CHAPTER 38

4.4K 82 9
                                    

"Hoy!!! Babae ka! Tulaley ka diyan, anong meron huh?" Napaigtad pa ako sa gulat ng biglang sumigaw sa akin si Marie. Pumasok na ito sa loob kasama si Kris.

"Kung makasigaw naman to para bang nasa kabilang building ang kausap. Hindi naman ako bingi para sigawan mo ng pagka lakas lakas noh." Sabi sa kanya sabay erap dito.

"Hindi daw bingi?" Sabi naman ni Kris. "Eh, kanina ka pa namin kinakausap dito ah. Para ka namang estatwa na itinayo ni Sir diyan! Kung hindi ka pa sinigawan ni Marie, hindi ka pa kikibo. Babatukan na nga sana kita kung hindi ka pa kumilos diyan, ano. Hay naku! Sumama yatang lumabas ang kaluluwa mo kay Sir. Oh baka naman, may--- OMG! Anong nanyari diyan sa labi mo?! Don't tell me na nauntog yan, I won't believe you Sha. Oh My God!!!! "

Sabi uli nito. Na nanlalaki pa ang mga mata. At kinikilig pa ang loka. Pinaghahampas pa sa braso si Marie. Para na itong sinapian sa sobrang kilig.

"Aray! Ano kaba Kris? Tumigil ka nga napakasadista mo talaga pag kinilig ka. Siguradong puro pasa ako nito sa ginawa mong babae ka." Reklamo naman ni Marie sa ginawa ni Kris.

"Eh kasi naman, tingnan mo nga oh?" Sabi nito na kinikilig paring nakaturo sa labi ko.

"Eh, ano naman ngayon kung namamaga yang labi ni Sha---" sabi nito na biglang natigil at napatitig sa mata at labi ko.

"OMG KRIS!!!!!" Tili naman nito ng pagkalakas lakas pa. Hinawakan pa sa balikat ito at niyugyog pa ng niyugyog.

Napatakip naman ako sa tainga ko. Parang mabubutas na yata ang eardrum ko, sa kakatili at kakasigaw ng dalawang ito.

"What's happening here? Why are you shouting?" Nagtatakang tanong ni Sir sa akin. Napasugod na pala ito kasama si Charry.

Bigla namang tumigil ang dalawa sa pagtili ng makitang pumasok si Sir. Para namang binuhusan ng pagkalamig lamig na tubig ang mga ito.

Natawa na lang ako sa isip ko ng makita ko ang hitsura nila.

"Ahh, na miss kasi nila ako, kaya ganito na lang ang reaksyon ng dalawang ito. Pasinsiya na sa ingay." Sabi ko sa kanya saka alanganing ngumiti rito.

"Ganon ba?" Nang aarok na sabi nito sa akin.

"Yeah. Right girls?" Sabi ko saka ko binalingan ng tingin ang dalawa.

"Yes. Right, na miss ka namin sobra!" Sabay namang sabi ng dalawa.

"Ok, then. Let's go babe I'm hungry." Sabi nito na hinapit pa ako sa baywang ko.

Kita ko namang napatakip ng bibig ang dalawa kilig na kilig na naman ang mga ito. Pigil pigil nito ang pagsigaw. Nilakihan ko na lang ng mga mata ito. Nagsikuhan pa ang mga loka. Pigil pa din ang pagtawa.

"Gigisingin ko lang si Shawn,." Sabi ko sa kanya saka tinungo ang ang isang silid, kung san ngayon natutulog ang anak ko.

"Shawn anak gising na po, hintay kana ng Papa mo. Nasa labas na siya. Gising ka na anak." Mahinang bulong ko sa anak ko. Hindi naman ako nabigong gisingin ito. Nagmulat agad ito ng mata.

"Mama," nakangiting sabi nito sa akin. Agad namang iniyakap ang braso nito sa leeg ko. Halatang inaantok pa rin, kaya kinarga ko na lang siya.

"Ang bigat mo na anak." Sabi ko sa anak ko. Inihilig naman nito ang ulo sa balikat ko paharap sa leeg ko.

"Love you Mama." He said in a husky bedroom voice.

"Love you too Shawn." Mahinang sabi ko rin sa kanya.

"Oh, let me." Narinig kong sabi ni Sir pagkalabas namin ng kwarto. Dali dali nama  itong lumapit sa amin at agad na kinuha sa akin si Shawn. Hindi na ako nakatangi pa.

The Man Behind The Mask( Completed)Where stories live. Discover now