CHAPTER 48

3.7K 82 18
                                    

JAMES POV

Hindi ko napigilan ang mapangiti ng magisnan ko ang payapang mukha ng maganda kong asawa. Nakayakap pa ito sa akin. Nakapatong pa sa mga binti ko ang isang hita nito.

Napakaganda talaga nito. Parang batang natutulog, kahit nakanganga pa ng bahagya ang bibig nito. Kaya hindi ko napigilan ang sarili kong haplusin iyon. Napakasarap sa pakiramdam na ganito ang magigisnan ko sa tuwing gigising ako.

"Mmm" Dahan dahan itong kumilos at nag-inat ng mga braso at katawan. Ngunit nagtaka pa ako dahil biglang natigil sa ere ang mga braso nito.

Saka dahan dahang idinilat ang kanyang mga mata. Bahagya pa iyong nanlaki, mukhang gulat na gulat. At mabilis na bumangon. Nagising ko yata ito. Akmang tatayo na ito ng hawakan ko ito sa baraso.

"Sorry if I wake you up sweety. How's your feeling now?" Tanong ko rito.

"Ahm, hindi naman. Ok lang. Napahaba yata ang tulog ko. Anong oras na ba? Kailangan ko na sigurong bumalik sa trabaho ko, Nakakahiya naman." Napangiti ako sa kanya, medyo natataranta pa ito. Mabilis pa itong naglakad patungong pintuan, pero agad din itong napatigil ng sabihin ko sa kanya kun anong oras na.

"It's already seven PM babe, kaya hindi mo na kailangang bumalik sa opisina niyo. We will go home now." Nakangiting sabi ko. Hindi na ito nakakilos.

"G-Ganon A-Ako katagal na natulog?" Nauutal na sabi nito. Tinanguan ko ang asawa ko. sa
Saka matamis ko lang din itong nginitian. She looks so cute pagnagulat.

"It's ok babe, ang importante nakapag pahinga ka ng maayos. Anyway kailangan na
nating umuwi, namimiss ko na si Shawn." Bumaba na rin ako sa kama at inayos iyon.

"Si Shawn , kailangan kong tawagan." Narinig kong sabi nito saka nagmamadaling lumabas na  ng kwarto.

"I already callled him, kanina while you're still asleep. Sinabi ko na medyo late na tayo makauwi, dahil tulog ka pa. And he told me na huwag na kitang gisingin hintayin na lang daw kitang magising, dahil pagod ka daw." Sabi ko sa kanya. I called our son kanina ng magising ako. Dahil alam kong naghihintay iyon ng tawag mula sa amin ng mama niya.

"Ganon ba, thank you." Mahinang sabi nito, mukhang nahihiya pa.

"Wait kukunin ko lang yong mga pinabili mong pagkain kanina." Agad kong tinungo ang pantry area. Upang kunin ang mga pagkain. Inilagay ko ang iyon sa ref.

Napangiti nna naman ako ng marinig ko ang pagkulo ng tiyan nito. Nakahawak pa ito.She's hungry for sure.
"Oh, its better to eat first before we go home babe." Sabi ko sa asawa ko saka inilabas ang pagkain upang mapainit ko iyon.

Agad naman nitong sinungaban ang manggang hilaw saka isinawsaw sa ice cream. At nilagyan ng bagoong ang slice ng pizza saka mabilis na kinain.

Nagulat naman ako sa ginawa ng asawa ko. Hindi ko alam na ganito pala ang gusto niya. At mukhang sarap na sarap ito sa kinakain iya. Wierd.

"Sorry,  gutom lang ako, muntik ko na palang maubos." Nahihiyang sabi pa nito sa akin. Napatingin pa ito sa hawak ko. Saka ko lang napasin ito. Napangiti na lang ako,

"It's ok babe, don't worry. Natutuwa lang ako dahil magana kang kumain. Hindi ko alam na gustong gusto mo palang nilalagyan ng bagoong iyang pizza saka isinasawsaw sa ice cream ang maggang hilaw."

"Ngayon ko lang din natikman ito, masarap pala siya. Talagang Napakasarap. Gusto mong subukan?" Nahihiya pang sabi niya sa akin.

"No, thanks babe. Gusto ko man pero naubos mo na." Hindi ako makapaniwala na ngayon niya lang iyon nasubukan. But the way she ate, parang nakasanayan na.

The Man Behind The Mask( Completed)Where stories live. Discover now