namin. Liban lang sa mga kaibigan ko. Mabilis akong lumabas paglapag ko sa floor ng department namin.

"Hi Sha, good morning." Nakangiting bati sa akin ni Marie .

"Good morning." Matamlay kong bati sa kanya.

"Sha are you alright?" Seryosong tanong nito sa akin. Puno ng pag-aalala ang mukha nito.

"Yes I am, pagod lang siguo ako." Nakangiti ko ng sabi sa kanya.

"Are you sure?" Naninigurong tnong niya uli sa akin.

Tumango lang ako sa kanya saka tipid na ngumiti.

"Sige na, balik ka na sa table mo. Mamaya na tayo mag kwentuhan." taboy ko sa kanya.

Saka ko lang napansin ang isang puting card envelope na nakaipit sa computer ko.

"Hmm ano yan?" Nakita rin pala niya ito.

"I don't know." Agad ko itong kinuha.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kong bakit. Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba ito o hindi.

"Baka naman invitation card iyan. Or baka love notes. Oyyy, baka galing kay sir yan." Nanunuksok sabi nito sa akin.

"Kinakabahan ako Marie."  Mahinang sabi ko sa kanya. Hindi ko piinansin ang panunukso niya.

The Man Behind The Mask( Completed)Where stories live. Discover now